PROMISE

10 0 1
                                    

Ella's P.O.V.
Lumabas na ako ng bahay. Naglakad ng naglakad hanggang sa makaabot sa kabilang bayan.

"Psst" lumingon ako at nakita ko si Ivy. Siya lang ang kilala ko dito, siguro, dahil nga baguhan lang kami dito.

Mas maaga sila lumipat dito. Dati namin silang kapitbahay sa magnolia homes.

Lumipat kami dito sa probinsya dahil nalugi ang kumpanya ng Daddy ko ...

"Hi" bati ko sa kanya

"Bakit ka nandito Ella? Diba nasa maynila kayo?" Tanong niya, nag buntong hininga ako.

"Mahabang istorya e" sabi ko sa kanya

"Dapat pupuntahan ka namin sa maynila" sabi niya napaisip naman ako

"Bakit?" Tanong ko ng may pagtataka

"Pupunta na kasi kami sa singapore. Mayroon kasing gagawin si Daddy dun ng 10 years .. kahit ayokong umalis kailangan kasama ako. Sorry Ella" nalulungkot ako pero mas lalo akong nalungkot nung niyakap niya ako.

Lagi ko siyang kalaro. Simula 3 kami lumipat sila sa bahay namin hanggang ngayon na 8 years old na ako at siya naman ay 9 na magkasama pa rin kami.

"Ito!" Mayroon siyang ibinigay sa akin na kwintas na may pangalan kong nakasulat ng cursive "Ella" yung nakalagay

"Suotin mo yan ha para pagbalik namin after 10 years makikilala pa rin kita" umiiyak na pala ako

"Thank you Ivy. Mamimiss kita" tiningnan ko ulit yung kwintas na may pangalan ko at ng magsasalita na ako

"Bye I--- " hindi na ako nakapagsalita kasi wala na siya bumalik nalang ako saamin at sinabi lahat ng nangyari sa mga magulang ko

DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon