Kay Hirap Limutin
Nagdaan na ang ilang taon
Ngunit pag-ibig ko sayo'y dala parin
Bakit ba kay daling sabihing "SUKO NA"
Kahit ito'y di kayang gawin.
Pag-ibig ko sayo'y umaapaw
At di ito kayang pigilan nang sino man,
Pag-ibig ko sayo lamang
maging sino ka man.
Labis na nasasaktan ang puso kong sugatan
Ngunit isang ngiti mo'y gamot kong maituturing
Maaari ba sanang magpaliwanag
sa puso kong di mapanatag?
Nabulag na sa liwanag ng iyong pananakit
dahil ang kaitkasan mo'y mapang-akit.
Pagmamahal kong ito'y di magbabago
Mabago man ang ikot ng mundo.
Lahat na hinamak
Kahit ako'y mapahamak
Alam kong ito'y di mo inaasahan
ngunit wag sanang limutin
Kahit ang pag-ibig mo'y sadyang di saakin. . .
Theme song: A thousand year by Christina Perri -------------------------------------------------->
