Sinasabi ng iba na swerte daw ako dahil may natatanggap daw akong mga letters araw-araw. Siguro totoo din naman dahil naniwala din ako sa sinabi nilang yun. Swerte ba kamo? Siguro swerte ako dahil at least alam ko na na hindi pala ako ang mahal niya. Umasa lang ako.
Pero kung hindi siya ang nagbigay nun, e sino pa? Hindi naman talaga siguro para sa akin yun kung hindi para sa locker ko. Mas mabuti nang ganito para hindi na ako masaktan tuwing nakakatanggap ako ng letter na ngayo'y alam ko na na hindi pala ang taong mahal ko ang nagbibigay nito.
At least alam ko nang hindi pala siya para sa akin. Hindi yung pinagsisiksikan ko yung sarili ko sa kanya.
Bibigyan ko ba ng chance ang lalaking totoong nagbigay ng letter? Wala naman sigurong mawawala di ba? At gagawin ko to dahil importante siya sa akin.
Pero habang humihilom pa ang sugat ng aking dibdib ay sasabihin ko na lang sa iba na "Hindi ako yung swerte noh! Yung locker ko yung swerte. Hindi niyo ba alam? ' It's my locker's secret admirer, not mine'"
May pag-asa ba akong magkaroon ng love life? O mananatili akong masasaktan?
********************************
Yes, ang LOL ng Prologue. Sorry dahil biglaan ang paggawa ko nito. Hayyyyy.. Sana mag-enjoy na lang kayo sa pagbabasa. Maraming Salamat!
BINABASA MO ANG
My Locker's Secret Admirer
Teen FictionIsang dalagang naghihintay ng gwapong sasalubong sa kanya na katulad ng bestfriend niya. Nang isang araw ay may nakita siyang isang letter mula sa locker niya at sinabing "Wow locker, may admirer ka na. Biruin mo!" Paano kung ang dalagang ito ay ma...