041

975 28 1
                                    



"Kuya Phoenix, nasaan na ba yung cellphone ko?!"


At sa pang-walong beses na tanong ko rito, e, hindi na naman ako sinagot. Nakatulog lang ako kanina habang nasa byahe kami at pagkagising ko ay nawawala na ang cellphone ko.


"Tangina mo, huwag ka na sana talaga balikan ni Ate Tracy! Walang hiya! Bwiset!" Sigaw ko rito bago padabog na naglakad paalis.


Nakaka-tangina talaga! Hindi ko naman ginustong sumama rito sa beach sakanila. Lalo na nang makita kong kasama pala yung gunggong Gray na yon. Nakakairita!


Nasaan na ba yung cellphone ko? Saan ba niya tinago yon? Gusto ko nang makakausap.


"Precious!"


Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakitang si Eunice lang pala. "Oh, bakit?"


"High blood ka na naman, 'teh!" Natatawang aniya. "Kanina pa kita hinahanap! Picturan mo nga ako!"


"Ano ka, ginto?" Iritableng sagot ko rito.


"Hindi. Diyamente ako, e."


"Tangina mo. Asan na?! Pipicturan na kita! Para naman maka-online ako sa cellphone mo!"


Natawa muna ito bago niya iniabot sa akin ang cellphone niya. Inayos ko naman ang pagkakatutok ko rito sakaniya nang bigla itong tumayo. Kaya naman na-epic yung kinukuhanan ko.


"Gago, bakit ka tumayo?" Inis na tanong ko rito.


"Sino bang nagsabing picturan mo kaagad ako, di ba?" Pabalang na sagot nito. "Nakatalikod dapat ako! Sa likuran kita, 'teh! Countdown ka ng three!"


Hindi nalang ako umangal pa at sinunod ang sinabe niya. Naka-isang take lang din naman kami sa pagkuha rito. At kaagad naman nitong pinost sa instagram ang kinuhanan kong picture sakaniya.


"Ganda ko talaga!" Inlove nitong sabi sa sarili.


"Maganda lang yung likuran mo." Sagot ko naman rito. "Asan na cellphone mo? Pa-online lang!"


"Heto, oh! Dalian mo lang, ha?"


Pagka-online ko naman sa facebook account ko ay namilog ang mga mata ko dahil sa mga nabasa ko sa group chat namin.


Tangina?!


Sinunod ko namang buksan ang instagram account ko at mas lalo akong nagulat nang makitang naka-captured by yung post ni Gray kay Eunice. Habang yung post naman ni Eunice ay naka-captured by sa akin. At halos mag-piyesta yung mga tao sa university namin sa inbox ko at sa comment section ng posts nilang dalawa.


"Tangina, ano tong mga 'to?!" Inis na tanong ko kay Eunice.


"Aba, malay ko! Di ko kasalanan kung ship kayo ng mga co-students natin no! Tambalang Enemy Couple yata kayo ni Gray." Sagot naman nito.


This isn't great.

Enemy Couple Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon