It all started when he puts his arm around my shoulders (akbay).
Then our classmate teased us "uyyyyy..."
Pero yun nga ba ang simula?
Sa love story ko, hindi...
1st year highschool kami noon. Syempre kapag highschool ka, I'm not sure kung pareho sa private, every subject nagpapalit-palit ng pwesto. So tuwing math, nagkakatabi kami ng upuan. Hindi kami nakikinig sa lectures ng teacher (or ako lang). Di ko kasi feel ang math. Hehe.
Nung time na yun, napakahinhin ko pa. Siya yung madalas makipagusap sa akin. In short, dinadaldal niya ko. Nagdadaldalan lang kami. Hahaha. Pag hindi nagkwekwentuhan, nagddrawing siya sa likod ng notebook niya. Magaling siya magdrawing. Kaya naman, nung madiscover ko yung talent niyang yun, palagi ko na siyang pinapadrawing. Mahilig rin kase ko sa art. Magaling, pero hindi kasing galing niya.
Naitabi ko pa yung pinadrawing ko sa kanya, si "Vegeta M" ng Dragon Ball. At dahil sa pagmamagaling ko, ako nagdrawing ng M sa noo ni Vegeta nung hindi siya nakatingin. Nung nakita niya yun, idiniin niya agad na hindi siya naglagay nun. Sa hiya ko, ibinintang ko sa isang classmate ko yung M sa noo ni Vegeta.
Takteng Vegeta!
At kasabay ng pagkamangha ko sa galing niya, humanga narin ako sa kanya.
Crush.
Kung irerange from 1 to 10, siguro nasa 8. Siya yung ultimate crush ko.
Dahil bukod sa talent na nagustuhan ko sa kanya, maputi rin siya. Which is isang katangiang panlabas na nakakapukaw ng pansin ko.
Talent + complexion = crush
Pero syempre, kung hindi maganda ang panloob niyang katangian, hindi ko siya basta basta magugustuhan.
Mabait siya. Makulit at palabiro pero gentleman. Isa lang ang nega sa ugali niya...mahangin siya! Nahahalo minsan yung kayabangan niya sa kakulitan niya.
Sa kabila nun, hindi nawala yung paghanga ko sa kanya.
So, talent + complexion + character = ultimate level 8 crush!