A/N: It's been a long time since we've updated this story! Thanks to @KumuPH may pa-special chapter tayo kung saan tinulungan n'yo ako magsulat during the "Write With Me" livestream last July 30!
Want to watch other Wattpad writers go live? Download n'yo na ang Kumu app at i-follow na si @WattpadPH ;)
Enjoy reading!
Annika's P.O.V.
A LOT of things happened between me and Seven Astute. It was hate at first sight but the jerk I used to know changed to someone I ended up falling in love with. We've been together for years and although we've parted ways in the end, I still remember the happy times I've spent with him.
Hindi ko mapigilan mapangiti nang naalala ko ang kauna-unahang date namin ni Seven. Sobrang linaw pa niya sa memory ka na para bang kahapon lang ito.
Inamin na rin namin pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa.
Nakilala ko rin ang lalaking susuklian ang pagmamahal ko. It was the best feeling especially after my experience with Kirby who I was stupidly and blindly in love with before.
"See you tomorrow, Annika."
"See you, Seven." Ibinaba ko na ang telepono at binitawan ito sa aking kama pagkatapos namin mag-usap. Habang nakahiga ay tinignan ko ang puting kisame ng aking kwarto. Hindi ko mapigilan maalis ang mga ngiti sa aking labi habang iniisip ang mga pwedeng mangyari bukas.
Niyaya akong manood ng sine ni Seven. It's our first actual date. Kinikilig, kinakabahan at excited ako.
"Ano kaya ang magandang isuot bukas?" Binuksan ko ang aking cabinet at pinagmasdan ang mga nakasabit kong damit. I took out the prettiest dress I own which was a pink sleeveless flower dress. I wanted to be the most beautiful person in Seven's eyes. I wanted to make it the perfect first date.
Halos hindi ako makatulog sa sobrang excitement. Kahit puyat ay naunahan ko pa rin sa gising ang aking alarm. Agad akong nag-ayos at isinuot ang napiling damit.
Mayamaya lang ay dumating na si Seven. Naka-gray na polo shirt siya at blue jeans, simple lang ngunit ang gwapo pa rin tignan. Na-conscious ako bigla nang pagpasok namin ng tren ay pinagtitinginan siya ng ibang babae na tila kinikilig sa presensya niya. Sa dami ng nagkakagusto sa kanya, napapaisip ako minsan kung ano ba ang nakita niya sa akin? I actually tried to look much better today. Sinubukan kong mag-make up at kinulot ko pa ang aking buhok, pinili ko rin ang pinakamagandang damit ko ngunit wala siyang sinabi nang magkita kami. Ngumiti lang siya sa akin at pakiramdam ko ay balewala ang effort ko.
"Ay!" Napahawak ako sa damit ni Seven nang biglang tumigil ang tren at muntik na akong mawalan ng balanse. Nahiya naman ako bigla at inalis agad ang kamay ko. "Sorry."
Ngumiti na naman siya at kinuha ang kamay ko. Nilagay niya ito sa braso niya habang nakahawak siya sa handle na nakasabit.
"Kapit ka lang sa akin, okay lang."
BINABASA MO ANG
I met a jerk whose name is Seven
Teen FictionCheating is a choice. Love or Friendship? A story about a selfish girl and a straightforward jerk. (TEEN ANGST)