I am Aphaea, people who are close to me call me "aeyang". I am a college student and today is our first day of classes.
History. Ugh, i hate history. I sat at the back of the room, puno na kasi yung upuan sa harap. Nilabas ko yung libro ko, i'll read nalang muna since wala pa naman yung professor namin.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nung may umupo one seat apart sa inuupuan ko. Wala naman akong pake, i'll mind my own business and read my book. Pero sinusubok talaga ako ng tao sa paligid ko. I can take the chit chats going around the room, kaso yung tumabi sakin bigla nanood ng video sa youtube in full volume. Like, hello? Uso kaya ang earphones diba? I looked at the person beside me annoyingly. Of course, he ain't looking at me.
Great. I don't wanna read anymore. Syempre hindi naman ganon kalakas loob ko para sitahin sya diba? Pero wow naman talaga ha, hindi marunong makiramdam.
Nilabas ko nalang yung cellphone ko. I'll check my messages nalang to see what's up with my friends. I am a transferee din kasi, that's why i'm a loner rin here in my current university.
Nag-aaya sila ng gala. Kaso ang layo ko naman sa kanila. Sa manila ako nag-aaral, sila sa valenzuela. Hindi din tugma mga schedules namin. So, gagala nanaman sila without me. Sad, but that's life.
Dumating na din yung professor namin. Konti lang pala kami. Pinalipat nya kami sa harapan i mean pina-occupy nya yung mga bakanteng upuan sa mga harap namin.
Great, hindi na ako sa likod. From the fifth row napunta ako sa third row.
Hindi ko napansin na nahulog ko pala yung panyo ko while i was transferring seats. I only noticed it nung may kumalabit sakin.
"Ate" he said. Ito yung youtube guy na maingay. "Nahulog mo yung panyo mo" ayan na nga. I smiled and of course i said thanks. He was annoying, pero syempre hindi naman ako ganon ka rude.
Our professor continued to talk na. But since it's our first day, nag introduction lang sya then inexplain lang nya yung grading system sa subject nya.
Supposedly, three hours ang class namin sa kanya. But since, like i said, it's the first day of our class, 30 minutes lang dismissal na.
I got up and pupunta nalang ako sa library. Vacant ko na e. Doon lang din alam kong tatambayan, since bago lang naman ako dito sa school na 'to. Wala pa din akong kilala. Kaya magbabasa nalang ako dun. Before ako pumasok sa library, nag wash room muna ako. Since, meron naman sa harap ng library mismo. Nag retouch lang ganon. After ko mag-ayos pumasok na ako sa library. Common area is too noisy for me also mainit. So, pumasok ako sa quiet area. May nakita akong solo cubicle. Perfect! Tahimik tapos solo ko yung table, walang katabi or I won't need to worry sa kung sino man since it's a solo cubicle nga. I'm on my way there when suddenly the annoying 'youtube' guy call my attention. Damn, gusto kong umiwas kaso nakangiti na sya, like wtf? As far as i remember hindi naman kami close? So i smiled back nalang, but i felt anxious right after, kasi nagsalita sya!
"Hi! Classmate tayo sa history diba? Dito ka nalang!"
Nag panic ako. Syempre, i don't know him personally naman. But i'm too shy to refuse. I don't like him for annoying me earlier but of course he doesn't know that and I don't have the courage to tell him din.
"Ah sige." I awkwardly answered.
DAMN. What now?
"Siguro nagtataka ka kung sino ako 'no?"
He smiled.
"Ah, hindi naman. I remember you."
VERY WELL.
"Not by name nga lang."
I added.
"Nice, haha ako yung nag-balik sayo nung panyo mo nung nahulog eh."
"Ah oo, i remember din"
AWKWARD. Hindi ko alam sasabihin ko. I'm not that social din naman!
"So anong pangalan mo?"
He asked
"Ah, Aeya. Ako si Aeya. Ikaw ba? Anong pangalan mo?
Ang lamig ng paligid pero nararamdaman ko na pinagpapawisan ako. Bagal ng oras!
"Hulaan mo. Haha! Common naman yung name ko kaya for sure mahuhulaan mo."
Edi wow! Nagpahula pa nga!
"Ah, eh. Hindi ko din alam."
Sabi ko. Duh? Ako nagsabi agad tapos sya may pa-ganyan pa?
"Try mo lang, dali na!"
He sound.. excited? Luh, feeling close talaga!
"Uh, patrick? john? franco? emman? benjamin? What? Ano pangalan mo? May tumama ba?"
Sunod-sunod na sabi ko. Syempre derechahan na. Kung walang tumama dyan, siguro salamat nalang sa lahat.
Napalingon ako sa kanya, tumawa pala sya. Bakit sya tumawa? Anong nakakatawa?
"Grabe! Ang bilis mo magsalita! Sa dinami din ng nabanggit mo wala din tumama!"
Uh? Okay? Natural walang tatama kasi di ko naman sya kilala?
"Sabihin mo nalang kasi"
Napatigil sya. Oof. I sound annoyed na pala. Napatingin nalang ako sa kamay ko.
"Uy pikon sya!"
Tumatawa nya ulit na sabi.
Sinundot nya yung tagiliran ko. Syempre nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya.
"Grayson. Grayson pangalan ko. Nice to meet you Aeya!"
He smiled. Sa sobrang inis ko, hindi ko sya masyado napansin, kaya ngayon ko lang narealize na ang ganda pala ng ngiti nya.
"Una na muna ako ha? See you in class? See you around? May quiz bee kasi ako later, mag-rereview lang muna kami ng mga kasama ko."
Paliwanag nya. Quiz bee? Aba matalino.
"Ah sige, goodluck!"
Sabi ko nalang. I watched him as he go out sa quiet room. Ang laki ng katawan nya, at ang tangkad. Siguro mga 6 footer.
Nagulat ako when he turned around and waved. I smiled. Ang ganda ng ngiti nya. Singkit yung mata, matangos yung ilong. Gwapo din naman pala. Hindi ko lang masyafo na observe kanina kasi nasa isip ko lang na, he was this annoying guy who watched youtube in full volume while i was reading.
Hours passed. Yes! Uwian na. It's been a long day. Can't wait to finally go home!