.Part 14: Dahil Saken?? 4

33 1 5
                                    

Jasper Point of view

Oo alam ko na sya ang pinili nya pero bakit ako yung sinamahan nya?? Mahal na ba talaga nya si Darren? Oo alam ko din na galit kayo sakin kase KONTRABIDA ang type ko dito ! E wala Mahal ko pa si Mich wala kayong magagawa. Di nyo naman hawak ang puso at buhay ko diba?

Nandito kame malayo sa party. Umalis na din si Darren tsaka si Jk kami na lang ni Mich ang mag kasama.. Yung mga barkada ni Mich na babae andun pa din sa party kasama si Khristine.. Andito kame kase ginagamot niya yung sugat ko.

"Hoyy!  Jasper ano na? Kanina pa ko nag tatanong dito!" Sabe ni Mich

"Ano kase eh.. Anoo...!" Yun na lang nasabi ko di ko alam kung pano sisimulan eh

"Ano nga?" Sabi nya

"Kase MAAALLLAAAMMMIIGG!!!!" . nya kase sa sugat ko yung yelo.

"Yan ang bagay sayo!" Sabe ni Mich "ayaw mo pa sabihin eh!" Dagdag nya..

"Kase ganito yun ! Tanda mo ba yung 11th Monthsary naten?" Tanong ko

"Oo yung sinabi mo sakin na Break na tayo? Oo tandang tanda ko yun" sabi nya

"Ano ba talaga nangyari bakit mo ko hiniwalayan?" Tanong nya ulit

"Kase nung 9 months pa lang tayo sabi ni Mom na hiwalayan nakita kase...!" Sabe ko binitin ko muna

"Kase?........" Sabi nya

Yumuko lang ako then...

"May sakit kase ako " mahinang sabi ko...

........

Mich Point of View

"May sakit kase ako " Jasper

nung marinig ko yun mula sa kanya anong nangyare? Parang nanghina ako na parang nasaktan pa din ako sa nangyare

"Te-teka .Anong sakit?" Tanong ko

"Sakit sa Puso Mich!" Jasper

"Ha? Sakit sa puso? Ano naman connection non sa relasyon natin dati?" Tanong ko

Naluluha na ko...!!

"Kase kaya gusto ni Mom na hiwalayan ka kase masasaktan lang kita pag nawala ako. Baka di ka raw maka MOVE ON" sabi nya

Huwattt???? Bakit ngayon nya lang sinabe?

"AKO DI MAKAKA MOVE ON?" Tanong ko sa kanya

Grabe .... Okay lang sakin di maka MOVE On sa kanya eh! Mahal na mahal ko sya eh.. Diba dapat ganun?

"Oo tsaka masasaktan lang daw kita" sabe nya

"Diba part naman yun ng pagmamahal? Ang masaktan ka." Sabi ko

"Oo alam ko pero ayaw ko... Ayaw kong maramdaman mo yun pag wala nako" sabe nya

"Pero mas masakit yung ginawa mo.. Yung iniwan mo ko Mas masasaktan ako nun kesa sa Iwanan mo ko dahil sa Sakit mo" yun na lang nasabi ko

"Sorry na.. Mich kaya nga ko bumalik dahil sayo. Kase alam ko na Mali yung desisyon ko. Na mali yung nagawa ko noon. Gusto kong bumalik ka sakin. Kaya ako nag puntang States kase nag pagaling ako dun. Di ako nag hanap ng ibang babae.. Gusto ko ikaw lang Mich... Ikaw lang!" Sabe nya

"Gusto ko! Gustong gusto ko rin yun" sabi ko...

"Edi tayo na ulit?" Tanong nya

"Bahala ka!" Sabe ko

"Sige I love you too!" Sabe nya..

Kahit nasasaktan ako. Andyan sya. Ewan ko kung mahal ko pa sya ewan di ko alam kung tama ba yung nagawa ko Hayyyy!!!!!


Hi po!!! Sorry! Panget yung UD ko ngayon!!! Thanks po sa mga readers nito!!!!

@YsachYoww

Sana ay Ikaw Na <3Where stories live. Discover now