04

45 7 6
                                    

Messenger
2:05 PM

Amari:
hi bff 😍

Charmaine:
Magpapasama ka ulit?

Amari:
Hala paano mo naman nalaman agad 😔

Charmaine:
Nako, Amari Stella Pascual

Amari:
Ay taray complete name

Bakit, Alliah Charmaine Placeda?

Charmaine:
Baliw HAHAHA

So, saan naman tayo ngayong araw?

Amari:
punta tayo BGC today bff

Charmaine:
BGC?

Nakapag paalam ka ba kay tito?

Amari:
pwede naman

Charmaine:
Anong pwede naman?

Amari:
Eh yung shokoy kong kuya sinabi na kay papa

Akala mo naman siya yung gagala

Charmaine:
'di pa rin kayo okay ni Kuya Hermes?

Amari:
Paano kami magiging okay, puro lang naman mali yung nakikita niya sa 'kin.

'di porket graduate na siya ng nursing, halos i-compare niya buong pagkatao ko sa achievements niya.

naKU BITTER KASI YUN NGAYON

Charmaine:
Bakit?

Amari:
break na sila nung jowa niya

nagcheat ata si ate girl sa kaniya.

kapag nakita ko yung baklitang yun, malilintikan din yun sa 'kin. sino siya para ipagpalit kuya ko?!?!!

Charmaine:
Hahaha ewan ko talaga sayo.

Kanina naiinis ka kay Kuya Hermes tapos ngayon, doon ka na sa ex naiinis.

Amari:
Anong magagawa ko?

Talaga naman complete package na si Kuya.

Dean's lister buong nursing life niya, Magna Cum Laude, athletic, marunong tumgtog ng mga instruments, maganda boses.

Bully lang yun sa akin pero maalaga yun, lalo na sa amin.

Charmaine:
Oo nga pala. Si kuya Hermes inspiration mo ba't nursing din kinuha mo na course.

Amari:
'wag mong sasabihin kay kuya yan ha!!

kapag nalaman niya, lalong lalaki ulo tapos aasarin ako huhu

Charmaime:
Hanapan mo na lang bago kuya mo.

Amari:
Kaya nga tayo pupunta sa BGC 🥰

Doon ako maghahanap ng future jowa niya

Captivating Anonymously Where stories live. Discover now