Of All Things
Tinanghali na naman ako, tiyak na magagalit na naman sa'kin si Madam Principal. Dali-dali kong pinatong ang mga gamit ko sa mesa ko at napansin kong may bagong mesa na malapit sa pwesto ko na dati naman ay wala. Naku! May bagong guro na naman siguro at mahahalatang Science Teacher iyon. Bago pa ko mahuli sa klase ko ay nagmadali na rin akong lumabas sa faculty room papunta sa building B kung saan ang room ng klase ko ngayong umaga.
“ Magandang Umaga po Binibining Adi.“ masiglang pagbati sakin ng mga mag-aaral na nakakasalubong ko habang umaakyat ako sa hagdan papuntang second floor.
"Magandang Umaga rin. Pumasok na kayo sa mga classroom niyo at kapag nahuli pa kayo ni Madam Principal ay naku kayo! Lagot kayo dun." may halong pananakot at birong sabi ko sa mga ito kaya dali-dali na rin silang nagsipuntahan sa kani-kanilang classroom.
Nang makarating ako sa Room 101, agad na tumahimik ang mga mag-aaral at inayos ang magugulong mga upuan. Mataray mode on. Char! Shempre mabait naman akong tao kaya sila sumusunod sa patakaran ko sa loob ng classroom. Class adviser din kasi nila ako kaya no choice sila.
"Magandang Umaga sa inyong lahat!" pagbati ko sa kanila at sila namang lahat ay tumayo para batiin rin ako.
"Maam Adi, nakita niyo po ba yung bagong teacher?“ tanong sakin ng estudyante kong si Avianna.
Umiling ako bilang sagot. Naisip ko na lang na pogi siguro ang bagong teacher na yun kaya kilala agad ito ng mga estudyante. Nevermind na lang. Nagsimula ang klase, napakahabang diskasyon at natapos rin naman sa loob ng isang oras.
"Paalam po, Binibining Adi! Sa susunod na araw muli.“ pamamaalam ng mga ito. Lumabas na rin ako agad sa classroom nila at naglakad naman papunta sa susunod kong klase.
"Magandang Umaga, Binibining Adi!" pagbati sakin ng kapwa ko guro dito sa eskwelahan. Binati ko rin sya pabalik at dumeretso na ko sa sunod kong klase.
Agad na bumati ang mga estudyante sakin nang makapasok ako sa classroom. Nagsimula ang klase nang maayos.
"Maam Adi. Sino po ang Cupid niyo?" tanong ng estudyante ko sakin. Echoserang bata to ah!
"Hindi pa bumabalik eh." nasabi ko na lang sa malungkot na tono. Napaaww naman ang iba at napahawak pa sa bandang puso nila. Parang mga ewan talaga ang mga batang to.
"Baka naman po naghihintayan lang kayong dalawa, Maam?" banat pa ng isa. Banatan ko kaya to ng isa? Hmp!
" Ay Maam, sorry po! Pasmado lang." nakapeace sign pa ang luko. Ay naku! Bat kasi si Cupid at Psyche ang topic ko ngayon? Panira.
"Maam magkatulad po kayo ni Sir Aiden. Hinintay nya ding bumalik yung girl sa kanya." Abat chinismis pa sakin yun! Pero sino yung Aiden na yun? Imposible namang siya yun! Nagm-Med yun ngayon at hindi pa naman siya tapos.
Erase. Erase. Erase.
Ibang Aiden ang nandito sa school. Baka matandang hukluban na yun. At ayun nga, natapos ang klase nang matiwasay at nagulo naman ang puso ko. Hoping na siya nga yun kahit imposible. Ang dami kong kasalanan sa kanya eh.
Break time na. Dumeretso ako sa faculty room at tila nagbago ang nasa paligid ko nang makita kong si Aiden nga yung bagong teacher na pinag uusapan ng mga estudyante. Ewan ko ba! Sa kwento lang nangyayare ang ganito eh pero bumagal talaga ang ikot ng mundo namin nang magkatinginan kami at ngumiti sya sakin na para bang ayos ang lahat saming dalawa.
Bawat segundo, minuto, oras at araw, siya lang naman ang iniisip ko -kapakanan nya lang. Lumapit sya sakin at tumayo lang sa harap ko.
"Maam, bumalik na ko. Ikaw ba? Babalik ka na rin ba sakin?”
• Melancholicinnight •
Read, imagine and enjoy.
BINABASA MO ANG
Safe Space
RandomMas mabuti na yung ganitong magkalayo tayo, kaysa masaktan kita at masaktan mo ko. Isasakripisyo na lang ang sariling kaligayahan kaysa makapanakit ng maraming tao. Ang kwento nating nagsimula man nang masaya at natapos nang pareho tayong nasaktan...