Panimula

4 0 0
                                    

Ang buhay ko ay 'di perpekto, minsan nahihirapan kami pero minsan ay maginhawa naman ngunit mas lamang nga lang yung hirap dahil sa panahon ngayon ay wala nang madali.

Hindi ko naman kasalanan na ganito yung buhay namin pero wala akong magaga-

"Hoy te!"

"Ay palakang tumalon"

"Hahahaha! Ano nanaman yang iniisip mo diyan? Nag eemote ka nanaman" Pang-aasar netong kapatid ko na si Feira Valiea Cazon pero 'di ko siya pinansin dahil busy ako sa pagtatahi netong mga damit ko habang iniisip ang hirap ng buhay.

Nakabili kasi ako ng mini sewing machine sa online. Super mura lang kaya tinry ko agad pagkadeliver. Kinalikot ko muna dahil first time ko pang gagamit neto at first time ko ding mastress sa araw na 'to.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay agad na akong bumaba. Balak ko sanang magluto ng pang umagahan namin dahil ako ang cook nila dito sa bahay.

Bago pala mag umpisa at matapos ang lahat, ako nga pala si Danylze Vrixen Cazon at 16 years old palang ako at wala kayong pake eme lang!

First day of enrolment ngayon kaya maaga akong nagising dahil magisa lng akong pupunta sa school na first time ko ding mapupuntahan. Ever since naghigh school ako, hindi na ako sinasamahan ni mama sa school dahil malaki na daw ako? (Patanong talaga yan kasi di naman ako lumaki!)

"Kuya! Anong gusto niyong ulam?" pasigaw kong tanong sa kapatid kong matanda habang nanonood ng TV, eto naman yung kapatid kong tamad sa bahay pero masipag naman magtrabaho. Siya si Nielle Vermont Cazon at 18 palang siya pero grabe kumayod at tumulong sa nanay namin.

"Kahit ano nalang"

Kahit ano? Kahit ano? Kahit ano? May pagkain ba na ganon? Diba wala!

Mga pilipino nga naman na kapag tinanong nang ulam kahit ano isasagot pero kapag binigyan mo na tsaka sila magrereklamo, diba totoo?

Bukod pala sakanilang dalawa ay may dalawa pa akong kapatid na babae, yung isa ay panganay at bunson naman yung isa. Nag iisang lalaki lang yung kuya Niel at pangalawa siya saming magkakapatid.

Kung ako tatanungin niyo, ang pangalan  ng panganay namin ay Grizelle Vianen Cazon, at sumunod ang kuya ko at ako ang sususnod dito. Si Fei naman ang pang-apat at si Xiannyi Vezlie Cazon ang aming bunso. Kaya ang ibig sabihin ay ako ang pinaka gitna saming magkakapatid. (gitna, as in pangatlo sa limang magkakapatid)

Nilutuan ko na sila ng kahit ano este adobo! Wala akong maisip e kaya magsawa sila sa adobo araw-araw. Hahahaha sana magkapakpak sila sa manok na lagi namin ulam. XD

Nang matapos ako kumain ay nag-ayos nadin ako. Kailangan ko kasi umalis nang maaga para puntahan yung pinakamalapit na school samin. Public school lang yung papasukan ko at do'n pa ako magdedecide kung anong strand ba talaga ang kukunin ko dahil undecided pa ako.

Isang sakayan lang ng jeep mula samin ang papunta dito.

Tama kayo nang pagkakabasa dahil nasa school na ko at kabababa ko lang ng jeep, oh diba shala.

Pumasok na ko sa loob, eme! Malay ko ba san nageenrol dito kaya nagtanong muna ako sa guard.

"Kuya, saan po dito yung enrol-an po ng senior high school po?" tinitigan ko talaga sa mata si manong guard para wala lang kasi trip ko.

"Pasok ka lang dyan sa loob tapos kumanan ka at makikita mo yung school court, hingi ka lang ng form na fifill up-an mo" may kasama pang pagturo yung kamay ni kuya guard kaya naman nagets ko agad.

"Sige po, thank you po!" Nagbow nadin ako dahil nakatulong talaga si kuya, parang gusto ko na nga maging guard bigla.

Habang papasok ako ng court ako ay biglang may humarang sakin na babae, ay teacher pala!

"Good morning po ma'am, p'wede po ba ako makahingi ng form for enrolment po ng shs?" tanong ko sa magandang teacher na nasa harap ko sabay ngiti na awkward sakanya.

Hindi na nagsalita yung teacher dahil inabot naman na niya akin yung hinihingi ko.

Naisipan ko palang ngayon na magSTEM dahil naalala ko yung napanood ko sa tiktok nung isang araw.

Nang masagutan ko na lahat ay agad ko na itong ipinasa sa teacher na naglilikom ng mga papel at chinicheck ata niya.

Hiningi niya rin yung mga requirements na kailangan kaya buti nalang ako kumpleto ang dala ko. Walang labis, ako lang ang nagkulang!

"Neng, mag STEM ka?" tanong ng lalaking nagchecheck ng grades ko.

"Ah opo sana e kasi mas madami daw pong opportunities do'n kapag college po" napakamot pa ko nang ulo habang nasagot.

"Neng, 'di ka p'wedeng mag STEM"



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hiding in the ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon