ENTRY 4: he sais she said
wew nahulaan niyo na ba kung anung sinabi niya? pero sige sasabihin ko na , simple lang namn ang sinabi niya pero khit sino hindi mag aakala na ganun ang magiging tugon niya.
"LAKAS NG TRIP MO AH!" boom yan ang sinabi nya. ndi ko alam pero parang natuwa ako sa sagot niya sa sinbi ni die, hehe hondi naman aku tumututol sa nararamdaman ni die khit na gusto ko rin si K kasi best friend ko parin siya khit na iisang lalake lang ang gusto namin.
(Die's POV)
"Hannah may crush ako dito sa room."
"ako din eh , ikaw sino yung crush mu?" tanong niya sakin na para bang excited na marinig ang sagot ko
"Si K, ang cute niya talaga oh tingnan mo" inabot ko sa kanya ang cp ko para ipakita ang mga pics ni K dun sa cp ko, parang gulat na gulat siya sa mga nakita niya eh puro solen shots lang naman yun ano kayang nakakagulat dun? pero di ko na lang pinansin yung reaksiyon niya at tinanung ko siya.
"ikaw bhest di ba sabi mo may crush ka rin dito. sino yun?" parang nailang siya sa itinanong ko tapos ang tagal pa niya sumagot baka nahihiya siya sabihin kung sino ang crush niya.
"ah , eh wala yun binibiro lang kita kanina" parang ewan lang yung sagot niya pero dedma na lang din mas gusto ko mag focus sa crush ko super cute kasi talaga siya eh haha
tapos nun nabigla na lang ako ng umalis si hannah sa harap ko at naglakad papunta sa direksyon ni... san nga ba siya papunta. naglakad siya papunta dun sa sulok ng classroom at naglakad na siya pabalik samin na may hila hilang lalaki sa likod niya.
tumigil siya sa harap ko at ipinakilala kami isa isa, hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at ipinagtapat ko na ang nararamdaman ko sa kanya
"kuya crush kita"
sa sinbi kong iyon ewan ko ba kung anung nangyari sa kanila at natahimik silang lahat. bakit may mali ba sa ginawa ko??
hinihintay ko ang sagot niya, akala ko nga hindi na siya magsasalita ang tagal niya kasi sumagot eh,,, tapos biglang bumuka ang bibig niya at lumabas ang mga salitang
"Lakas ng trip mo ah!"
parang napahiya ako sa sinabi niya feeling ko namumutla na ako sa kahihiyan. hindi ako makapagsalita at gusti kong ilubog yung ulo ko sa aking mga leeg dahil sa sobrang nahihiya ako. anu ba naman kasi ang naisip ko at sinabi ko yun sa kanya.
maya maya ay napansin kong umalis na si K sa harapan namin. sinundan ko siya ng tingin, bumalik siya sa upuan niya at kinuha ang gitara niya at nagsimuyla nanamang tumugtog.
buti na lang umalis na siya kasi talagang hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na nandito pa siya. ano kayang iniisip niya sakin dahil sa mga sinabi ko ahhhhh nababaliw na siguro ako bakit ko ba iniisip ang mga bagay na ganito.
natapos na ang klase namin at ready na ako umuwi kasabay ko sila hannah pati si raymond at kelly na parang nasa luneta kung maglambingan. buti pa sila ang saya saya nila naiingit tuloy ako.
"halika nga dito bhest" at hinila ko si hannah palapit sakin at nilagay ko ang isa kong kamay sa may bewang niya at ang isa pa ay nagholding hands sa isa niyang kamay.
"ikaw na lang lalambingin ko hehe"
"uy anu natomboy ka na? itigil mo nga yan " inis na sabi nito pero hindi ko siya tinigilan at aakto na ako na hahalikan siya ng bigla siyang tumigil sa paglalakad. tinignan ko siya at nakatingin ito sa harap namin kaya naman tiningnan ko rin ang tinitingnan niya.