Prologue

42 1 1
                                    

"Ngayong patay na ang mga magulang niya, sino nang a-ampon dito sa bata?"

Nanatiling tikom ang bibig at magkadikit lamang ang dalawang kamay ng batang si Anastashia, habang taimtim na nakikinig sa mga kamag-anak niyang nag-uusap sa hapag-kainan.

"Hindi pwede sa 'min. May inaalagan din akong anak," ani ng kaniyang tita Rosa, at umiwas ng tingin.

"Even though I love to keep that child, hindi rin puwede. Busy akong tao at hindi ko rin siya kayang alagaan 'pag dating sa Canada," sambit naman ng kaniyang tito Fidel, habang nakatingin kay Anastashia, nang may awa.

Sa inasta ng kaniyang mga kamag-anak ay sadiyang nanatili pa ring walang imik ang bata at nagawa lamang niya na laruin ang kaniyang mga daliri.

Namayani ang katiting na ingay nang munting paghampas ng kamay sa mesa gawa ni Ruffo, kaniyang tito. "Ako na," basag niya ng katahimikan matapos huminga nang malalim.

"Ruffo, baka nakalimutan mong may anak din tayo!" suway ng asawa niyang si Celestia, at matalim na tumingin sa puwesto ng batang si Anastashia.

"Para namang hindi niyo kadugo ang bata! Noong nabubuhay pa ang mga magulang ni Tashia, halos sandamakmak na tulong din naman ang binigay nilang mag-asawa sa inyong magkakapatid ha?" singhal ng kaniyang lola Amanda, sa kaniyang mga anak.

Ilang minutong katahimikan ang namayani matapos silang singhalan ng sarili nilang nanay. Marahil sila'y natahimik dahil purong totoo naman ang sinabi ni Amanda, sadiyang natamaan lang sila.

Hindi magagawang makapunta ni Fidel, at manirahan sa Canada, kun'di dahil sa tulong ng yumaong mag-asawa na si Kristina at Lindon, mga magulang ni Anastashia.

Lumingon si Amanda kay Karen, na kanina pa nakayuko't tahimik. Itong si Karen na bunsong anak ay nasa 26 anyos na't isa nang Architect dito sa Pinas. Kung tutuusin ay talagang hindi rin siya makagagraduate ng kolehiyo kung hindi lang siya pinag-aral ng mabait na mag-asawa.

Tumingin naman siya sa gawi ni Rosa, pang-apat sa makakapatid. May sariling pamilya na rin ito. Siya na mismo ang nagpapa-andar ng clothing business na binigay lamang ni Kristin, noong nabubuhay pa ito.

At panghuli, lumipat ang tingin ni Amanda kay Ruffo, pangatlo niyang anak. Mahigit dalawang business na ang naipatatayo niya rito sa Pilipinas, na unti-unti na rin namang lumalago. Sina Kristin at Lindon rin ang dahilan kaya sila naka-angat sa financial problem noon sa kalagitnaan ng tag-hirap.

Gayon ngang aksidenteng namatay ang anak niyang si Kristin kasama ang asawa na si Lindon, dahil sa lumubog na barko, tanging ang kaisa-isang anak na lamang ng mag-asawa ang natira, at iyon ay si Anastashia.

"Mga walang utang na loob!" muling sigaw ni Amanda sa mga anak. "Tashia, halika," tawag niya sa bata na agad namang tumalon sa kina-uupuan at patakbong sumunggab sa kaniyang lola Amanda.

"Ako na ang tatayong magulang mo, Tashia," sambit niya't ginulo-gulo ang buhok ng bata habang nakayakap.

"Pero Ma, sabi ko, ako na ang mag-aadopt. Baka sabihin niyo wala akong utang na loob," muling sambit ni Ruffo, at bahagyang kinarga ang bata mula sa pagkayayakap ng lola.

"Ruffo! then how about Wendy? Our daughter?" pag-pigil ni Celestia, kaniyang asawa.

"I can take care both of them," sagot ni Ruffo, at diretsong naglakad papalayo.

Sa araw na iyon ay talagang tumatak lamang sa isipan ng bata ang mga tunay na ugali ng sarili niyang mga kamag-anak. Habang papalayo sila ay bakas sa mga mata ni Anastashia ang lungkot at namumutawing luha sa kaniyang mga mata.

Guardian Of AnastashiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon