Chapter 2

4 1 0
                                    

Chapter 2: side by side

Nasa parking lot pa lang ako ng nakita ko yung first period teacher ko. Kaya mabilis akong tumakbo para maunahan ko siyang pumasok sa assigned room namin. May 15 mins pa na palugit na binibigay yung mga teacher before sila mag mark nang absent sa record namin.

But since yung first period namin is sobrang strikta, kapag nauna siyang pumasok kaysa sayo at exact time na dapat nandun kayo ay mark absent ka sakanya. 15 mins rule ay hindi gumagana sakanya. Kapag 8am, 8am talaga, pagdasal mo na lang  nauna ka sakanya at swerte mo hindi ka absent.

Humahangos akong nakarating sa assigned room ko. Pagpasok ko tinignan lang ako ng mga Kaklase ko saka bumalik sa ginagawa nila.

Mula first year hanggang ngayong 2nd year ko sa college wala talaga akong naging kaibigan sa class namin. Magkaklase na kaming lahat mula pa nung first year pero hanggang ngayon ilap parin sakin ang lahat.

Hindi ko alam kung ako ang may problema o sila. Ok lang naman sakin kung wala kumausap o makikipagkaibigan.

Pero minsan kasi kapag may gawaing by group, eh walang gustong maging kagrupo ko kaya parati na lang individual yung dapat na by group.

Umupo ako sa upuan ko, malayo sa mga kaklase ko. Natapos ang klase ng walang problema

___________

Kasalukuyang akong nasa canteen, hinihintay yung dalawa kong kaibigan para sabay kaming mag lunch.

Dumating ang dalawa kaya sabay kaming umorder at kumain.

Habang kumakain ay si Sheena nakatutok sa cellphone niya, nakakunot pa ang noo nito.

"Ji, basahin mo nga ito, hindi ko maintindihan" sabi nito saka pinakita sakin yung binabasa nito. Tumingin din si Diana.

"Ilang ulit ko binasa hindi ko talaga maintindihan. Ang lalim ng english" dagdag niya pa

"Niligawan niya daw kasi maganda, walang ibang rason, basta maganda, nililigawan niya"

"Anong klaseng rason yan? Liligawan mo kasi maganda? Tss" reklamo ko at saka napaismid

Napatanga naman ang dalawa sakin.

"Jirah, ikaw na maganda nag rereklamo pa, pano na lang kaming mga patatas ha?" Pinandilatan ako ni Diana

Indeed, Jirah is beautiful, very beautiful. With her natural silk and straight hair, red lips, white skin, pointed nose and slim face. She was acknowledge as Education's Beauty.

"Tsk, bilisan niyo na nga lang diyan. May event ngayon sa auditorium." Sabi ko na lang sa dalawa

"Hindi kami pupunta, mag shoshopping kami gusto mong sumama?" Inirapan ko na lang si Sheena sa sinabi nito.

"Hindi, may attendance kaya! Hindi pweding palagpasin!"

"Oh, the very mabait na Jirah tsk." Inirapan ako ni Diana kaya pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko

"Edi pirmahan mo na lang kami! Alam mo naman yung pirma namin dbaaaa" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Sheena. Eto naman lagi ang ginagawa namin. Ako taga pirma ng attendance nila. Buti na lang ay by course yung attendance kapag may malaking event. Madali lang pirmahan yung attendance hehe

"Ano pa ba? Basta bilhan niyo ako ng pagkain!" Sinabi ko na lang.

"Okaaay!"

____

Matapos kumain ay naghiwalay kaming tatlo. Silang dalawa ay lumabas para mag shopping habang ako naman ay kasalukuyang pupunta ng auditorium para umattend. Hindi ko naman alam kung anong event to.


Sa labas ng auditorium ay nandon ang attendance namin. Since by course yung attendance ay by name yung pagkakalagay. Mabuti na lang iisang page lang nakalagay yung pangalan namin tatlo. Hindi mahahalata tatlo pinirmahan ko. Hindi ko na kailangang pang pumunta ng ibang page. Safe as always!


Pumasok ako matapos kong pirmahan yung attendance namin. Pumwesto ako sa right side, third row, seat number 62.


Wala pa namang masyadong tao. Binasa ko na lang yung mga salita mula sa projector. HIV and Safe sex awareness pala to. Kaya pala walang masyadong studyante dito, para sakanila boring tong event.


Hmm maganda naman yung topic. Mas nakakatulong nga sakanila to para ma practice din nila yung safe sex and to avoid having an HIV.


Habang binabasa ko yung nakasulat ay naramdamang kung may umupo sa tabi ko. Hindi to naman ito tinignan dahil busy ako kakabasa.


Matapos kong basahin yung buong salita sa screen saka ko lang tinignan yung katabi ko. Ang bango kasi, kaya curious ako kung ano yung itsura niya.

Oh my gosh! Oh my gosh!


Mabilis kong iniwas yung tingin ko sakanya at mabilis ding kinuha yung libro sa bag ko. Gosh! Si Celsius tumabi sakin!!!!


Pero bakit siya nandito? Bakit sa tabi ko paaa! Mamaaaaaa


Muli ko siyang tinignan, at tinignan niya din ako kaya nabilis kong itinakip yung libro sa mukha ko.

Gosh nakakahiya!

Tumikhim na lang ako at sinimulang na basahin ang libro. Pero wala akong maintindihan, nadidistract ako sa presensya ng katabi ko, lalong lalo na yung amoy niya. Ang bango! Pano na lang kaya yung amoy ko!


Nakaka distract din yung mga babaeng nasa tabi ko, na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Panay picture niya sa taong nasa kaliwa ko, kay Celsius!. Kahit yung mga nasa harapan namin ay dito tumitingin sa direksiyon namin at nakalabas ang phone. Pinagsisihan kong hindi bumili ng phone!


Parang wala lang sakanya yung harap harapan na pagkuha ng picture niya.


Inilibot ko yung paningin ko. Kanina ang konti ng tao dito sa auditorium ngayon ang dami na! Wala nang vacant seat, yung iba nakatayo na lang.


Pumunta ba sila dito para makinig sa talk about HIV or para makita at kuhanan ng larawan si Celsius?


Either way, this is the Celsius effect!.



Natapos ang talk nang wala akong naintindihan. Nakakailang yung mga babaeng nasa tabi at harapan ko. Panay kuha ng picture! Kahit may nagsasalita sa harapan kuha ng kuha pa rin ng larawan. Ang ending panay takip ko ng libro sa mukha ko. Paminsan minsan binababa din.



Pero mas nakakailang kasi katabi ko si Celsius. Ang bango bango niya talaga!! Hindi ko na siya ulit natignan pa! Hindi ko kayang titigan siya.



Tinignan ko naman yung nasa kanan ko. Nag tutumpukan yung mga babae. Hindi ako madaan. Kaya no choice. Sa kanan ako dadaan. Pero si Celsius yung nasa kanan ko! Parang nawawalan ako ng boses! Hindi ako makapagsalita.


"You want to get out?" Mabilis ko siyang tinignan nung nagsalita siya. Ang manly ng boses niya. Hindi ako makahinga huhu. Pero ako ba yung kausap niya?


Tinaasan niya lang ako ng kilay mukhang ako nga huhu

"Ah, y-yes. E-excuse me" sabi ko saka tumayo.


Tumayo ito at binigyan ako ng daan. Mabilis akong dumaan at saka patakbong lumakad palabas ng auditorium.


Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako. Ramdam ko yung malakas ay mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Nakatayo lang ako dun at kinakalma ang sarili ko.


Naamoy ko nanaman ang pamilyar na amoy. Amoy Celsius ulit!

Muling kumabog ang dibdib ko nang dumaan ito at nilagpasan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything Is PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon