Part 3

2.5K 68 13
                                    

Ryan

 

Akala ko pinakamasakit na ang iwan ka ng taong mahal mo, pero mas masakit pala kapag ikaw ang nangiwan sa taong mahal na mahal mo. Nakakamatay sa lungkot, nakakamatay yung araw-araw kang nakokonsensya. Simula nang umalis ako sa Batangas, pinutol ko ang lahat ng koneksyon ko sa lahat para mas madali akong makalimot. Pero wala eh. Hindi rin ako nakalimot mas lalo ko pa siyang naalala. Mas lalo ko pa siyang namiss. Nakakabaliw. Minsan nga tinatawagan ko ang cellphone niya, maririnig ko siyang maghello, sino to? Tapos ibababa ko na. Okay na basta narinig ko yung boses niya. Okay na kahit saglit. Nagpakaduwag ako noon, pero ngayon sisiguraduhin kong hindi na ako maduduwag ulit. Wala akong ginawa sa loob ng limang taon kundi ang mag-ipon at mag-ipon. Gusto kong may mapatunayan ako. Gusto ko na hindi na magiging tutol sakin ang mga magulang niya sa oras na bumalik ako roon.

“oh yung mga bababa sa Lemery, bumaba na.”sigaw ng konduktor.

Ngayon na araw na yon. Ang araw kung kailan ako nagkaroon ng lakas ng loob para harapin siya ulit. Sana lang talaga ay may babalikan ako.

Walang tao sa bahay nang dumating ako kaya naman napagdisisyunan kong pumunta sa ilog. Nandoon kaya siya? Hinihintay niya pa rin kaya ako? O mayroon na siyang iba? Ang isiping may iba ng nagmamay-ari sa kanya ay parang gusto ko ng umurong pero laking tuwa ko na lang nandoon siya. Nakaupo siya kagaya ng ginagawa niya dati at banayad na nakanta. Napatigil ako sa paglalakad, pinagkatitigan ko siya. Ganap na siyang dalaga. Matagal na siyang maganda pero mas lalo pa ata siyang gumanda. Nahigit ko na lang aking hininga nang tumingin siya sa direksyon ko. Tinitigan niya lang ako. Walang emosyon ang kanyang mga mukha.

“girlfriend……” tinakbo ko ang distansya sa pagitan naming dalawa at mahigpit siyang niyakap. “Miss na miss kita.” Humiwalay ako sa yakap atsaka tinignan, may halong sakit ang mga titig niya sakin. Hindi ko siya masisisi, ako yung nangiwan ako yung naduwag. “anong ginagawa mo dito?” masakit marinig na galit siya sakin pero ako ang may gawa nito. “bumalik ako para sayo kasi mahal kita. Gusto ko ng bumawe. Ngayon kaya ko na, mapapatunayan ko na sa magulang mo na pwede tayo, na pwede kahit mas matanda ako sayo. Pwede na ko ng hingin ang kamay mo sa tatay mo.” Hinintay ko siyang matuwa at yakapin ako pero wala. Blangko pa rin ang mukha niya.

“hindi ka na dapat bumalik pa kung yan lang din naman pala ang habol mo dito. Matagal na akong nakamove-on kasi nga tama ka. Maganda ako at marami pa akong makikilalang iba. Sinunod ko lang lahat ng sinabi mo tapos ngayon bigla ka na lang susulpot dito na parang walang nangyare? Ryan limang taon ang lumipas, maraming nangyare, maraming nagbago at isa na ako don. Kung noon pinakinggan kita, ngayon ako naman ang pakinggan mo. Ryan gwapo ka, mabait at maraming nagkakagusto sayo. Marami pa diyang iba. Wag mo na akong guluhin pa kasi masaya na ako.” Tinalikuran niya na ako at nagsimulang naglakad. Nakakapanlumo pero hindi ako susuko agad kagaya noon. Kaya naman hinabol ko siya at niyakap patalikod.

“manliligaw ako ulit babawi ako, pupunan ko yung limang taon basta hayaan mo lang ako.” Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya at muli akong hinarap.

“Ryan wala ka ng dapat pang bawian, kasi okay na ako. Ikakasal na ko.”

“k-kanino?” tumingin ako sa langit para mapigilan ang mga luhang nagbabadyang umagos muila sa mga mata ko.

“kay Carlo……”’

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Bakit kay Carlo pa? “mahal mo ba siya?”

“pakakasalan ko siya.” Balewalang sagot niya.

“SAGUTIN MO YUNG TANONG KO! MAHAL MO BA SIYA?!”

Ten Years Age Gap (Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon