Her Last Word

32 0 0
                                    



A/N: Ako po ay humihinge ng paumanhin pero dinelete ko na po yung " My fiance is a playboy" sa kadahilanan na hindi ko matapos tapos pero may panibago po akong ginagawa na story but sorry to say na hindi na po sila thunder at hailey ang karakter The Gangster Secret (TGS)! ang title abangan niyo po ang nalalapit na TGS maraming salamat po sa pag intindi.



© Amazon_Lady



***




"Binigyan kita ng pagkakataon na pumasok sa buhay ko pero diko akalain na lolokohin mo lang ako?" - mangiyak ngiyak na sabi ko saking boyfriend nasi mark.






" D-di ko naman sinasadya eh. iniwasan ko naman eh--"





" T@ngina! iniwasan mo?! eh halos concern kapa sa babae tas ganon sasabihan mo pa siya sa chat na kakainin mo siya bakit nag sex naba kayong dalawa ha!?" - pagalit na tanong ko sa kanya, sinubukan niyang lumapit ngunit umiwas ako.
First day palang ng relasyon namin simula ng sinagot ko siya pero diko akalain na nagawa niya akong lokohin ng ganon habang nanliligaw may nilalanding iba?!







" Gab naman! sorry na please bigyan mo ko ng chance babawi ako"







" chance?! tapos ano uulitin mo uli ganon?" - hahawakan na sana niya ko ng tinabig ko yung kamay niya
ang sakit lang kasi binigay ko ang buong tiwala ko sa kanya






" Hindi please last chance na babawi ako promise" - tinitigan ko siya ng matagal bago ako huminga ng malalim at tumango. alam ko ang tanga ko sa part na to na binigyan ko siya ng chance pero malay naman magbago diba? yinakap naman niya ko ng mahigpit at hinalikan sa noo ngumiti naman ako
marupok na kung marupok but what if lang naman kung magbago.





Ako nga pala si Gabrielle Torres at yung boyfriend ko na yon si Markus Jay De Castro.
Nanligaw siya 2weeks ago dumating siya nung time na nag break kami ng ex kong si Zach. binigyan ko siya ng chance para pumasok sa buhay ko dahil galing na din naman ako sa failed relationship why not kung papasok uli ako sa isang relasyon malay naman mag work?






***





" Ano?! Niloko ka ng gago na yon!" - sigaw ng aking kaibigan na si natasha. agad ko naman tinakpan ang bibig niya isigaw pa naman sa maraming tao sinong di maiinis don
Nakalipas na kasi ang isang buwan bago ako nag labas ng sama ng loob sa kanya lalo na't di din kami okay ni mark ngayon dahil sa trust issues ko lalo na sa ginawa pa niya


" Jusko naman gabby ekis na yang ganyang lalake. alam mo naman na niloko kana noon diba? alam mo pag ako di nakapag pigil wawalanghayain ko yan tutal matagal na din naman akong namahinga" - ika ni natasha na may halong pag babanta napa buntong hininga nalang ako





" wag saka tasha buntis ako sa kanya, gusto nga niyang ipalaglag eh" - sabi ko sa kanya habang nilalaro ang aking daliri






" ANO?! JUSKO NAMAN GAB! HIWALAYAN MO NA YANG LALAKE NA YAN DI SIYA DESERVING PARA SAYO BINUNTIS BUNTIS KA NIYA TAPOS DI DIN PANANAGUTAN?! ANONG KLASENG LALAKE YAN" - Inis na sabi ni natasha. natahamik na lamang ako dahil sa sinabi niya iba kasi mga kaibigan ko lalo na pag nalaman nilang niloko ako.





" Hays! sige na ikaw bahala basta wag ka masyado magpaka stress pakalma ka muna para na din sa baby mo di din naman kita mapipigilan alam kong mahal mo" - dagdag na sabi niya sakin.






"Salamat tasha"






" Walang anuman yon kaibigan kita e. pero pag nalaman ko na niloko ka uli niyan tamo wawalangyahin ko yan" - seryosong sabi niya sakin tumango na lamang ako para di na mapunta pa don ang usapan namin. tinignan ko naman ang phone ko na ngayon na maraming text at tawag diko talaga siya pinapansin o kinakausap dahil sa sobrang sama ng loob ko sa kanya





Her Last Word Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon