"Tatanggapin mo ba Rav?"
Tinuro ni Cresia ang isang rosas at mamahaling brand ng chocolate na nasa harap namin.
Medyo nag aalinlangan man ay kinuha ko na lang ang mga ito na galing daw sa admirer ko.
Kanina pa nakatayo si Martin sa harap namin dala ang pulang rosas at isang box ng chocolate na kakatanggap ko lang mula sa kaniya.
Kahit alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin ay naglakas loob parin akong tanungin ang lalaki.
"Para saan to?" Naramdaman ko ang pag irap ni Cresia sa gilid ko dahil sa tanong kong obvious naman ang sagot.
"Manliligaw sana ako sayo, Ravi." Medyo nagulat pa ako sa agaran niyang pagsagot. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay.
Kaya tinignan ko si Cresia para sana humingi ng tulong. Tama nga ang hinala niya kagabi. Sinabi niya sakin na nagtanong daw si Martin sa kaniya kung anong bulaklak daw ba ang gusto ko kaya hula niya'y may ipagtatapat sa akin ang lalaki. Hindi ko lang talaga inaasahang kinabukasan na agad iyon. Tinaasan lang ako ng kilay ni Cresia at bahagyang inilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga.
"Ireject mo para lumiit naman ulo nyan." Mahinang bulong ni Cresia.
Humagikhik pa nga ito pagkatapos. Umiling nalang ako dahil nagawa pang tumawa ni Cresia habang hindi ko na alam kung pano ireject ang lalaki ng hindi siya nasasaktan. Pwede kaya yon? Siguro pwede kapag hindi naman talaga totoo iyong feelings niya sakin.
Nilibot ko ng tingin ang classroom kung saan kami naroroon. Wala namang ibang estudyante roon bukod sa amin ni Cresia, Martin at mga kaibigan niya. Uwian na kasi at nagkataong may naiwan ako sa room at bumalik dito kaya dito na din ako naabutan ni Martin.
Huminga ako ng malalim. Hayst, bahala na nga. Kaya ayoko talaga sa mga ganito eh, natatakot akong ireject yung tao. Akala ko noon si Cresia lang ang may manililigaw na karamihay tinatanggihan naman niya. Naalala ko pa na sinabihan niya ang isang manliligaw niya ng "Don't show your face in front of me ever again!" Sabay head to foot dun sa lalaking gustong manligaw. Alangan naman gawin ko din iyon kay Martin?
"Uhm...Martin..Ano kasi..ahh..ehh--"
"Okay! Did you hear that Martin? Ravi stuttered so it means, ayaw niyang magpaligaw, kaya you can go away na."
Hindi ko paman natapos ang sasabihin ko sana nang magsalita na si Cresia para sakin which is totoo naman. Hindi ko nga siya gusto at wala pa akong balak magkagusto sa kahit na sino.
Hindi natinag ang titig ni Martin sakin na animo'y gustong sa akin talaga manggaling ang sagot. Wala na kong magawa kaya bago ako magsalita ay bumuntong hininga muna ako.
"Martin, sorry pero tama si Cresia ayoko munang magpaligaw sa kahit na sino. Masyado pa kasi tayong bata para doon eh. Pero huwag kang mag alala simula ngayon magkaibigan na lang tayo! Okay ba?"
Ngumiti pa ako ng pagkalaki laki para ipakitang sinsero ang pakikipagkaibigan ko sa kaniya. Inilahad ko din ang kamay ko sa kaniya ngunit yumuko lamang siya at nakita ko pa ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Narinig ko din ang bahagyang pagtawa ng mga kaibigan niya sa likod. Nagsimula na akong mag alala sa sitwasyon namin ngayon. Galit ba siya?
"Tss. Seriously?Nirereject mo ko? Ni rereject mo ang isang katulad ko?" Sarkastiko pa siyang tumawa at natatawang itinuro ang sarili.
Nagulat ako sa inasal niya habang malakas na napasinghap naman si Cresia.
"What did you just say?" Naningkit pa ang mga mata nito na talagang hindi siya makapaniwalang ganun nalang kayabang ang tono ni Martin. Well, alam naman naming mayabang siya pero hindi ko naman inexpect na ipapakita niya samin iyon.
"You know what? Ang ganda mo sanang pumorma eh. Kaso dahil diyan sa ugali mo nakaka sore eyes yang pagmumukha mo, alam mo yon?" Napasinghap ako sa itinuran ni Cresia at mas lalo lamang natakot kay Martin nang binalingan siya nito ng masamang tingin na parang kung hindi lang babae si Cresia ay nasuntok na niya ito.
"Martin teka! Hindi niya sinasadyang sabihin iyon, okay. Pasensya na." Hinatak ko si Cresia para sana umalis na ng umaray ito.
Paglingon ko sa kaniya ay hawak na pala ni Martin ang kaniyang braso at sa isang tingin ko palang alam kong marahas at mahigpit ang paraan ng pagkakahawak nito. Narinig ko pang sumipol ang isang barkada ni Martin at ang iba naman ay tumayo mula sa pagkakaupo sa mga silya.
"Alam mo kanina ka pa eh! Ikaw ba kausap ko? Ha?! Wala akong pakialam—"
Hindi na siya natapos sa pagsasalita ng padabog na binuksan ang pintuan ng classroom namin. Iniluwa nun ang kapatid ni Cresia na si Castriel.
"Ano ba Cresia! Dito na ba kayo matutulog sa school? Kanina pako naghihintay sa par—"
Sumingkit ang mata ng kadadating lang na lalaki ng makitang mahigpit ang hawak ni Martin sa kaniyang kapatid.
"What are you doing, you scumb*g?" Medyo nagulat ako nang nanlilisik ang mga matang sinugod ni Castriel si Martin at marahas na kinuwelyuhan habang si Cresia naman ay nakawala sa kamay ni Martin kaya nilapitan ko siya.
"Woah! Easy lang bro. I'm not into your bratty sister." I can sense a bit of fear from Martin's eyes. Even his friends can't back him up base on how they pretended like they do not know Martin. Most people say Castriel is like a beast when he's mad 'though I've never seen him like that before.
"Don't bother kuya, he doesn't deserve your precious punch." Nilapitan siya ni Cresia upang pigilan. She tapped his shoulders and whispered something to his ears. Kumalma naman si Castriel at bumitaw sa pagkakahawak kay Martin. Umatras siya at nakita ko ang kaniyang bahagyang paglingon sa direksyon ko.
"His head is big enough sooner or later it's gonna burst, kaya umalis na tayo dito bago pa mangyari yon." Malakas na sabi ni Cresia na halata namang mas gusto pa niyang mainis si Martin.
YOU ARE READING
Crippled Hearts
Teen FictionFalling in love is the least priority of Ravilyn Roseanna Laurel. Not even a feeling of attraction to someone is something that she would dare to try. Growing up exposed to violence and hardship made her strive hard and motivates her to excel on her...