Simula

0 0 0
                                    


    Maingay ang aking itim na stilletos laban sa marmol na sahig paakyat sa aking opisina, at aking paboritong terno ng coat and slacks na kulay white na may panloob na black spaghetti strap ay bagay na bagay sa isa't isa. Sakay ng elevator at aninag ang sarili sa repleksyon ng dingding ng elevator tinanggal ko ang aking itim na shades. Nagugustuhan ang nakikita, napangiti ako.

    Maganda ang mood ko ngayon dahil ngayon darating ang matalik kong kaibigan na higit tatlong taon ko ng hindi nakikita galing sa States.

   Paglabas ko sa elevator, bumati ang aming receptionist na si Allie, mahaba ang itim na buhok, balingkinitan ang katawan, at may palakaibigan na ngiti.

   "Good morning Ma'am Lily." sabay panlalaki ng mata sa dala kong white Prada bag. Binigyan ko lang sya ng pilyang ngiti sabay angat ko pa ng aking bag para lalo syang maglaway. Mahilig din kasi si Allie sa mga magaganda at mamahaling bag katulad ko.

   Nilagpasan ko na sya at binaybay ang hallway na may puting dingding at puro salamin na bintana patungo sa aking opisina. Tanaw mo ang kalakhang maynila sa aming bintana, ang abalang syudad ng Makati na kung saan halos lahat ng tao sa baba ay nagmamadali dahil mabilis ang oras dito, bawat minuto may bilang at halaga kaya hindi maaring natutulog ka lang sa pansitan kundi ay mapagiiwanan ka.

   Bago ko pa marating ang silid ng aking opisina ay sinalubong na ako ng aking sekretarya na si Cathy,
"Good morning po Ma'am!!! Nakaready na po ang Coffee mo Ma'am!"

"Good morning, and please prepare my schedule for today, I want to finished all of my appointments early so I could meet my friend later".

"Yes Ma'am!!!!" ang malaking nyang ngiti at mataas na energy level ay kailan man hindi ko mapantayan.

   Si Cathy ay masipag at very effective na sekretarya ko dalawang taon na sya sakin at wala naman ako naging problema sakanya at kabisado na rin nya ang ugali ko. Masyadong masayahin ang kanyang disposisyon na hindi mo aakalain na maraming dinadalang problema.

   Pagpasok sa aking opisina hinubad ko ang aking coat at sinampay sa likod ng aking swivel chair. Mabuti narin at nabuksan na ni Cathy ang aircon ng opisina at bukas narin ang blinds ng bintana, nasa gilid ng aking malaking mahogany polished table ang aking mainit na kape tulad ng aking gusto.

   "Your schedule for today Ma'am 9am with the board members, 10:30am sa Finance dept. And 12-2pm po ang eat out lunch meeting nyo with the new investor. And that's it!!!" si Cathy habang tingin tingin sa kanyang clip board at kahit nakatayo lang sya pakiramdam ko tumatalbog sya sa kanyang pwesto.

" Alright. Thank you Cath. I'll inform you if we're ready to go for the first meeting. " sagot ko habang abala na ang aking daliri at mata sa aking computer.

   "Copy mam!!" maligaya nyang sagot sabay labas ng aking opisina.

  Ang aking opisina ay medyo malawak, sa kaliwang bahagi ng aking mesa ang pinto, at sa kanan na bahagi naman ang salamin na dingding, sa malayong harap naman ang couch area na may coffee table sa gitna na gawa rin sa salamin, sa malayong dingding na may family picture namin nung panahon na masaya at maayos pa ang lahat. Ngunit agad kong winaglit sa aking isipan ang nagbabadyang kalungkutan. May sarili rin akong comfort room sa aking opisina at may maliit na pantry area sa dulong bahagi na may coffee machine at konting snacks.

   Habang nagbabasa ako ng mga emails ay may nadaanan ako na isang email from a unfamiliar sender, and when I opened it yun pala ang investor na imemeet ko later,confirming our lunch meeting.

   Sinimulan ko na ang aking araw dahil excited na ko sa lakad ko mamaya after all the meetings.

   And then on our way back to my office after our meeting with the Finance dept. Nakasunod si Cathy sa akin dala ang aking laptop, and mga documents na need isign.

" I'll be ready after 10 mins, so we can proceed with our lunch meeting.", bilin ko kay Cathy.

"Copy mam!!"

   I left her to her table and enter my office, I sat down on my swivel chair and tried to retouched yung make-up ko. After that, I opened my social media to check my notifications, ang daming friend request ng mga classmates ko nung college and ng ibang kaibigan ko sa ancestral house namin sa Batangas.

And then may biglang lumabas sa news feed ko na hindi ko inaasahan, nagpost ang isang kaibigan ko sa Batangas ng isang picture kasama ang mga ibang kaibigan pa namin, ang nakapagpaluwa ng mata ko ay ang makita si Louie Dela Cuevas ang katawan nyang dati ng matipuno ay lalo pang nag-mature, ang balat nya ay nag-tanned ng konti, at mukha ay lalo lang kumisig, makakapal na kilay, matitigas at hulmadong panga, labi na mapupula at manipis, at ang mga mata nya na mapupungay na may halong kulay abo dahil sa lahi ng kanyang ama na Brazilian na napapaligiran ng makapal na pilikmata na kapag ikaw ang tinignan nya ay parang mawawala ka sa iyong wisyo at wala ka ng ibang makikita kundi sya lamang.

"F*cking sh*t!!!" bulong ko sa sarili at biglang binaba ang cellphone.

  Bumilis ang tibok ng aking puso at nakaramdam ako ng pamamawis sa kamay, noo at ibabaw ng aking labi. At pakiramdam ko nanginginig ang mga kamay ko. Huminga ako ng malalim, at pinilit na ikalma ang sarili. Tumigil ka nga!!! Matagal na panahon na yun! Nakamove on na ang lahat ikaw na lang ata ang hindi!! Hindi na bale at imposible naman kami magkita dito sa Maynila at nandun sya sa Batangas, unless pupunta ako which is hindi ko gagawin! Oo! Hindi ko gagawin!! Parang may bumubulong sa tenga ko ng "Bakit naman hindi?" Ah, basta! Hindi! Pag-aalo ko sa sarili.

  Kahit hindi pa gaano nakakarecover ang puso ko sa nangyari kanina lang pinilit ko tumayo at ihanda ang sarili sa aking lunch meeting. Kalimutan na ang nangyari, yan na aking mantra hanggang sa umabot kami sa resto kung saan ang scheduled meeting ko.
Let me get through this day, please!

"God help me." bulong ko sa aking sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon