...

23 2 0
                                    

Minsan ba naiisip mo nang tumigil sa pag-aaral? "Nakakatamad kasi. " Mga litanya ng kagaya ko. Dadagdagan ko, nakakapagod kasi.

Gusto mong isaulo ang bawat lektyur ng iyong guro sa kukote mo, pero sadyang ayaw ng pumasok. Yung tipong nag-mememory full na. Feel me? Hays.

Bat nga ba kasi ang hirap mag-aral? Pahirap ng pahirap ang pag-bangon sa umaga, patamad ng patamad sa pag-gawa ng assignments lalo na pag Marso na.

Biruin mo naman kasi. Sampong buwan ng pag-aaral. Dalawang buwan ng bakasyon. Limang araw ng pagpasok sa eskwela at dalawang araw lang na pahinga. Sino ba namang tanga ang nag-divide niyan?! Ka-stress! -,-

'Yung dating hanggang madaling araw na pag-rereview mo, napupunta na sa kaka-COC. Kamusta naman kaya ang mga magulang nating ginagawang umaga ang gabi? Corny 'man pero totoo.

Humingi ka ng 500 pesos, sinabi mong pang-bayad mo ng facebook. Akala ng nanay mo libro, 'yun pala social networking site na kinahuhumalingan mo. Tsk.

Kaasi met ni inang ken ni tatang mo, Pedro/Pedra. (kawawa naman ang mga magulang mo, Pedro/Pedra.)

Okay lang naman maging pasaway minsan. Pero wag namang madalas. Hindi naman kasi para sa parents mo 'yung pinag-aralan mo, para sayo 'yun. Bonus nalang sa parents 'pag may medalya. Ayaw mo bang makita silang rarampa din suot suot ang kanilang makislap na ngiti sa entablado upang kunin ang diploma mo? Hay. That's the most precious time ever. Kung alam mo lang.. Ay nako!

Kung hindi mo pa alam, ikaw na ang bahalang humusga. Ge. At mag-aaral pa ako ng Constitution! May quiz ako sa lunes. B-) Bye!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon