the truth

27 0 0
                                    

"Ang tagal na natin magkatext pero di pa tayo nagbabonding kahit minsan, pwede ka ba this coming thursday?" --liam

Anyaya niya, napaisip ako sa kanyang sinabi na tila di ko maintintindihan kung bakit ang lakas ng kabang naramdaman ko ng ayain niya ako. Matagal din bago ako nakasagot, ng "hmm.. cge!"

Oo, hanggang ngayon di pa rin mawala yung kaba sa dibdib ko. Di ko rin mawari kung bakit excited ako't masaya, it's been a long time since magkita kami after nung nirefer niya ako sa isang client na kailangan ng isang architect for their thesis.

Pero that time, ewan at iwas na iwas ako sa kanya. Di tumagal ng 1hour yung meeting ko with them, after several sketches and ideas we ended it up the meeting. Then, he asked me if he can join us in selection of site prior to what the clients needed.

"Okay, ikaw ang bahala." --mahinang sagot ko.

Ngumiti lang siya na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib. Na naging dahilan naman ng pamumula ng aking pisngi. Kaya bago pa niya ito makita ay dali-dali akong tumalikod paharap kay jiro na kanina pa namin kasa-kasama.

"Nakita ko na !!" --utal ni jiro

"Okay, let me see." Sabi ko upang umurong si ito saglit para makita ko ang lote na kanilang napili. At habang iniiscroll yung mouse ng computer ay siya namang titig sa akin ni liam na kanina pa napansin ni jiro. Maya maya lamang ay umalis na din kami kasi may hahabulin pa akong klase kaya naman nagpaalam na ako kay jiro. Sa pagkakataong ito nakahanap si liam ng pagkakataon para maihatid ako.

"Hatid na kita ?"--liam

Umiling ako na hudyat na ayaw ko, pero ito siya makulit at mapilit kaya sabi ko sige, pero hanggang lrt lang ha. Ewan ko ba at naiilang ako sa kanya. Kaya kahit sa paglalakad patungong lrt eh tamang daldal lang ako, para di masyadong awkward na sa tingin ko'y napansin niya rin. Pagdating sa lrt station humirit ulit siya. "Baka pwede kitang ihatid hanggang school ?"

"Naku, wag na di na din kita maaasikaso eh. Isa pa kailangan ko pang magreview habang nasa biyahe. Sorry liam, ingat ka." Pagkatapos ay sumangayon din siya at napangiti na lamang sabay sabi na "okay, just take a good care of yourself."

Habang nasa platform ako ng lrt at naghihintay sa train na ang tagal dumating ay naalala ko yung titig niya na para bang gustong gusto niya talaga akong ihatid. "Haayyss, kung hindi lang ako naiilang at magtatake ng exam baka nagpahatid talaga ako ang awkward naman din kasi eh!!" Sambit ng isipan ko sa aking sarili.


****

Magkaklase kami nung 4th year high school pero nakakatawang isipin na mula umpisa ng klase hanggang sa nakapagtapos kami ay ni minsan hindi man lang kami nabigyan ng pagkakataong maging close sa isa't isa, o kahit nga sabihin nating paguusap tungkol sa mga subject ngunit, as in walang usap na naganap.

Mahigit tatlong taon bago niya maisipang ichat ako sa aking social account. Syempre nung una stranger ang dating though naging magkaklase naman kami ng high school still, di ko pa rin siya ganun kakilala para makipagusap kahit sa chatbox. Lumipas ang mga araw napadalas ang pagmemessage niya sa akin until he ask for my mobile number and i gave it to him just like that.

Well, base naman kasi sa history eh, kaklase ko siya noong high school. I had to think that maybe he's just wanna save some of our batchmate numbers for his own purposes. Since then, nagtetext na siya sakin. Halos laging kamusta at kung kumain na ba, halos pare-parehas lang kaya deadma na lamang din ako, though kung free ako mas ineentertain ko siya. Pero madalas lang yun kapag bored ako.

***

Author Q:

^^, please leave some comment if itutuloy ko pa to.. i will appreciate it either G'or B  THANK YOU sa pagdaan sa files ko.. ^____^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love me like you doTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon