Kath's POV
"Saan ba kasi dito yun?"
Mali pa ata yung sinabi saken dun sa information area.
Nilibot ko nang tingin tong buong school. Infairness, maganda siya. Highclass. Hindi na masama. Pero di ko type. Bakit pa kasi kailangan kong mag-transfer dito?
Hinanap ko na ulit kung saan akong room kaso may lalaking bumangga saken. Nakakabanas lang! Ang yabang!
"Ano ba?! Sa susunod nga tumingin ka na sa dinadaanan mo!"
WHAT THE HELL?! Tumayo ako at hinarap siya.
"Wow naman Kuya! Hindi ko na kasalanan kung duling ka at di mo ako nakita. Panira ng araw!" kumunot yung noo niya at mas lumapit pa saken.
"Hindi mo ba ako nakikilala?"
"As far as I know, hindi pa ako nagkaka-amnesia at wala akong balak na makilala ka! Tabi nga!" sabay tulak ko sa kanya.
"Aba't! Hoy! Bumalik ka dito!" sigaw niya. Binilisan ko yung lakad ko at nagpunta dun sa may hallway kung saan madaming tao.
BWISET! Ang lalaki talaga ng mga ulo ng tao dito. Puro hangin lang naman ang laman.
"Argh! Badtrip!" padabog akong naglakad. Kaso may nakita akong nakatingin sa akin na lalaki kaya tumigil ako at tiningnan siya ng pagka-sama sama.