Kabanata 5: Unit 1710

346 21 2
                                    

Mahimbing pa rin ang tulog ni Aki. Inosente ang mukha nito. Pino at maputi ang balat. Manipis at mapula ang labi, sakto lamang ang tangos at hulma ng ilong sa bilugan niyang mukha.

Hinawi ni Cliff ang kurtina upang maililim ang mukha ng dalaga mula sa liwanag ng araw. Bumalik siya sa kusina para maghanda ng almusal. Sinangag, bacon, at sunny side up egg.

Mula sa kinatatayuan ng binata ay nakita niya kung ano'ng reaksyon ni Aki nang magising ito. Nanlaki ang mga mata, at kumunot ang noo. Gulat na gulat ang itsura, malayo sa kanina'y mala-anghel na mukha. Natawa si Cliff.

Nagmamadaling tumayo si Aki at tumakbo papunta sa pinto bitbit ang hoodie na kagabi'y suot pa niya.

"Hindi tayo magkatabi. Sa sofa ako natulog." Banggit ni Cliff bago pa man makalabas ng unit niya si Aki. "Kumain ka muna bago ka umalis."

Natigilan si Aki. Nagtataka pa rin ang mukha nito. Tiningnan niya ang kan'yang hoodie. May bakas ito ng suka. Saka niya naalala ang nangyari sa rooftop.

*Flashback*

Magkadikit ang mga labi nila ni Cliff. At dahan-dahan, kumikilos ito, sinusubukang pasukin ang pintuan patungo sa mas nakakasabik pang posibilidad.

Hanggang sa tumalima na rin ang mga labi ni Aki. Hindi niya natanggihan ang pagkatok ng kakaibang sensasyong ramdam ng kabuuan niya. Nagwawala ang mga paru-paro sa kan'yang tiyan. Umiindak sa saliw ng tibok ng puso niya.

Nang matapos ang romantikong tagpo sa rooftop, nagpasya silang bumalik sa kani-kanilang unit. Pababa na ang elevator sakay ang dalawa nang magsimulang mahilo si Aki at magsuka dahil sa kalasingan.

Inakay ni Cliff si Aki papunta sa unit nito. Makulit ang dalaga at pilit nagpapa-pasan sa likod ni Cliff. "Pasan mo 'ko, parang 'yung sa Kdrama. Gano'n 'yun e. Dali na, pasan mo na 'ko."

Nang makarating sa unit 1709, hindi mabuksan ng binata ang pinto. Naka-lock ito at hindi niya alam kung dala ba ni Aki ang susi. Sinubukan niyang kapain sa bulsa ng babae pero sinampal siya nito at pinagbintangang manyak. Sa huli'y nagpasya si Cliff na sa unit na lang niya dadalhin si dalaga.

Hinubad ni Cliff ang hoodie ni Aki dahil natuluan ito ng suka. Tumambad sa mga mata niya ang hapit na blouse ng dalaga. Kitang-kita ang hubog ng katawan nito.

Sandaling napatitig si Cliff sa harap ni Aki — at napalunok.

Inilambitin ni Aki ang mga kamay niya sa leeg ni Cliff. Dumilat ang babae at tumitig ito sa mga mata ng lalaking kalapit niya. "Kiss mo 'ko ulit." Sabay lapit ng mukha nito habang nakanguso.

Namula ang mukha ni Cliff. Naramdaman niya ang init sa buo niyang katawan, pero ayaw niyang pagsamantalahan ang kahinaan ni Aki. At kahit gustuhin man niya — mas matinding kalaban ang amoy ng suka.

Iniayos niya ang higa ni Aki sa kama. Kumuha siya ng tubig at pilit niyang ipinainom dito. Dahan-dahan, dinampian ni Cliff ng basang bimpo ang mukha ng dalaga hanggang sa ito'y makatulog.

*End of Flashback*

Umakyat ang kaba sa dibdib ni Aki. Namula ang kan'yang mga pisngi. Hindi siya makapagsalita dahil sa nakakahiyang flashback sa isip niya. Hindi na niya namalayang nakalapit na sa kan'ya si Cliff.

Hinila siya ng lalaki palapit sa dining table. Pinaupo siya nito. Inilapag ang sinangag, bacon, itlog, at isang tasa ng kape.

"Hindi ako nagkakape." May nginig ang boses ni Aki, hindi pa rin nawawala ng kaba niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tala at Tula (isang nobela)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon