1

1K 60 7
                                    

Coleen's POV


"Nasan na ba si ate Lara? Kanina pa tayo nag iintay dito oh!" inis na tanong sakin ni Amy ang best friend ko. Kanina pa kasi namin hinihintay si ate Lara dahil may pasok kami ngayon at siya lang ang marunong saming mag drive hayss.


"What the heck!!!" Sigaw ko ng makita ko ang IG story ni ate Lara. "Ano bang sinisigaw sigaw mo Jan?" tanong ni Amy. Ipinakita ko dito Ang IG story ni ate Lara. Nasa school na siya?!?

Padabog na tumayo si Amy mula sa kaniyang kinauupuan. "Tara na Coco ma l-late na tayo! makakatikim talaga sakin yang si ate Lara." "Akalin mo yun siya na nagsabi na sabay sabay tayong pasok tapos ngayon argghh!" dagdag pa nito. "Huminahon ka nga Amanda, nag message na ako kay Mommy siya na daw mag hahatid satin, Tara na." nakasimangot na sabi ko at tumayo.

--

Nandito na kami tapat ng University at hanap hanap ng mga mata namin si ate Lara. Sinenyasan ako ni Mommy na aalis na siya, kaya nama'y tumakbo ako papunta dito para yumakap at magpaalam.


"Tara dumaretso na tayo sa room doon na natin abangan si ate Lara, hindi siya makakauwi hanggat wala siyang bukol sa ulo." inis na sabi pa nito at hinawakan ako sa braso at hinila.

Naka pasok na kami sa room buti na lang at wala pa si Sir. Dahil kung nauna siya samin paniguradong mananagot kami dito, ayaw pa naman niya sa mga laging na l-late pero siya mismo 'tong laging late HAHAHAHAHA hay buhay parang life.

                        Lara's POV

Nag lalakad na ako papunta sa room namin kasama ko ang mga bebe ko si Nile at si Jem, emz HAHAHAHAHAHA
mga kaibigan ko sila. Habang nag lalakad ako ay para bang may naiwan ako sa bahay na pinangakuan ko na sabay sabay kami pasok ngayon.

"Anak ka ng garlic tinapa!" sigaw ko ng pumasok sa isip ko sina Amy at Coleen. "Paktay tayo jan." dagdag ko pa "Nakakagulat ka naman ate Lang, may nag kaklase na sa mga room na dinadaan natin oh." bulong sakin ni Nile. "bala nga kayo Jan mauuna na ako baka ma guidance pa tayo eh bye, kita kits na lang sa room haha." hirit pa nito sabay tumakbo papuntang room. Tumingin naman ako kay Jem. Tumingin din ito sakin, she raised her eyebrow and smile at me ta's biglang takbo.

"See you later Lara haha byeee" pagmamadali nito. Sabi na't may balak 'tong tumakbo eh ang bilis kasing maniwala sa mga sinasabi ni Nile na kesyo ma g-guidance daw haha hay nako. Wala bang taong mag stay sakin lagi na lang akong iniiwan. Ay! ako pala yung unang nang iwan ksksksks.

Nasa pintoan na ako ng room namin at kitang kita ko na sina Amy at Coleen na nakatingin sakin at magkasalubong ang dalawang kilay, huhu Lord guide me.

--

                     Amy's POV

Nandidilim ang paningin ko ng makita ko si ate Lara mukang handa na ang kamao ko na lumapat sa mukha niya ah. Akmang tatayo na ako upang puntahan si ate Lara sa kinauupuan niya na malayo samin ng pigilan ako ni Coleen. "Relax ka lang wag mong pangunahan yang galit mo sige ka papangit ka niya" pag papakalma nito sakin. "Okay okay ngayon lang to ah wag mo akong pipigilan mamaya." saad ko dito. Pinakalma ko muna ang sarili ko habang minamasahe ni Coleen ang kamay ko, alam na alam niya talaga kung pano ako pakalmahin.

Ilang minuto pa ay dumating na si Sir. At mukang may importanteng sasabihin.

"Okay class sorry I'm late, inasikaso ko lang yung mga papel nung mga transferee. Mamaya dadating na din sila, wag niyong ipakita yang mga ugali niyo ah mahiya hiya naman kayo!" pagpapaliwag nito. At umupo na sa upuan niya para mag check ng attendance.

"Isa pa 'to si Sir. eh kakaltokan ko na to dinadamay pa tayo sa mga imma dito sa room natin hays" inis na sabi kay Coleen. Napatawa na lang ito sa sinabi ko, isa pa 'tong Cocolangot na 'to kakaltuknan ko kayong lahat eh.

--

                   Coleen's POV


Makalipas ang ilang minuto may kumatok sa pintoan ng room namin, sila na siguro yung sinasabi ni Sir. na mga transferee. Tumayo si Sir. At kinausap sila saglit at pinapasok na.

"Hoy! titig na titig ka din sa isa ah lakas ng tama mo, straight ka diba?" bulong sakin ni Amy sabay tawa. Kala mo naman may nakakatuwa sa sinabi niya siraulo talaga mga kaibigan ko. "Oo straight ako mas straight pa ako sa buhok mo!" sagot ko dito, di at nito alam na ang dami kong manliligaw sa Ganda ko ba namang to hays.

"Baka hindi mo alam itong buhok ko may kulot sa dulo HAHAHAHA ano ano" pang aasar nito sakin.

Sasagutin ko sana 'to ng biglang tinawag kami ni Sir. "Ms. Trinidad at Ms. Isidto anong pinag bubulungan niyo Jan, gusto niyo bang mag linis ng buong campus?" Sigaw nito saamin. Ano ba yan nakakahiya nakatingin pa samin yung mga transferee. "Sorry po Sir. dina po mauulit." sabay naming sabi ni Amy. Bago ko to hampasin sa braso. Tumahik na kami para naman marinig namin Ang pag papakila ng mga ito.

"Hi my name is Jaydee Garcia. Uhm wag kayo mag alala mabait ako at madali ako pakisamahan." naka ngiti ito habang pinapakilala niya ang sarili.

"Grabi naman makangiti yan kala mo walang bukas eh tsk." bulong ulit sakin ni Amy. Ito talagang babaeng to may regla kaba?! Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya.

"Francese Therese Garcia" "call me Frances na lang mas sanay ako dun. Ahm yes Jaydee is my sister." pag papakila nito sa sarili. Akalin mo yun mag kapatid sila akala ko mag jowa eh baka masakal ko pa si Amanda haha joke only.

"Brei Binuya." Ang cold naman nito introvert siguro, hmm siguradong mag kakasundo kami nito.

Matapos nilang mag pakilala ay kaniya kaniya na silang umupo. Omg dito pa talaga sa harap namin. Nasa tapat ng upuan ko umupo si Frances, dafaaa baka hindi ako makapag salita pag kinausap ako nito. Tsk asa ka naman na kakausapin ka niya mukang mataray eh.

--

Hello, LoveWhere stories live. Discover now