Chapter 3

23 1 0
                                    

Something peculiar...



"Nooo!"

Habol ang aking paghinga nang ako ay bumangon. Naulit na naman ang masama kong panaginip! My whole body system almost completely shuddered while suffering from difficult breathing. Hindi ko na rin namalayan na kumalat na pala ang mga unan sa sahig.

"Apo?"

Sa hindi ko malamang dahilan, mabilis na lumipat ang aking tingin sa matandang babae na nakalatay sa kama. May mga tubo na nakakabit sa bawat parte ng kanyang katawan. May sumusuporta rin sa kanya upang makahinga.

Mag-isa lamang akong nagbabantay sa kanya. Isang linggo na ang nakalilipas ngunit hindi ko pa rin magawang umuwi sa kadahilanan na hindi ko malaman ang aking tahanan at dahil sa matandang babae na nakaratay. Kusang gumalaw ang aking katawan. Naka-unat ang kanyang kaliwang kamay na para bang inaabot ako habang ang kanyang mga tingin ay nanatiling nakatuon sa akin.


Blanko pa rin sa utak ko ang mga pangalan nila. Ni-isa sa kanila'y wala akong makilala kung sino.

Huli na nang mapagtantong kusa na pala akong gumalaw papalapit sa puwesto niya. Sa isang linggong pananatili ko rito sa ospital, hindi ko pa rin malaman ang rason bakit ako narito. Ang mga taong pumapaligid at pamilya ng matandang babae na ito ay galit pa rin sa akin. My mind was already full of questions. I just badly want to vanish from this mess that I don't even know how it happened from the very start, and also... What's wrong I've done to get involved here?


But if I leave, definitely all my questions will stay unanswered.


"M-may masakit po ba sa inyo?" Inaasahan ko na ang hindi niya pag-responde sa aking tanong. Sa isang linggong palihim kong pagdalaw, ganito siya palagi. Nakasanayan ko na ang kaniyang ugali. Gigising ng madaling araw, iiyak, hihingi ng tawad. Ang kanya lamang iniimik ay ang salitang apo na kanyang itinatawag sa akin.

Tumitig lang ako sa mga mata niyang kagagaling lang sa pag-iyak at sa katawan niyang unti-unti nang nauubusan ng lakas.

I got a sudden panic when she gently held my hand. I moved slightly away while staring at her with my widened eyes.


"K-kung hindi po maayos ang kalagayan mo, m-maaari po akong tumawag ng manggaga-"

"Alohandia..."

Awtomatikong nangunot ang aking noo. Iyon ang unang beses na narinig ko ang kaniyang tinig na kakaiba ang pagkaka-sabi. Paos at garalgal ang kanyang boses na animo'y kinakapos sa hininga. "Ano po bang sinasa-"

"Apo, malapit nang maganap!"

Hindi na ako nabigla sa aking narinig. Tila ba nasanay na ang aking pandinig sa mga weirdong bagay na madalas kong marinig mula sa matandang ito... At sa estrangherong boses ng lalaki na bumubulong sa tenga ko.

Nagsimula na akong maalarma nang marinig ko na ang mga yabag na papalapit dito sa silid. Hindi nila ako maaaring makita rito sapagkat ang tanging alam nila ay mahimbing ang aking tulog at nananatili ako ng ganitong oras sa aking sariling silid. Suot ang damit na nagmula sa pagamutan kung nasaan ako, mahigpit ko iyong hinawakan nang mabilis akong kumilos upang magtago sa pinakamalapit na asul na kurtina.

"So, paano na? Does this mean you will get your inheritance?" Boses iyon ng babaeng unang dumalaw sa akin. Kamag-anak niya ata itong matanda na dinadalaw ko tuwing madaling araw.

"Puwede ba Celestia, nakaratay pa ang Mama," giit naman ng boses lalaki, na panigurado akong asawa niya.

"Oh, e ano naman?"

Mas lalong humigpit ang kapit ko sa aking kasootan nang marinig ko ang pagsara ng pinto at ang pagpasok ng mag-asawa. "Saka iyon na nga, 'di ba? Nakaratay na. Alam mo, nagpapasalamat pa nga ako sa Anastashia na iyon eh, biruin mo? mapapadali ang pagkuha mo sa yaman natin."

Sa pang-ilang beses, sumikip na naman ang aking dibdib. Tila naging natural na lamang sa akin ang makaramdam ng kakaibang galit lalo na't ang kanilang tinutukoy ay ang matandang babae na mahimbing na ang tulog. Isa pa... Bakit nadamay ang pangalan ko?

"Alam ko yon Celestia, pero mali pa ring manguna tayo na ma-aaring ikapahamak natin."

"Hangga't ma-aari, ayo'kong mag-eksperimento ng lason na tayo rin pala mismo ang lulunok," makahulugang sambit ng lalaki. "Gets mo?" Tanong pa niya sa kaniyang asawa.

"Hindi."


Napakamot na lang ng ulo ang lalaki sa sinagot ng asawa nito. "Kailangan pa rin nating mag-isip ng ibang paraan para mapapirma si Mama," muli niyang paliwanag. Kung hindi ako nagkakamali ay Ruffo ang ngalan nito.

"Napakasasama talaga ng mga hayop na iyan."

Pinagsawalang bahala ko ang aking narinig mula sa estrangherong boses ng isang lalaki. Hindi nagtagal ang mag-asawa. Umalis rin ang dalawa nang sandali lamang nilang tignan at suriin ang matanda. Nakahinga lamang ako nang maluwag ng masigurado kong malayo na sila.

I deeply sigh when I started to keep my eyes on this old lady that now sleeping peacefully.

At sa pangalawang pagkakataon, gumalaw na naman ang kanyang kamay kaya naalarma ako at bahagyang lumayo muli sa kanya.

"Apo," Iyon ang kaniyang bukang bibig. When I tried staring at her eyes, I see a lot of dejected emotions. "Apo."

Napalunok ako. "Ano po-- kumusta na po ang pakiramdam niyo?"

"Alohandia," paos at garalgal pa rin ang kaniyang boses.

"Aaaaaaahhh!" Sobra akong napadaing nang isang matinis at malakas na mahabang linya ng hindi ko mawaring bagay ang bumalot sa aking pandinig. Hindi ko iyon nakayanan kaya naman kusang bumagsak sa sahig ang aking katawan sa sahig habang tangan ko pa rin ang magkabila kong tenga.

Kahit anong gawin kong pigil sa sakit, tila mas lalo iyong humahapdi sa aking pandinig na sa sobrang hapdi ay napapaisip akong dumudugo iyon.

Dugo...

Teka-

Dugo?

"'Wag nyo 'kong hahawakan!" medyo napalakas ang boses ko nang isinigaw ko iyon. I continuesly moved forward until I felt my back hit the wall. Ang matandang babae na nakalatay ay nakatingin lang sa akin nang may pag-aalala habang ang kaniyang kaliwang kamay ay tila inaabot ako.

"Aaaaahhh!" tipid na tili ko nang isang malakas na inerhiya ang biglang tumama sa loob ng aking utak. Para bang isang bomba na sadiyang ipinutok sa loob ng ulo ko. Napahawak ako ng mahigpit sa aking kasootan nang dahil doon. Hindi ko na malaman ang aking gagawin. Nangingilid na rin ang aking mga luha ngunit nang biglang lumiwanag ang aking paningin, natigilan ako.

Halos nanghihina na ako dahil sa sakit ng aking ulo, kasabay no'n ang pagliwanag ng aking paningin at biglang bumulswak ang napaka-kintab na kulay berde'ng liwanag. Maya-maya pa'y nagsilabasan ang mga iba't ibang imahe.

Doon ako mas lalong natigilan... Nakikita ko ang sarili ko!


Labis ang aking paghinga nang mabilis, nakailan na rin akong lunok at nagsisimula na ring tumagaktak ang pawis sa buong katawan ko. I shifted my gaze directly to the old lady with my luminous green-eyes. Her teary eyes also staring directly on me. Isa siya sa mga imaheng lumilitaw sa aking mga mata.

Muli akong napapikit nang mariin nang maulit ang nakabibinging ingay. Napadaing ako dahil doon. Ngunit ang nakapagpamulat sa aking mga mata ay ang mga alaalang lubos kong nalimutan at ang malakas na pagbukas ng pinto...


"Anong ginagawa mo rito?!"

Matapos ang malakas na pagkalabog ng pinto ay kasabay ring nawala ang berde'ng liwanag kasama ang mga kakaibang imahe sa paligid ko. In just a snap, I feel all my memories gradually came back in my mind.

Naaalala ko na!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guardian Of AnastashiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon