Chapter 8 Escort

75 2 0
                                    

Harvey's point of view...

*****

“Pare, si Leon oh!” kalabit sa kanya ng katabi nasa classroom na siya at wala pa silang teacher. Sumilip sa bintana kung ano ba ang tinitignan nito. Si Leon, late pumasok at may dalang bouquet ng pink roses.

Nagtilian ang mga classmate nyang babae. “Grabe ang gwapo talaga niya!”

“Kanino kaya niya yan ibibigan? Sana sakin na lang!”

Isang linggo na rin nang magbreak sila ni Hanna at na giguilty siya sa ginawa rito. Nakita niya ang ginawa ng kaibigan nung isang araw sa quadrangle.  Gumagawa na talaga ito nang paraan para ligawan si Hanna.

“Harvey, pupunta  kaba sa practice mamaya?” tanong ni Geraldine na kamember niya sa swimming team.

Pero wala siya sa sarili, nakatulala sa kawalan “Harvey” tawag sa kanya. Saka lang siya natauhan ng iharang nito ang kamay sa mukha niya.

“Baka hindi muna, masakit ang balikat ko” pagdadahilan niya.

“Ah…ganon ba, sige sabihin ko na lang kay coach” ngiti nito saka siya iniwan.

‘Sasagutin mo ba si Leon kahit kakabreak lang natin’ kausap niya sa sarili, ito naman ang gusto nyang mangyari noon pa. After nang ilang subject ay narinig naman niya na pinag uusapan si Leon.

“Kay Hanna pala niya binigay yung bulaklak yung taga section Newton” sabi ng babae sa kausap nito.

“Eh diba ex ni ano yon…yun oh” siya ang tinutukoy nito.

“Wag kang maingay marinig ka” sabi ulit ng babae.

Tinabihan naman siya ng kaclose niya sa room na si Jerome.“Ok ka lang?” lingon nito sa kanya.

“Bakit may sakit ba ko?”

“Oo sakit sa puso, baka mamaya lumala yan” tawa nito. Inaasar pa talaga siya, napailing na lang dito.

“Pare, ok lang sayo? Na-ano… na tinalo ka ng best friend mo?” seryoso nitong sabi. Hindi naman siya TINALO ni Leon nagpatulong pa nga siya dito.

“Wala naman na kami ni Hanna, kaya ok lang sakin.”

Aaminin niya, sa loob loob niya ay may tumututol. Lalo na nang pumayag ang kaibigan niya sa plano noon, hindi na nga lang niya maintindihan ang feelings simula nun.

Hanna’s point of view…

“Wah!” tili ng isang classmate niya, napatingin silang lahat dito.

“Si Leon! May dalang bulaklak” turo nito sa bintana. Nagtinginan na rin silang lahat, may dala nga itong bulaklak at kumakaway pa sa kanila.

“Ayos rin dumiskarte ang isang yan” sabi ni Gab.

Bigla nyang naalala ang sinabi ni Leon sa kanya. “Hanna pwede bang mangligaw?" “Hanna pwede bang mangligaw?" ‘Wah! Yung totoo? paulit ulit!’

“Yabs! Gawin mo rin sakin yon ah” sabi ni Merlin sa boyfriend.

“Pag iiponan ko Yabs sa Valentines” ngiti ni Gab sabay yakap naman ni Merlin dito.

“Ma’am PDA oh!” sigaw niya, sa harap pa talaga niya nag lampungan ang dalawa nang aasar lang?!

Lumabas kasi sandali ang advicer nila kaya pwede silang mag ingay. Tuloy pa rin ang ingay sa loob ng classroom, bumalik na siya sa upuan.

“Ang haba ng hair ng isa dyan! Ikaw na teh!” lapit ni Rovilyn sabay himas sa ulo niya.

 “Sure ba ka bang akin yon?” isnad niya sa kaibigan.

“Pustaha pa tayo ano?!” sabi sa kanya ni Rovilyn. Tumahimik sila nang pumasok ang advicer nila.

“Ma’am nasaan si Leon?” tanong ng isa nilang classmate, nag nining ning naman ang mata ni Rovilyn na tumingin sa kanya.

“Sakit sa ulo ang batang yon! Pilongo boyfriend mo ba siya?” wala kaabog abog na tanong sa kanya ng advicer.

“Ma’am?! Hindi ah?” tanggi niya, asar naman ang nakuha sa mga kaklase.

“Ma’am hindi pa pero malapit na” sigaw naman ng isa pa. Isang linggo pa lang syang single boyfriend agad?

“Kaya daw siya na late ay dahil bumili pa siya ng bulaklak” sabi ulit ng advicer nila.

“Ma’am para kay Hanna yon!” hirit ni Rovilyn, napakamot siya ng ulo center of attention ata siya ngayon.

Pumasok si Leon at nakasimangot.

“Nasan na yung bulaklak mo pare?” narinig nyang tanong ng isang nilang kaklase.

“Wag mo muna akong kausapin pwede” seryoso ang mukha nito. Walang gustong lumapit dito, bad trip ata dahil napagalitan. Hindi na lang din niya pinansin ito.

“Pilongo” tawag sa kanya ng advicer.

“Yes Ma’am?”

“Ayaw mo talagang sumali sa Miss U.N?”

“Ayoko Ma’am si Jamelle or si Merlin na lang” sabi niya dito.

“Ma’am ayoko po” mabilis na sagot ni Merlin.

“Kasali na si Jamelle sa isang contest kaya ikaw na lang plus 3 points ka sa card” pangungumbinsi sa kanya.

“Sige na Hanna!” pilit sa kanya ng mga classmate. ‘Sa bagay si Harvey lang naman ang ayaw na sumali ako, ngayon pwede na’

“Ma’am wala naman akong Escort”

“Nandyan naman si Leon, Diba Leon” kalabit ni Rovilyn dito.

Nilingon nito ang kaibigan sabay ngiti “Escort ba kamo? Basta kay Hanna payag ako” Bumalik naman ang makulit na Leon.

“Ikaw na ang Escort niya Pantua plus 3 ka rin sa card” sabi ng teacher nila. Mas mahihirapan ata syang makaiwas dito.

*****

Ang iksi nang mga update ko?! Opo! Dahil one shot lang naman dapat talaga to. Sa compilation kompleto po promise. Babatiin ko pala ang kapatid kong matyagang nagbabasa ng mga gawa ko. Michelle wag mong laiitin ang mga character’s ko! Reklamador ka na hindi ako nakakapag update ng HIS PRINCESS eh alam mo namang sira ang laptop natin. XD Pasensya na po at dito ko pa siya pinagalitan.

Salamat po sa mga nagtatyang bumabasa, thank you, thank you po talaga! -(^,^)-    

~NEF

Operation: M.I.P (Muling Ibalik ang Pag ibig) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon