Unexpected Love

12 0 0
                                    

Hello I'm Charlie Concepcion. 4th Year student. Seeking revenge to my ex and I badly wanna show him that leaving me is a bad idea. Kung babalik man siya, kahit iyakan niya pa ako. Bahala na siya sa buhay niya. As long as I was able to have my Revenge. I'm gonna be happy.

Before I started my revenge, I used a guy named Chad De Guzman. Siyempre gwapo, alangan namang isasagawa ko ang plano ko sa isang pangit? Kung ganun  rin naman  masyadong halata. And then I was lucky that he accepted it At bago naming sinimulan. We had one important rule and that was.. "Never fall inlove with one another"

-------------------------------------------------------------------------------------------

"I hate him! I hate him for EVERYTHING!" Sigaw ko habang kinakausap ko ang BFF ko na si Sunny.

"So? Ganyan ka na lang? Magdadrama nanaman. Tapos iiyakan mo nanaman siya? Cha, tandaan mo! He's not worth your tears!" Sermon sakin ni Sunny.

"Hinde ko na kaya. I want to be happy" Sabi ko habang umiiyak.

"You want to be happy?" May kakilala akong makakatulong sa'yo" Seryosong sagot sakin ni Sunny.

"Sino?" Tanong ko. At sawakas tumigil na rin ang luha ko sa pag-agos.

"Siyempre, walang  iba kundi si Chad" Simple tugon niya saakin.

Did I heard it right? Chad? Baka ibang tao na kaparehas lang ng pangalan. That would be impossible.

"WHAT?! You talking 'bout Chad De Guzman? or what?" Tanong ko. Gusto kong  siguraduhin.

"Yep, no other than Chad De Guzman" Aniya

Lumaki ang mata ko, and so, I was right. It really was Chad De Guzman. Now I have the chance to seek my perfect revenge.

"Perfect, yan ang gusto ko sayo. Good picker" Sabi ko with matching smile.

"Aba siyempre, ako pa. Basta para sayo, Cha" Sagot niya naman with matching wink.

"Kelan kami mag-uusap?" Tanong ko sakanya.

"Kung gusto mo, bukas?  o mamaya?" Tanong niya.

"Mamaya, kung pwede?" Tugon ko sakanya.

"Sure, I'll text you later when and where" Sabi  niya bago umalis.

Finally! After how many classes makakauwi na ako. Timing rin naman ang pagtext sakin ni Sunny na ngayon na raw kami magkikita sa may Canteen.

Nakita ko si Chad sa kung san kami magkikita ngayon. Galing talaga ni Sunny.

"Hi Chad De Guzman, I'm Charlie Concepcion" Sabi ko nung nakarating na ako kung saan siya nakaupo.

"Nice to meet you Charlie Concepcion, I heard from Sunny that you need help" Seryoso niyang sagot sakin.

Sasabihin ko na sana ang pakay ko nang biglang..

"And the help you needed is seeking Revenge on your ex?" Sabi niya.

"Yep, Can you help?" Paninigurado ko.

Ang galing talaga ng BFF ko sa mga detalye. Kompletong kompleto

"Sure, why not?" Aniya.

"Thanks" Simple kong sagot.

"But we have to agree on 1 thing" Sabi niya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon