(Drex POV)
Kararating ko lang sa bahay..
as usual wala na namang tao ..
sanay na ko sa ganitong buhay.
Busy sila lagi eh.
Ako lang naman ang hindi busy sa bahay na ito eh. xD
Pero ngayon may pagkakaabalahan ako..
Diretso agad ako sa kwarto,
In-on ko ang laptop ko
at presto mage-FB ako xD
Nagsearch ako ng PAMELA BARANDA..
Loading...
Loading...
Loading...
Ang bagal naman ng net..
walang Pamela Baranda..
Merong Phoemela Baranda..
inartehan lang ang spelling xP
Eto kaya siya..
Tingin tingin ...
Teka ,
eto yung newscaster sa may Abs-Cbn ah..
??_??
Ano yun pinangalan sa kanya yun??
nag-try pa ko ng ibat ibang spelling pa ng name nung girl,
pero wala talaga.
yung newscaster yung lumalabas :(((((((
Bakit kaya???
Wala kaya siyang FB??
Meron pa palang tao sa ngayon na walang FB..
next kong hinahanap ay Paula Aquino.
Loading..
Loading..
Loading..
Merong lumabas...
Tingin agad sa mga pics..
Eto yung girl na nagpakilalang Pamela Baranda sa akin.
Pero bakit ibang name ang binigay niya sa akin??
hmmmm...
tingin pa ko ng ibang album..
Muntik pa kong mapamura ..
Naalala ko na kung sino si Paula Aquino.
Kaya pala familiar siya sa akin,
kaya pala mabilis ang tibok ng puso tuwing nakikita siya
kahit na di ko pa lubusang kilala.
Siya ang unang babaeng nagpatino sa kin,
at minahal ko ng lubusan
at minamahal pa rin hanggang ngayon.
Hindi ko agad siya nakilala,
dahil ang laki ng ipinagbago nito..
lalo itong gumanda .
Hayyyy
kay tagal ko siyang hinanap noon.
lumipat kasi siya ng school
nung naghiwalay na kami :(((
Hindi ko naman kagustuhan ang makipaghiwalay sa kanya eh.
Mahal na mahal ko si Paula,
kahit bata pa kami noon.
Alam kong siya na ang gusto kong ihatid sa altar.
BINABASA MO ANG
O@ Boys Series... Mula Noon Hanggang Ngayon
RomanceAng O@ boys series ay binubuo ng apat na kwento. Tungkol sa buhay ng apat na magkakaibigan na may kanya kanyang kinakaharap na problema sa buhay pag-ibig nila. At ang unang handog ng O@ Boys ay ang buhay ni Sean Drex Roxas. Si Drex ang Chickboy na m...