NICKA'S POV
"Fenk fenk, i think hindi ko na mahal si Dom. Kasi may nakita akong mas gwapo sa kanya eh, yung tipong feeling ko mas mahihigitan nya yung pagmamahal na binibigay saakin ngayon ni Dom" masaya kong kwento sa mga kaibigan ko na sina Mara, Lyn, Mark at Edstarr
"Haaaaay ewan ko sayo Nicks. Sa dinami dami na naming pinapayo sayo, hindi ka naman nakikinig samin. Ni hindi mo ngang magawang gawin eh. Tama ba? Kaya para san pa't papayuhan ka pa namin ulit. Wag na uy, magsasayang lang kami ng laway sayo" naiiritang sabi ni Mara sa akin. Grabe damang dama ko pagmamahal nila sa akin, sagad pa nga eh.
"Ay basta. Im 100% sure na hindi ko na talaga mahal si Dom. Dahil Im 100% sure na ang mahal ko na ngayon ay si Errol" kinikilig kong sabi sa kanila.
*Kinabukasan*
"Dom.." huminga ako ng malalim *inhale* *exhale*...."Dom, break na tayo"
"What?! What the hell nicks?! Bakit out of nowhere bigla mo nalang sinasabi sa akin yan? Parang kahapon lang ok naman tayo ah. Tel---" pagputol ko sa pagsasalita ni Dom.
"Hindi tayo ok kahapon, ok? Kala mo lang ok pero hindi. Ayoko na sayo, hindi na kita mahal" at bigla nyang hinawakan ang magkabila kong kamay.
"Pls Nicks, tell me kung bakit ka nakikipaghiwalay saakin. Nagkulang ba ako sayo? Oh sige babawi ako sayo, araw araw na kitang ililibre, araw araw na kitang ihahatid sundo, at kung gusto mo ihatid pa kita sa klase mo kung sakaling umpisa na ng klase nyo" nagmamakaawang umiiyak sa harapan ko ngayon si Dom.
Agad namang nagsituluan ang mga luha ko sa mata na kanina ko pa pinipigilan. Naaawa ako sakanya. Hindi deserve ng mga luha nya ang isang katulad ko. Nagsimula na syang humagulgol,
"Nicks, plssss.. Pls mahal na mahal kita. Wag mo naman gawin sakin toh oh" hihikbi-hikbing sabi sa akin ni Dom sabay yakap sa akin ng napakahigpit. Pilit akong kumakawala sa pagkakayakap nya hanggang sa tuluyan na akong nakawala.
"Sorry Dom, pero ayoko na talaga. Itigil na natin toh. Hindi na kita mahal. Sorry" sabay takbo ko palayo sakanya.
Takbo ako ng takbo hanggang sa napunta ako dito sa Library, kung saan lagi namin itong tambayan ni Dom. Umupo ako sa pinakagilid at dun nag iiyak iyak. Buti nalang wala ng tao dito,
"Shet naman oh, bat ako nasasaktan? Ginusto ko naman toh ah. Tang ina ah, hindi ko na nga sya mahal diba? Putspa!!!" pinagsusuntok suntok ko ang lamesa sa harapan ko. Nastay muna ako dito sa library ng mahigit 30mins at bumalik na ako sa room namin para kunin ang mga gamit ko at nang makauwi na ako sa bahay.
*Kinabukasan sa bahay"
Habang nagbabasa ako. May narinig akong bumusina sa labas ng bahay namin. Sumilip naman ako sa bintana, upang tingnan kung sino ang nandun.
O.O
Napalaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon...
"Omooooo *u*" alam nyo ba kung sino ang nasa labas? Walang iba kundi si Baby Errol ko. Kyaaaaaaaa
Oh my gosh ! Oh my gosh ! What to do? What to do? Kyaaahh. Ok...inhale...exhale... Nicka utang na loob kumalma ka, malay mo hindi naman ikaw yung pinuntahan nya at masyado ka lang nag aasume. Tsss assumera.. aaiissshh bahala na hindi naman siguro masama mag assume.
Bago ako bumaba ng hagdan ay sinigurado ko munang nakaayos ako, aba syempre nakakahiya naman kung haharap ako kay Errol na ang dungis dungis ko noh. Kahit papaano may salitang "etiquette" ako sa sarili ko. Pagkatapos ko mag ayos, dali dali akong bumaba at lumabas ng bahay.
"Uhhh-- H--hello, napadaan ka?" Ehe pabebe muna ang peg ko. Hahahaha
"Goodmorning Nicka.." nakangiting sabi sa akin ni Errol.
BINABASA MO ANG
Be Contented (one shot)
RomanceMatuto kang makuntento. Utang na loob. Jusko *facepalm*