Simula

15 0 0
                                    

__________________________________________________________________________________

NOTE: All the names, scenes and events in this short story is purely fictional. Any resemblance to true person or events are coincidental. Please, don’t publish this work in any website as your own. It’s plagiarism. If you want to publish this, be sure to inform the writer and put the credits. THANK YOU.

__________________________________________________________________________________

"Kaya ko to, AjaAja, Fighting"

sambit ko habang ako'y naglalakad papasok sa aking eskwelahan. Akala ng mga iba nababaliw na ako, yung iba naman sinasabi na baka may performance kami at kinakabahan ako.Well, oo kinakabahan ako di dahil sa performance dahil sa isang program na kailangan naming salihan.

Ang "Science Camp-School Base". 4 days na camp ito pero yung first two days hindi pa kami matutulog sa school parang activities lang kumbaga. Kung tutuusin di dapat ako kabahan sapagkat ako'y isang errr- NERD. Ako yung isa sa mga candidate sa pagiging valedictorian sa school namin. Dapat nasisiyahan ako pero dahil sa nangyari last last year  palagi na lang ako kinakabahan sa Camp na ito. Madami kasing naiinis o nagalit dati sa akin dahil masyado daw akong nagmamarunong pero di naman ako ganun. 

May contest nun yung parang amazing race, nang sinabi kasi nung isang kasama namin sa group na mag-discuss daw ako so ako naman nagdiscuss. Nang patapos na ko biglang tumunog yung speaker na may nanalo na daw. Sabay sabay na nagtinginan ang mga kagroup namin sa akin. Ako yung sinisisi nila dahil kung di daw sa pagdidiscuss ko may tsansa pa na manalo kami. Tapos last year groupings ulit yung ibang nakagroup ko last last year kagroup ko ulit, yung laro naman is yung "Guess the Process" ito yung laro na sasabihin nung host yung ginagawa sa process tsaka ikaw sasagutin mo kung ano yung process na yun basta yun. HAHAHA. Natalo kami at ako na naman ang sinisi bakit? Hindi daw ako nagsasalita kahit alam ko daw. Ako na naman? Nagsasalita ako pero sa tuwing sasabihin ko yung sagot tinitignan ako ng Queen Bee ng school namin. Siya din pala yung nagsabi na magdiscuss ako. Pangalan niya? Loisa. Hindi ko napansin na nasa loob  na pala ako ng aming open gym na kung saan gaganapin yung program. Nakita ko ang mga classmates kong sipsip na nasa tabi ng mga teachers namin para mas mataas ang makuha nilang marka. Tssssssk. And oh? Did I already mention na si Queen Bee ay isang sa kalaban ko sa pagiging Valedictorian? Buti pa siya Beauty and Brains ako Brains lang. HAHAHA. Actually di lang siya ang Beauty and Brains sa honor roll kundi halos lahat ako lang ang Brains. HAHAHA. 

"Good Morning Ms. V" bati ni Sir Rex. Isa siya sa mga kaclose kong teacher actually isa siyang bading. 

"Ms.V? Ms. Virgin?" tanong ko nang mahina kay sir. 

"Ay naku. V stands for Valedictorian. HAHAHA. Pero bet ko yun." sabi niya sabay abot nung blue na card. Yung ang binibigay sa mga participants para malaman nila kung saang group sila nabibilang. So it means I belongs to the BLUE TEAM. Hay. Ano na naman kaya ang pakulo nila ngayong year? 

Winagayway ko ang aking card para malaman kung sino ang aking mga makakasama. Nabigla ako nang bigla akong natumba dahil sa isang tulak. 

"Arraa--" hindi ko natuloy ang aking dapat sambitin dahil sa nasa harapan ko. Ang aking sinisinta,(HAHAHAHA. CHAR.) Ang aking crush. Oo nerd ako pero tumitibok parin naman ang aking puso. 

"Ayos may ka-team akong matalino" sambit niya sabay ngiti sakin. Tumigil ang mundo ko nang ngumiti siya sa akin at nang kausapin niya ko kanina. Second section siya, popular din siya dito sa school namin dahil di mapagkakaila na gwapo siya, gentleman, at sabihin na nating matalino din siya.Lahat ng babae nagkakandarapa sa kanya. Meant to be kami? Sana? Kasi naman Brian siya ako Brianna. Nabasa ko kasi yung "FIFTEEN DAYS" halos magkaparehas sila ng name at nagkatuluyan sila sana kami din ganun. Hay. Ngayon ko din lang siya nakausap, at ngayon lang din siya sumali sa camp na to. Kasi nung first year kami ayaw niya tapos nung second at third year kami palaging may pinupuntahan sila. 

Mas nadagdagan ang kaba ko dahil sa kanya. Gusto ko siyang kausapin pero nauutal ako. Lumipas ang mga segundo dumami na din kami. Nung nakumpleto na kami pinabunot ulit kami ng isang teacher. Nabunot ko ay isang flower na paper clip. Nang nakabunot na ang lahat sinabi nung teacher ang mga instruction, na kaya kami pinabunot ay para malaman ang groupings namin ulit. Igrogorup kami by three's, maglalaban ang lahat ng by-three's sa group kunwari sa team blue yung lahat ng by three's doon maglalaban tapos kung sinong mananalo lalaban sa lahat ng nanalo na bythree's sa iba't ibang teams yung Orange,Yellow,Red, at Pink Team. Basta yun. HAAHAHAHAHA. So winagayway ko ulit ang aking nabunot nang may tumapik sa likod ko. 

"Uy. Ka-group pala talaga kita" 

"Huh?" tanong ko. Winagayway naman niya yung clip na siyang kaparehas ng akin. 

"Ahh. Hehehehe" sabay pakita ng awkward smile ko. 

"Sino kaya yung isa ano?" tanong niya. 

"Ewan ko"

"Sana naman maganda." pabulong niyang sabi pero nagkunwari ako na hindi ko na lang nadinig yun. Hay. Tanggap ko naman na pangit ako pero masakit din pala na kapag ang crush mo na ang nagsabi. HAHAHAHAHA. Hindi naman niya direct sinabi pero parang ganun na din ang dating nun. 

Ilang segundo din dumating na ang aming dakilang kasama na dapat sana di na lang nagpakita para kami na lang ni Brian ang magkasamang susuungin ang pagsubok HAHAHA CHAR. Busy sa paguusap ang aking mga kasamahan well natupad ang hiling ng kamahalan niyo MAGANDA nga ang naging kasama namin at siya ata ang napapabalitang nalilink kay Brian? Si Ellie ba yun o Elle? Hay ewan ko. Basag si Heart <////////3 

Since busy ang mga kasamahan ko ako na lang ang pumuntang harap para iparegister ang mga pangalan namin ulit. Daming ekek. Daming proseso daming arte. Kaasar. Nagtaka ako ng may binigay na dalawang posas yung isang teacher.

" Ay para sa game yan. Dapat nakaposas kayong tatlo side by side dapat ha?Wag tanga. HAHAHA." sabi niya. Nabasa kasi ata niya yung nagtatakang mukha ko. 

" Ano po ba ang game natin?"

" Amazing race pero isang place per team. Kayong blue team sa English Department kayo maghahanap tapos yung orange sa Math Dept. tapos so on and so fouth. Actually tatlong part para madetermine ang mananalo. Itong araw na to kukunin yung top five tapos bukas na malalaman kung sino ang top 1 sa bawat grupo at sa third day yun yung malalaman kung sino ang panalo sa lahat ng group. Intiders?" 

"Ay ganun po ba sige po salamat po :)"

"Ay teka bat ikaw lang nandito. San mga kasama mo? "

"Ay busy po sa paglalandian ay este nagkakamustahan po pala HEHEHEHE" leche naman kasi napopolute na tuloy isip ko sa dalawang yung. 

Pagdating ko nakaupo na yung dalawa pero hanep naguusap pa din. Lagyan ko kaya ng tape ang bibig nung Ellie.JOKENESS LANG HAHAHA. Inexplain ko na sa kanila yung game at sana naman hindi kami matalo dahil sa paglalandian nila. Itulak ko kaya mamaya si Ellie para matumba siya pero huwag na pala matutumba din kami. HAHAHAHA. Shunga me. SAREYYY. 

Ilang minuto din ang nakalipas nagumpisa na ang laro. Medyo di kami makatakbo ng maayos kasi medyo may sakit daw si Ellie. Bat pa kasi siya pumasok? Kaasar. Ito namang katabi ko todo suporta alalay. Ganito kasi pwesto namin AKO-BRIAN-ELLIE. Nakakainis din kasi tong game na to may paposas posas pang nalalaman yan tuloy  naaasiwa ako sa nakikita ko. Magkaholding hands kasi yung dalawa. PDA maprincipal sana kayo. HAHAHA I'm obviously jealous. 

Natapos namin yung game ng maayos at guess what namatay si Ellie HAHAHA. Char lang. Pasok kami sa next round. Kahit na ang arte ng isa naming kasama. Nyeta. Ang sarap talagang itapon sa kanal o di kaya patidin, pero wag na pala tutulungan nga pala siya ni Prince Brian at yung pa ang dahilan ng kamatayan ko. Sorry O.A. much. 

Three Days For Him To Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon