A/N: One part lang po ito. Unedited. Sorry sa errors. :))
Ten years ago...
Raphael was running towards the garden with a wide smile on his face. The sun up above was shining bright on him, as if telling him that it would be a great day.
He was an only son. Nag-iisang anak ng mga Fuentes na isa sa mayayamang pamilya sa buong bansa. His parents were so strict na pinili ng mga itong mag-homeschooling siya.
At first, it was okay to him, pero habang siya’y lumalaki ay nagsisimula na siyang makaramdam ng pagkabagot at kalungkutan. He had no friends. He can only talk to his personal nanny and to his teacher. Wala siyang makalaro at makausap na kasing edad niya.
Pero nagbago iyon nang dumating ang dalawang apo ng mayordoma nila. Naalala niyang inisang tingin lang siya ng batang babae, pero ang batang lalaki ay agad siyang nilapitan at inayang maglaro ng kotse-kotsehan. And of course, since he was craving for a friend, he played with him.
Since then, he started to be more joyful. Binibigyan niya ng mga robot at toy figures ang kalaro and they would play and laugh until the sun set.
Parang ngayon, gano’n din ang gagawin nila. Maglalaro sila sa garden at—
“Akala ko ba ang sabi mo mayabang iyon?”
Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang maliit na tinig ng isang batang babae. Tumingin siya sa paligid at nakita si Jason, ang kalaro niya, at ang kapatid nitong babae na si Mira. Nag-uusap ang mga ito sa isang sulok ng hardin. Nagtago siya sa isang puno.
“Oo nga, mayabang si Raphael. Ayaw niyang laruin ‘yung mga kotse kong kinukupasan na ng pintura. Lagi siyang nagdadala ng mga mamahalain niyang laruan. Gusto niya ata akong inggitin,” nakasimangot na sabi ni Jason.
“Eh, bakit ka pa nakikipaglaro sa kanya?” takang tanong ni Mira.
Bigla ay nawala ang pagkabusangot sa mukha ng batang lalaki at napalitan iyon ng isang ngisi. “Kasi kahit gano’n siya, binibigyan niya ako ng mga bagong laruan. Alam mo na, may nakukuha ako sa kanya.”
Sa kung anong dahilan ay napakuyom siya. Something sharp stabbed his heart. He thought that what he found was pure and genuine friendship. Pero nagkamali pala siya. Jason was merely using him to get what he wanted.
Magkahalong kalungkutan at galit ang lumukob sa puso niya. He was betrayed and he was hurt. Mabibigat ang mga paang nilisan niya ang lugar at nagsimulang muling magkulong sa kanyang silid.
#
After the incident at the garden, he never bothered facing Jason and his sister. Kung dati, noong wala pa ang mga ito, ay nagagawa pa niyang lumabas pagkatapos mag-aral, ngayon ay hindi na. Nasa loob lang siya ng malaking bahay at magbabasa ng kung ano.
Napabaling siya sa pintuan ng kuwarto niya nang may kumatok doon. “Senyorito? May bisita po kayo. Kailangan niyo raw po harapin sabi ng daddy ninyo.”
Nagtaka siya. “Sino?”
“Si Miss Charlotte po.”
Wala siyang kilala na Charlotte. “Okay, mag-aayos lang ako.”
Matapos ang ilang sandali ay nasa living room na siya. Nakita niya ang mga magulang na kausap ang isang batang babae. Isang magandang batang babae.

BINABASA MO ANG
Her Knight In Disguise (Short Story)
Romance“What happened?” he asked. Her light brown eyes glazed with tears stared back at him. “Ayaw na raw makipagkaibigan sa akin ni Mira. Sabi mo raw kasi paaalisin mo sila rito.” Hinila-hila nito ang manggas ng t-shirt niya. “Tell me, why would you do th...