I Fell To You

110 2 1
                                    

"OMG! Troy! Ang gwapo mo talaga!"

"Troy, I will do everything for you!"

"Marry me Troy!"

"OMG! He winked at me"

"No he didn't. He winked at me"

Ilan lang yan sa mga sigawan ng mga babae sa tuwing dumarating sya. Troy Gebriel Hemsheer. Campus prince slash campus playboy slash campus MVP slash jock slash jerk slash..

"Hey! Hey ladies! Calm down! I'll get to all of you soon. Pero hindi na muna sa ngayon. As you can see, someones waiting for me. Baka magalit. Selosa pa naman"sabi nya sabay turo sa likod ng mga nagkukumpulang babae kung nasan ako.

Humawi naman sila and I ended up at the center once again. He walked near me at inakbayan ako. I looked back at nakita ko na halos mamatay matay na sa selos yung iba. Napa buntong hininga nalang ako.

"Hi bestfriend! Mustang sembreak?" Tanong ng lalaking to sakin. Yep, you've read it right. Jock slash jerk slash bestfriend ko lang naman ang lalaking nilait lait ko kanina. "Maayos naman. At pwede ba. . ." Sabi ko at kinuha ang kamay nyang naka akbay sakin. "Wag mo sabi akong akabayan. Ang bigat ng kamay mo Hemsheer!"pagpapatuloy ko.

By the way, I'm Quisha (kee-sha) Yhianne (Yi-yan) Bridgeton. May sekreto ako pero wag nyong sasabihin kahit kanino ha! I'm secretly inlove with my bestfriend. Nabalik ako sa katinuan nang kunin ni Troy ang bag ko at sya na ang nagdala. Parati na nya yang ginagawaa. Nasanay na ko, pagkatapos non, naglakad na kami papuntang room.

Nang nasa classroom na kami, kinuha ko ang bag ko mula sa kanya at umupo na ako. Umupo na rin sya sa tabi ko. Yep, seatmate rin kami. Nag lesson na kami. After some hours, nag bell na. Lunch break na namin. Kinuha ko ang bag ko at tumayo.

"Hindi ka ba sasabay?" Tanong ko sa kanya. "Nako! Hindi ako makakasabay Keesh!" Sagot nya. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?" Tanong ko.

"Importante lang" sagot nya kaya mas lalo ang nagtaka. "Sige na Keesh! Wag kang magagalit ah! Please bestfriend! Please!" Sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

Bigla namang kumabog ng malakas ang puso. Pinipigilan ko ang sarili kong mahulog nang tuluyan sa kanya kaya naman agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkaka hawak nya.

"O-oo na! Sige na!" Sabi ko at lumabas na nang classroom. Paglabas ko, napa buntong hininga nalang ako at inalog yung ulo ko para maiwasan kong mag isip nang mga bagay na imposible.

Nagsimula na akong maglakad papuntang cafeteria. Umorder na ako." Ate, isa nga pong carbonara at diet free soda." Sabi ko. Nang nilabas na yung order ko, kinapa ko na yung bulaso ko para kunin ang pitaka ko. Nang makapa ko na , nilabas ko yun.

Teka-- hindi akin to ah. Kay Troy to. Tiningnan ko si ateng cashier. "Ate, paki keep yung order ko ah. Babalik po ako." Sabi ko at agad na tumakbo pabalik nang room. Baka kasi nan don pa sya.

Hindi pa ako nakakalapit, eh rinig na rinig ko ang ilang mga impit na ungol galing sa -- classroom? Pumasok ako don. At pinagsisihan ko na ginawa ko yun. I saw Troy making out with Joana. He's current fling. Nagulat sila nang bumukas yung pinto.

"Oh, its just her." Sabi ni Joana at inumpisahang halikan si Troy pero umiiwas ang huli. "Keesh." Sabi nya at tumayo. Lalapit sana sya sakin pero umatras ako. Hindi ko alam pero aside sa sakit na nararamdaman ko, nakakaramdam rin ako ng disappointment sa sarili ko.

Disappointment kasi kahit anong pilit ko sa sarili ko, nasasaktan parin ako . "Uhmm. Pumunta lang ako dito kasi... nagkapalit tayo ng wallet. Naiwan ko siguro sa desk mo yung akin. Sorry, mukhang naka distorbo pa yata ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fell To You (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon