If Only (One Shot Story)

679 31 13
                                    

IF ONLY

(c) Inhinyerojoana, All Rights Reserved 2013

---

After 8 years..

Nakatingin na naman siya sa kanyang sapatos na kulay itim na may sintas na kulay puti. Nag-iisip na naman ng mga bagay na sana ay nagawa niya sa buhay niya.

If only I was brave that time, e di sana ako siya.

If only I let myself to fall, e di sana tayo yung masaya.

If only I could turn back time, If only..

But it's too late.. I can't.

---

"And you may now kiss the bride."

Nagising ang kanyang katauhan ng narinig ang sinabi ng pari. Tumayo siya at kasabay ng maraming tao ay pumalakpak, ngumiti ng mapait sabay pinunasan ang luha na patuloy na dumadaloy sa kanyang mga mata. 

Huli na ang lahat.. Kasal na siya sa iba.

"Congratulations, Pao." Ngumiti ang lalaking nasa harapan niya ngayon.

"Thankyou, Gia." At sa pangalawang pagkakataon, ngumiti siya ng mapait.

By looking at his eyes, wala na talaga.. Wala na.

---

"Gia, are you listening to me?" Tanong sakanya ng isang kaibigan na nasa harapan niya ngayon.

"Sorry, ano uling sabi mo?" Ngumiti ang babaeng nasa harapan niya.

"Sabi ko yung honeymoon namin ni Pao, I mean, gusto ko kasi kasama ang barkada. Parang reunion ba?"

Natigilan siya pero nakasagot naman agad, "Nikka.. Honeymoon niyo yun eh."

Ngumiti uli ito sakanya, "Okay lang yun. May next time pa! Mas masaya kasi pag kasama kayo. Tsaka bigla ka kayang nawala nun sa reception, parang hindi ka kaibigan! Hmp."

She smile weakly, tumingin sa sapatos niyang kulay itim na may sintas na kulay puti wari'y nag-iisip, sabay sabing "Sure, just set the date."

Tumayo ang babaeng nasa harapan niya at niyakap siya, "OMG!! Thanks G!! You're the best."

---

SETTING: Resort ng isang kaibigan. Reunion ng highschool barkada.

Dumating ang araw na kinatatakutan niya, ngumiti siya at humarap sa salamin at sinabing, "KAYA MO YAN GIA!!"

7PM, COTTAGE

"Thank God dumating ka na Gia!! Ikaw na lang ang hinihintay rito oh!!" Sabay yakap sakanya ng kaibigan. Napatingin siya sa mga tao sa paligid niya. The same people she used to know.. Sila pa rin to, wala namang nag-bago.

"Sorry Niks, na-traffic lang." Sabay ngiti sa babaeng nasa harapan niya.

"HON!!" Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. Napalingon siya rito. Their eyes met for three seconds pero umiwas agad ito ng tingin at lumapit sa babaeng katabi niya.

Ngumiti sakanya ang lalaki, the same old Pao that she used to know, "Hon, kumain ka na muna dun." Sabi nito sa babaeng katabi niya, his girl obliged at nagkatinginan ulit silang dalawa.

"Hi Gia." Bati nito sakanya.

"Hi Pao."

"Buti naman nakarating ka."

If Only (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon