Chapter 27: Parking Lot

338 36 4
                                    

carielle_chloe ohh eto na

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Gabb's POV

Nag rereview muna ako ngayon para sa exam namin mamaya. Habang sila ate brei nag kekwentuhan lang. As usual.

"Gabb ano na? Papasa ka naman don't worry." halakhak ni ate brei.

"Kahit na noh, baka mataasan ako ng score  eh, ayoko din bumagsak." reklamo ko.

"Himala ha." brei and dian said in unison. Inirapan ko na lang sila, nabaling naman ang atensyon ko kay coco.

Kanina pa syang naka tulala dito. Kala ko nag aaral lang pero wala talaga syang kibo at mukhang malalim ang iniisip.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya, bumalik naman sya sa wisyo at agad tumingin sakin.

"H-ha?" tanong nya. Nyare dito?

"I guess hinde, may problema ba?" tanong ko sa kanya at unti unti itong umiling.

"W-wala naman" utal nya at umiwas ng tingin sakin. Hinawakan ko naman ang mag kabilang pisnge nya at iniharap sakin.

"Tell me." mahinahon kong tanong.

"W-wala, wala talaga gabb, mag aral ka na dyan." paliwanag nya at tinapik ang aking kamay, pinag patuloy ko na lang ang aking pag rereview at hindi na lang sila inintindi.
°




°
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang aming guro, dala na nya yung mga test papers namin. Ewan ko kung kinakabhan ba ako o excited lang talaga ako makapag exam.

Napatingin naman ako kela brei na halatang kinakabahan, yan sige chikahan pa. Lumipat yung tingin ko kay coco, wala syang emosyon. Ewan ko, pero may mali talaga.

"Okay class move your chairs." utos ni Ms. Anne na agad naman naming sinunod, sinimulan namin iisod ang mga upuan para naman mag kalayo layo kami.

Habang nag iisod pa ang iba, kabilang si coleen. Bigla namang natalisod si coco at agad natumba ang kanyang upuan. Tinulungan ko naman sya agad at agad tinanong.

"Ayos ka lang ba talaga?" pag aalala ko.

"Oo nga gabb, ayos lang ako. Wag paulit ulit." paliwanag nya na alam kong may halong inis. Di ko na kang sya pinansin, intayin kong lumamig ulo nya.

Nag simula na kaming mag sagot hanggang sa isa isa kaming natapos. Everyday may 2 subject kaming sasagutan. Bale may 6 subjects kame then 3 days exam, everyday may 2 subjects. After that exam, sembreak na yaaaahhh exciting.



Recess~

"Coco tara na sa canteen, kain na muna tayo." yakag ko. Nag aaral pa kasi sya ngayon, halatang gutom na kaya inaya ko na.

"Mamaya na lang gabb, di ko talaga magets yung pang last na lesson sa math eh. Kelangan ko maka pasa." paliwanag nya at nagsimulang basahin ulit yung mga notes nya.

"Patingin nga." umupo ako sa tabi nya at tinignan yung lesson kung san sya nahihirapan. "Halika turo ko sayo" boluntaryo ko at agad sa kanya itinuro yung mga madadaling formula para magets nya yung lesson.
°


°
"Oh try mo nga sagutan." utos ko sabay bigay sa kanya ng papel at ballpen. Tinanggap naman nya ito at nagsimulang mag sagot.

Habang nag sasagot sya at tinawagan ko si brei para bilhan kami ng makakain.

"Tapos na" banggit ni coco sabay bigay nung papel. Chineck ko naman ito mukhang nagets naman nya agad yung tinuro ko dahil lahat ng pinasagutan ko sa kanya ay tama.

Tuwang tuwa sya ngayon, nag tatalon pa sa saya. How cute.

"Oh ano tara kain na?" aya ko.

"5 mins na lang nandyan na si Ms. Anne, di na tayo makakakain." pag aalala nya.

"Dito na lang tayo kumain, tinawagan ko si brei kanina nung busy ka mag sagot, mukhang di mo narinig." paliwanag ko then she smiles at me then gives me a hug.

"Thank you gabb." pasasalamat nya at nanatiling nakayakap sakin.

"You're welcome bab-" di ko na natuloy yung sasabihin ko ng biglang dumating sila brei.

"Hoy anong nang yayari dito?!" gulat na tanong ni brei.

"Brei ang OA ha, kalama ka lang." pag papakalma ko sa kanya, inirapan naman nya ako at agad ibinigay samin yung pagkaing pinabili ko.

"Bat ba di kayo bumaba?" tanong nya habang nakikikain sa pagkain namin.

"Tinulungan ko lang kanina si coco sa math." paliwanag ko at tumango tango naman si brei.

Mga ilang minuto lang ay agad dumating si Ms. Anne. Nakatapos na din naman kami sa pag kain at agad nag ayos ng aming upuan.

Binigay naman agad ni Ms. Anne yung test papers at sinumalan na agad namin ang pag sasagot.

Pagkatapos naman namin mag sagot ay isa isa kaming pinalabas ni Ms. Anne, nauna ako kay coco kaya ilan na lang sila sa loob ng room.

Naisipan ko namang inatayin na lamang sya sa labas ng room, sabay na lang kami uuwi.

Coco's POV

Malapit na din akong matapos sa test, mukha namang nauna na si gabb.

"Hays di na ako mahihirapan." bulong ko.

"May binubulong ka Ms. Trinidad?" tanong ni Ms. Anne, napa iling na kang ako at agad bumalik sa pag sasagot.

Natapos na nga ako sa test, ganon din sila ate brei kaya sabay sabay kaming lumabas ng room.

Pag kalabas ko ng room ay agad kong nakita si gabb na nag iintay sa labas ng room. Ngalay na siguro toh.

"Kanina ka pa dyan?" tanong ko at agad syang napa ayos ng tindig.

"Simula kanina." sagot nya.

"Hatid na kita?" dagdag pa nito.

"Hindi na muna gabb, may pupuntahan pa ko." sagot ko at nag simulang mag lakad palayo.

"Eh kung ihatid na lang kita sa pupuntahan mo?" boluntaryo nya.

"Hindi na talaga gabb, umuwi ka na lang. Mag review ka na rin para sa ibang exam." utos ko.

"Sige di na kita pipilitin, pero promise me na uuwi ka kaagad?" bilin nya at tumango naman ako then give her a smile.

"Text meeeee" sigaw pa nito at tuluyang tumakbo pa alis.

Lumabas naman na din ako ng campus at agad nag hanap ng masasakyan. Nang makahanap ako ay agad akong nag tungo sa pupuntahan ko.

"Ma'am nandito na po tayo." mahinhing banggit nung taxi driver at agad ko naman itong binayaran sabay baba ng kotse.

Nasa abandoned parking lot ako kung saan nasabi ng kausap ko kung san kami mag kikita.

"Coleeeen coleen!" sigaw nung nasa likod ko at napatingin naman ako dito.

Can't explain...

Revenges And GamesWhere stories live. Discover now