Number of death

24 3 0
                                    


Mula sa ating pagkabata, mga numero na ang ating nakasama at natuto sa pagbilang. Ngunit sa kan'ya, ang numero ay isang laro; laro ng paghihiganti at pagkamit ng hustiya.

Kakayanin mo pa kayang buhay kung hawak niya ang iyong buhay? Handa ka ba sa laro ng kamatayan?

"ISA... DALAWA...Tatlo... Apat... Lima..."

Namayani sa isang abandonadong bahay ang takot na sigaw at hiyaw ng isang babae sapagka't kaharap nito ang isang lalaking may hawak na kutsilyo. At kahit anong paghingi niya ng tulong, walang nakakarinig sa kan'ya.

"... Anim... Pito... Walo..."

Papalapit na nang papalapit ang lalaking may hawak ng kutsilyo habang nakangisi at nagbibilang.

"... Siyam... Sampo."

Sa isang kisap mata, bumulagta ang katawan ng babae habang naliligo sa sarili nitong dugo. Lumapad ang pagngisi ng lalaki hawak ang kutsilyong pinangsaksak sa babae. Nilihod ng lalaki ang isang tuhod malapit sa babaeng wala nang buhay, inilapit ang kamay sa duguang katawan ng babae bago dinilaan ng lalaki ang daliring nababalot ng dugo ng babaeng pinatay niya. Nilinis niya ang kamay gamit lang ang kaniyang dila bago ito tumayo nang maayos at nilisan ang lugar kung saan niya ginawa ang krimen.

"Number ten," sambit pa ng lalaki, bakas rin sa mukha ang mala-demonyo nitong pagngisi, bago tuluyang nakaalis sa lugar.

KINAUMAGAHAN, nagulantang ang mamamayan dahil sa balitang isang dalagang nagngangalang Mary, ang natagpuang patay sa kalapit na abandonadong bahay sa kanilang lugar. Isang bagay ang napansin ng kapulisan sa naturang insidente, may nakalagay na numerong 10 sa tabi ng bangkay ng dalaga.

Labis-labis noon ang pagdadalamhati ng pamilya ng dalaga habang nilalabas ng awtoridad ang walang buhay nitong katawan sa abandonadong bahay gamit ang isang stretcher at may puting telang nakatakip sa bangkay.

Lingid sa kaalaman ng mga taong naroroon at nagkukumpulan sa labas ng caution tape na nilagay ng mga pulis sa crime scene, ay isang lalaki ang nakatayo at nakangisi sa kanilang likuran, nag-aabang sa kung anong ginagawa ng awtoridad sa insidente. Hindi kalaunan, ay umalis na rin ito sa lugar na parang walang nangyari.

PATULOY PA RIN ang imbestigasyon ng mga pulisya sa naturang abandunadong lugar kung saan namatay ang dalaga, napag-alaman nila na noong gabing nangyari ang krimen, ay may taong humahabol sa babae. Nakita nila ito sa kuha ng CCTV na malapit sa lugar kung saan nangyari ang krimen. Base naman sa autopsy report ng dalaga, natuklasan ng mga awtoridad na pinahirapan muna ang babae bago ito tuluyang pinatay. Isang rason nito ay kung bakit maraming mga pasa ang katawan ng dalaga nang makita ang kaniyang bangkay.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin kung sino ba talaga ang pumatay sa babae doon sa abandunadong bahay, at kung sino ang taong humahabol sa babae na nakita nila sa CCTV. Sino ang taong iyon? Ano ang motibo nito upang paslangin ang dalaga doon sa abandunadong bahay?

SA KASALUKUYAN, habang nagkakaroon ng klase si Binibing Athena, ay pumasok sa likurang pintuan ng silid ang estudyanteng si Rex. Pinagsabihan ng guro si Rex dahil sa pagiging late sa klase nito. Humingi naman ng paumanhin ang estudyante sa guro. Umupo na si Rex sa kan'yang upuan sa tabi ni Ryan, at nakinig na lang sa dinidiskusyo ng kanilang guro.

Ilang sandali pa nang muling magsimula ang guro sa pagtuturo ng topiko, ay nakarinig sila ng isang malakas na sigaw sa labas ng silid.

Sa CR kung saan nanggaling si Rex, ay makikita ang isang brutal na pagpatay ng isang estudyante sa isang cubicle. Kumalat sa sahig ang dugo nito, puno ng mga saksak ang katawan at wala na sa katawan ng estudyante ang kaniyang mata, tenga, at puso pero nakalagay lang ito sa tabi ng bangkay ng biktima.

Number of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon