16

300 39 7
                                    

Ilang araw na ang nakalipas.... anong araw na ba ngayon puro na lang ako kain, tulog yun na lang ang ginagawa ko sa araw araw, na miss kona yung dati na puro kami gala yung masaya lang kami puro asaran.

Pero mukang hindi na ulit mangyayari yon.

                      Coleen's POV

Good morning, Love.

Love, gigising kapa ba?haha

Hmmmm... magkita na lang tayo mamaya ah, love you.

Hawak ko ang phone ko at tinawagan ko ang no. ng love ko miss kona kasi siya.

"Hello ate?? Papunta na ako jan ah bantayan mo yung love ko, okay?"
agad kong tinawagan si ate Brei dinalaw niya kasi ang puntod ni Frances.

"Oo naman, bilisan mo ah."

Bumaba na agad ako para tingnan kung anong ulam ang nakahanda sa mesa.

Naabutan ko si Amy na nakatingin sakin habang pababa ako ng hagdan problema nito.

"Ba't ngiting ngiti ka? ano bang nakain mo?" panimula ko nang makalapit ako sa kanya.

"Wala, umupo kana dito pupunta ka pa kay Frances."

--

Tulad ng dati mamamasahe na naman ako diko kasi ako marunong mag drive ugh.

Bago ako pumunta sa sementeryo dinaanan ko muna syempre yung favorite place ng love ko.

"Sino ba 'tong pasunod sunod sakin." bulong ko sa sarili ko habang nililingon ko ang aking likodan.

Nag tago ako sa isang tabi at hinintay kong lumabas kung sino ba yung sumusunod sakin. Anak ka ng tita ABELAINE Jusko.

Lumabas na ako sa pinag tataguan ko at sinenyasahan ko ito na lumabas na din. Kahit kailan talaga tong si Gabb ayaw ako tantanan.

"Hi haha" kabadong sabi nito at hindi makatingin ng maayos sakin.

"Ba't mo ba ako sinusundan? gosh!"

"Sabi ni Frances eh.... ay este uhmm ano may tatanong lang hehe.."

"Krazy Gabo, pwede mo namang i-text na lang sakin hindi yung susundan mo pa ako." inis na sabi ko dito, kumulo ng slight yung dugo ko sa kanya ah.

Hinayaan ko na lang ito at umalis na ako makalayo lang sa kanya. Kung yung itanong sana niya eh kung kailan koba ng ride aba shurrr y norttt diba.

Hinawakan ako ni Gabb sa braso kaya napatigil na lang ako sa pag lalakad muntik pa nga ako matumba eh.

"Sandali kase! san kaba pupunta? sasama ako" hawak parin niya ang braso ko.

"Hindi ko kailangan ng kasama dahil nandon naman si ate Brei."

Tinalikuran ko ito at akmang aalis sana nang biglang niya akong hilahin muli sa braso. Wag naman sana niya hatakin ng sobra wala na mahahatak si Amy nito eh.

"Sandali ano ba!!" sigaw nito sakin sabay bitaw sa pag kakahawak niya sa braso ko.

"Ano ba? Gusto mo suntukin kita?" hamon ko dito, nagulat na lamang ako sa sagot niya.

"Okay, here oh take your best shot."
matapang na sabi ni Gabb may kasamang ngiti pa.

Ah ganon ah sinikmuraan ko ito at halos tumulo na ang luha niya, ay mukang napalakas ata baka ma headlock ako ni ate Sela nito.

"tinotoo mo talaga?!" napaubo na lamang siya sa sakit ng suntok ko.

"Sabi mo eh haha" sagot ko dito habang nakataas ang isang kilay.

--

                      Gabb's POV

Napaka mapanakit talaga nitong babae na to, kala ko okay na kami eh akala ko lang siguro.

Malayo layo na ang nalakad ni Coleen at sa isang pang pag kakataon tinawag ko ulit ito. Hindi ko inaasahang titigil siya sa pag lalakad niya at nilingon ako.

Agad akong lumapit dito at hinawakan ko ang mga kamay niya gulat naman itong napatingin sakin.

"i like you, Coleen." mahina Kong tugon, agad naman siyang bumitaw sa mga hawak ko.

"I know, Gabb. I know." agad naman akong umatras papalayo sa kanya dahil nang tingnan ko ito sa mga mata iba ang sinasabi nito.

"Hindi, hindi mo naiintindihan Coleen."

"Of course Gabb, I understand."

"I like you too..." Napatulala ako sa sinabi ni Coleen.

haha s-she likes me???

"Y-you l-like me?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"I like y-you." sagot nito. Hindi ako naniniwala sa kanya alam kong mahal na mahal niya si Frances.

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at bigla siyang umiwas ng tingin haha.

"as a friend. right?" nanginig na lang ako pagkatapos kong sabihin iyon dahil baka hindi ko magustuhan Ang sagot niya.

"Yeah, right..." para bang gumuho ang mundo sa sagot niya, tanggap ko naman pero.... bakit....

Nginitian ko ito at tumalikod ayokong makita niya na umiiyak ako. Tumakbo ako papalayo sa kanya hindi man lang niya ako pinigilan.

Biglang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Bakit pa kasi ako umaasa kung wala naman palang pag-asa?

She likes me...as a friend HAHAHAHAHAHA

A/N: */kinagat yung lamok

Hello, LoveWhere stories live. Discover now