"Ma naman e, ayaw ko pong mag aral dun." Reklamo ko kay mama habang nag ma-mop sya ng sahig sa kusina, panay lang ang buntot ko sa kanya.
"E, anak, dun ka gustong pag aralin ni Ma'am Beatriz. Alangan naman tanggihan natin e sila na ang nagsabi na doon ka."
"Ma, pwede nyo naman pong sabihin na sa public school nalang po ako, bakit dun sa Ateneo pa e ang hirap pong maki bagay doon, puro po mayayaman ang mga tao dun! At isa pa po, ang mahal ng tuition dun."
"Sinabi ko na nga sa kanila na doon ka lang sa pinag aaralan mong Public School pero pinilit nila akong mag Ateneo ka na. Nakakahiya namang makipag talo pa sa kanila anak dahil sila naman ang nagpapaaral sayo, magrereklamo paba tayo? Namangha sila sayo at sa grades mong malalaki kaya gusto nilang makapag tapos ka ng high school sa isang sikat na skwelahan." Kailangan pa ba talaga yan? Bumuntong hininga ako. But I'm already satisfied of what I have and where I am.
"Ma, kaya ko po ba dun?" Nalulungkot kong sabi. Bakit ba dun pa kasi e maayos naman ako sa school ko ngayon? Tumigil si Mama sa ginagawa nya at tinignan ako.
"Samuel anak, matalino ka naman kaya sigurado akong kaya mo yan. At wag mo ng alahanin pa kung nababagay kaba dun o hindi, marunong ka namang makisama sa ibang tao, pagkatiwalaan mo lang ang sarili mo. "
Yan ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa sikat na skwelahan na ito, Ateneo De Manila. Dito ako pinag transfer ng amo namin ni Mama, sina Mr. at Mrs. Tan ng ika 3rd year high school ko. Matagal ng nag tra trabaho si Mama doon kaya napaka laki na ang tiwala nila kay mama at sa akin nadin na anak kaya naturingan nadin nila kaming kapamilya, doon na nga nila kami pinatira simula noong nasunugan kami ng bahay. Sobrang bait nila kaya sinusuklian namin sila doon ng mas higit pa. I actually don't like to be in this school but I need to because they want it. Wala silang anak kaya siguro ay sa akin nila ito ginagawa.
Today's our first day of class at maaga akong dumating. Kinakabahan nga ako lalong lalo na kapag nadadaanan ako ng tingin ng ibang mga studyante but I need to fight this feeling, ayaw kong I look down ang sarili hindi porket mahirap lang kami, I don't want to be a failure just because of that thought dahil marami akong pangarap na gusto kong ialay para kay Mama.
As I was heading my way to our classroom, may nakasabayan akong lalaki sa paglalakad. Gusto ko man syang lingunin dahil nababanguhan ako sa pabango niya, I still chose not to dahil ayaw kong makakuha ng atensyon ng iba. Iniwala ko nalang sa isip ko yun at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko ng nakayuko. I'm about to take another step ng may biglang bumangga sa akin dahilan para mahulog ang sling bag kong may kalumaan na at ang mga laman sa loob nun.
"Damn. I'm sorry." Sabi ng lalaking nakabangga sa akin. Nilingon ko sya at parang natigilan ako bigla ng makita ko ang mukha niya, ang guapo nya naman. Gusto ko mang titigan sya ng matagal ay hindi ko kaya kaya pinili ko nalang pulutin ang nahulug kong mga gamit.
"O--Okay lang."
"No, I'll help you." Nagulat ako ng yumuko din sya para kunin sana ang mga gamit kung nagkalat ng...
"Bro ano ba! Kita mo namang may kamay yan, kaya na nya yan. Tara na... naghihintay na si Missy dun e dalian na natin."
Hindi na natuloy ang pagtulong ng lalaki sa akin dahil hinila na sya ng lalaking kasabayan ko kanina sa paglalakad... Well, I think that's him dahil ang scent ng perfume na naman nya ang naamoy ko.
They rushed walking away at ako nalang mismo ang kumuha ng mga gamit kong nahulog. Ng napulot ko na ang lahat ay sinubukan ko silang lingunin... and I was shocked ng nahuli ko ding naka tingin sa akin patalikod ang lalaking mabango ang perfume habang akbay akbay nya ang kaibigan nya sa paglalakad. Bigla syang ngumisi at parang tinawanan pa ako dahil sa naging sitwasyon ko. Am I seeing it right? Ayaw ko mang gawin pero hindi ko kinaya't nairapan ko siya.
BINABASA MO ANG
When you'll be mine
RomanceSabi nila, when you really like a girl, giving her your world is the best thing you could ever do just to let her feel that she's really wanted. Pero bakit ganun? I already offered her my world, I even did the things I can't imagine I could do...