“ Anak matulog ka muna mahaba pa ang magiging byahe natin,” mahinang sabi ni nanay. Lulan kami ng isang aircon bus na may rutang paBatangas. Si tatay naman ay nasa likuran lang namin.
‘Hindi na po nay, mas gusto kong tumingin na lang sa bintana kaysa matulog,” magalang kong sagot. Hindi na muling umimik pa ang inay.
Muli akong tumingin sa bintana. Ilang oras pa ang aming hihintayin bago namin marating ang probinsya namin. Nais nina nanay na sa Batangas na ako magkolehiyo, ayaw nila sa Maynila masyado raw magulo. Wala naman kaso sakin iyon. Masaya naman ako sa probinsya, nandoon kasi halos lahat ng mga kaibigan ko. Bukod pa don, pupunta kami roon para magbakasyon at para doon na tuluyang tumira. Excited din akong umuwi matagal-tagal na rin kasi nang huli akong makadalaw doon. Mga apat na taon na rin.
Naging mabilis ang limang oras na byahe. Ngayon ay sa jeep na kami nakasay. Sa totoo lang gustong-gusto ko ng bumaba kaya naman agad-agad akong bumaba ng jeep matapos itong parahin ng nanay. Nagtititili akong tumakbo papunta sa dati naming bahay. Nagulat pa nga ang pinsan kong si Marvie nang makita ako.
“ Hala si Meryll nandito na.!!! Mama! Mama! Nandito na sina tita.” Tuwang-tuwa kaming dalawa. Nagyakapan pa nga kami eh. Si tita Georine naman ay nagmamadaling lumabas at sinalubong sina nanay. Nakakamiss sila dahil ngayon lang ulit kami nagkita.
“Halika na kayo Karen, Symon pumasok na tayo sa loob,” pagtawag ni tita sa mga magulang ko. Nang makapasok kami sa loob ay agad akong hinila ni Marvie sa kwarto namin. Sila nga lang palang dalawa ni tita ditto noong umalis kami kasi single mom si tita.
“ Uy grabe Meryll namiss kita ahahahah.!!” Sabay niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit. “ Tsaka lalo kang gumanda ganyan ba talaga ang nagagawa ng Maynila?”
‘ Sira! Hindi ah. Wala namang nagbago sakin eh. Teka sina Luisa ditto pa rin ba sila nakatira?”
“ Oo naman, ikaw lang naman ang umalis dito eh. Nandito pa rin ang mga tropa natin, sina Mariella, Abigail, Ayra, Hannah si Robilyn nandito pa rin sila. Ay may ibabalita nga pala ako sayo! Shet grabe talaga tong sasabihin ko sayo.” Nacurious naman tuloy ako.
“Naalala mo si Glenn?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sakin.
“Oo naman, Crush ko nga yon dati eh.” Cute kasi yon ang tangkad pa hihi.
“hahahahaha pota! Naging crush mo yon? Eh bakla na yun ngayon! Ahaha!’
‘ OH? Hindi nga?!”
“ oo! Ahahaha! Mas mahaba ang buhok niya nagyon kaysa sayo.” shock na shock ako sa nalaman ko. Kilig na kilig pa naman ako dati sa kanya tapos paminta rin pala siya. Sayang siya, may itsura pa naman.
KINABUKASAN, muli kaming nagkita ng mga kababata ko at nagkayayaan kaming manuod ng practice ng liga. Taon-taon, tuwing magpipyesta ay nagkakaroon ng paliga sa baryo namin. Nakakapanibago rin kahit papaano kasi ang tagal kong nawala, ang daming nagbago dito sa lugar namin. Mas gumanda ang court dito, hindi na din lubak-lubak ang daan kundi sementado na. Hindi lang din ang baryo ang nagbago pati mga tao. Si Mariella na dating mahinhin at tahimik ang ingay na din atsaka gaya nga ng sinabi ni Marvie, walang nabawas sa mga tao dito, may nadagdag pa nga.