"Mimi, tara na, mamaya may bisita sa kumbento."
Sabado ngayon at kailangan naming pumunta sa simbahan, nagtatrabaho si Nanay sa kumbento, si Tatay naman, tricycle driver. Tuwing sabado at linggo, tinutulungan ko si Nanay.
Mga Seminarista ang tinutukoy ni Nanay na bisita. Every february, nag-vvisit sila sa mga bayan at simbahan para mag invite ng mga gustong mag-aral sa seminary. One week lang naman ang itatagal nila.
"Opo 'Nay, mag sasapatos lang po."
After kong magsapatos, sabay kaming lumabas ni Nanay. Hindi na kami maihahatid ni Tatay, namasada na siya, eh. Maaga pa lang, umaalis na si Tatay.
Pagdating namin ng kumbento, wala pa yung mga bisita. Nag mano ako kay Father, nakipag kumustahan saglit at pumunta na sa kusina para kunin ang mga gamit panlinis.
Alas sais pa lang naman, maaga pa pero mas magandang matapos kaagad kami para konti na lang ang gagawin mamaya. Ako ang magwawalis at mag lalampaso ng sahig, magpupunas din ng mga aparador, salamin at mga imahen. Si Nanay ang magluluto, kapag natapos ako kaagad, tutulungan ko siya.
May apat na kwarto rito, isa para kay padre at yung tatlo ay para sa mga bisita. May hiwalay na parte ng kumbento, isang malaking kwarto para sa mga sakristan. Kailangan kong linisin yung tatlong kwarto, para sa mga bisita. Kasya naman ang anim na tao sa isang kwarto, depende pa kung gusto nilang magsiksikan.
Sinimulan ko muna sa pagpupunas, tapos mag wawalis, at mag lalampaso.
Nang matapos sa gawain, uminom lang ako ng tubig dahil sa uhaw at pumunta kay Nanay.
"Tapos ka na, 'Nay?"
Habang nag hahalo ng niluluto, lumingin si Nanay sa'kin.
"Tapos na ako, nakahain na sa hapag, tawagin mo na si Padre."
Tumango ako at agad na pumunta sa silid ni Padre, malaki ang kwarto niya, may sariling bathroom at may mini walk in closet. Minsan na akong nakapasok sa kwarto ni Padre, nagkasakit kasi siya at kami ang nag-alaga.
Marahan akong kumatok sa silid at tinawag siya.
"Fads? Kain na po."
Habang nag hihintay ng sagot, nilaro ko muna ang mga daliri. Ewan ko ba, hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako kay Father. Kahit na ilang taon na namin siyang kasama, kabado pa rin ako. Ganito talaga siguro kapag pari ang kausap, kahit mukha silang mabait, nakaka-intimidate pa rin.
YOU ARE READING
Before it Sinks In
RandomThis is my first published story, hope you like it! Seminaryo Series Seminaryo #1 Before it Sinks In Seminaryo #2 (to be announce)