SUNOO POV.
good morning. Btw I'm Kim Sunoo 18 years old, maganda ganda ngayon ang araw ko kasi nalaman ko na naka pasa ako bilang scholar sa UST manila. The best opportunity to sakin. Lalo akong nilakasan ng loob na ituloy lahat ng pangarap ko. Oo tama pag kakabasa niyo isa akong scholar. Di ko naman kaya mag bayad ng pang tuition don! Hindi namin kaya yun haha. Buti na lang at sinubukan ko mag exam bilang isang scholar don. Matataas din naman mga grado ko. Valedictorian din naman ako.
Lumaki ako sa simpleng buhay. Maaga akong iniwan ng mga magulang ko. Nag iisang anak lang ako. Kaya lumaki ako sa lola ko. Mama ng papa ko. Laking pasa salamat ko kasi di ako iniwan at inalagaan ako ni nanay.
Tumayo na ako sa pag kakahiga ko. At kailangan kong ibalita kay nanay. Hehehe. Kagabi ko pa nalaman dahil may nag text sakin na pumasa daw ako sa exam sa Ateneo. Alam ko magiging masaya si nanay kapag nalaman niya ito.
"Nanay. May sasabihin po ako" ani ko
"ano yun anak?" sagot ni nanay
"nanay naka pasa po ako sa UST Matutupad na po natin lahat ng pangarap natin nanay pati na rin po sa pagiging abugado ko!" masayang sabi ko. Napangiti naman si nanay at niyakap ako
"buti naman anak. Sobrang saya ko para sayo. Sabi sayo e kaya mo yan."
"lahat ng to nanay para sayo. Kaya wag mo muna ako iiwan hah"
"oo anak di kita iiwan"
Bumitaw sa pag kakayakap sakin si nanay at niyaya na akong kumain kasi kailangan ko ng ayusin lahat ng gagamitin ko sa pag pasok ko bukas sa UST Medyo malayo ang UST dito samin pero kaya ko naman.
I'm a working student. Nahihiya na ako kanila nanay humingi ng pang gastos ko. Malaki naman na ako para matutong tumayo sa sarili kong paa. Kaya ko naman na e. Tama na yung ilang taong sila gumastos sakin. Balang araw ako naman.
Inalukan ako ng tita ko na mag trabaho sa pinatayo niyang Milktea shop. Kaya pag tapos ng klase ko papasok ako sa trabaho ko.
Inayos ko na ang mga gagamitin at mga dadalhin ko bukas. Excited ako na kinakabahan syempre. Papasok ka sa University na alam mong mga makakasalamuha mo e mga mayayaman. E ako? I'm just a nobody. Maayus naman muka ko. Susubukan ko rin na sumali ulit sa Hapkido. Susubukan ko rin na makisama sa kanila.
Pumasok muna ako sa trabaho ko ngayon. Para naman kahit wala ako buong mag hapon bukas. Okay lang kay tita. Naiintindihan naman ako ni tita kaya tutulungan niya daw ako. Lalo daw na matalino naman daw ako kaya wag daw akong titigil kahit anong mang yare, btw si tita kapatid ni mama. Kung di lang siguro maagang nawala sila mama. Alam kong magiging proud sila sakin.
Maaga silang nawala sakin kasi sa car accident. Bata pa raw ako noon. Nung nang yare yun. Kaya ni picture namin nila mama at papa wala ako. Naikwento rin sakin ni nanay na dati daw sumasali sa mga pageant, at si papa daw ay nag lalaro ng basketball. O diba? Bakit ang aga silang kinuha sakin? Di naman ako galit Kay God. Alam ko na lahat ng buhay natin ay hiram lang natin sa kanya. Pag oras mo na oras mo na talaga. Pero nag tatampo ako kay god na bakit nga magulang ko pa kinuha?
Nadadalaw ko sila mama at papa kapag di ako ganun ka busy. Nag kwekwento ako sa kanila. Na kahit alam kong di naman na nila ako naririnig. Pero alam ko na nandito lang sila sa tabi ko nag babantay. Back to reality tayo. Napahaba nanaman pag chika ko sa inyo hehehe.
Andito na ako sa harap ng Milktea shop ni tita. Maaga ring pumasok si Roxanne siya kasi may hawak ng susi. Sabi ko kasi kay tita na wag na ako ang hahawak mv susi baka malate pa ako. Kaya pinag ka tiwala niya kay Roxanne ang susi
"Rox. Aga natin ahh."ani ko
" oo syempre mamaya biglang dumating crush ko tas makikita niyang sarado pa tayo"ani kiya
"jusko rox ang aga aga. Crush inaatupag mo" ani ko ulit sa kanya
"bitter bitter mo talaga. Bat kasi di mo subukan mainlove?" napa tingin naman ako sa kanya na patanong. Jusko naman rox alam mong wala sa isip ko yan love love na yan
"rox wala sa isip ko yan baliw"
"btw kamusta yung exam mo sa UST?"
"eto naka pasa ako. Best opportunity to sakin" masayang kwento ko sa kanya
"waaaaahhh! I'm so happy sayo besshy. Good luck sa unang pasok bukas sa UST besh!"
"salamat rox"
"tsaka besh balita ko maraming mga gwapo jan.!" napa sapo na lang ako sa nuo ko! Na sstress na ako kay Roxanne
hahaha"wala akong pake sa gwapo!hahaha"
Nag kibit balikat na lang siya at ginawa na lang namin mga dapat ayusin dito bago kami mag open ng shop.
Balita ko rin sa UST nandon yung mga anak ng mga mayayamang pamilya sa buong mundo. Hindi naman sa pagiging chismosa hah. Narinig ko lang yun hahaha. Pero jusko. Di ko din maimagine na makakasalamuha ko yung mga anak nila.
TIME SKIP..
It's already 8pm na medyo maraming costumer ngayon kaya medyo pagod ako. Kasi syempre naman. Buong araw kang kumikilos diba? Di naman ako nag rereklamo hahaha sinasabi ko lang. Nag aayus na kami ni Roxanne para sa pag uwi namin. Medyo malapit lang naman to sa amin kaya. Walang problema.
Mabilis lang naman kaming naka pag ayus ni Rox. Kaya nag kanya kanya na kaming uwi. Ako ngayon nag hihintay ng jeep para makauwi na.
Mabilis lang naman ang byahe. Ko kasi nga malapit lang hahaha
Ngayon nag hahain na ako ng mga Plato. Pag dating ko kasi naka luto na si nanay. Kaya inayos ko na rin pag kakainan namin para makakain na kami at makapag pahinga ako.
"kamusta naman araw mo anak? Mukang pagod ka?"
"okay lang naman nanay. Ayus lang po ako. Kayang kayang po ng apo niyo ito. Malakas po ako noh mana po siguro ako sayo" ani ko kay nanay na tumawa naman
"aba syempre talagang saakin ka mag mamana noh"
Nag tawanan naman kami ni nanay.
Mabilis lang din kaming natapos kumain. Nag hugas muna ako ng plato. At pag tapos kong mag hugas nag paalam na ako kay nanay na mag pahinga na. Umoo naman si nanay kaya pumasok na ako sa kwarto ko.
When I wake up tomorrow.yun ang unang araw ko sa UST please Ateneo welcome me nicely huhuhu.
So good night everyone. See you UST :-)
-END-
thank you for reading guys.
BINABASA MO ANG
SIX ROYALTIES AND THE TRANSFEREE
FanfictionA simple Guy na nag aaral sa UST manila isang scholar lamang siya. Pangarap niyang maging isang Lawer. Then the Six Royalties Came into his quiet life. Nag bago ang lahat Dahil sa isang lalaking di niya inaasahang mag gugustohan niya at nagugustohan...