01

41 2 0
                                    

ATHENA YUI CAMERON POV

As a freshmen student naliligaw na ako unang araw palang ng pasukan. Bakit? Kase ang laki ng University na pinapasukan ko. Nasa gate palang ako parang ubos na ang energy ko dahil pagka kita kopa lang sa napakahabang daan ng campus hanggang dun sa pinaka last na building na natatanaw ko parang hihimatayin na ako. Daan ba 'to papunta kay Satanas?

Wala akong choice kundi ang pumasok na pero hindi pa man ako nakakapasok sa mismong gate hinarang na ako ng guard.

"ID mo? Freshmen ka ba?" harang niya sakin.

"Freshmen po."

"Sige. Pasok."

Parang huminto ang puso ko doon, ah? Makasita naman kase si Kuyang Guard, wagas. Pagkalagpas ko sa gate naglakad na ako at aaminin ko naiinggit ako sa mga magka kaibigan na magkakasamang pumasok. Last na naranasan ko yan last year lang. Iba na kase sa College, iba na din yung environment and kikilala ng bagong kaibigan. Iba-iba nang school ang papasukan namin nung mga naging tropa ko dati. Naiiyak ako dahil ako lang mag-isa. Walang kasamang kumain at tumambay sa kung saang parte ng school na pwedeng tambayan ng mga students.

Kinuha ko ang phone ko para icheck sa gc namin ang building na papasukan ko. Saan ba 'tong College of Computer Studies? Sa laki ng school baka ikaligaw ko pa ang paghahanap. Wala akong choice kundi ang magtanong sa mga grupo ng magkakaibigan.

"Excuse me. Pwedeng magtanong?" agaw ko sa atensyon nila.

"Yes po?" sagot nung babaeng naka bangs.

"Alam niyo ba kung saan yung Department ng Computer Studies?"

"Dumiretso lang po kayo tapos lagpasan niyo yung kanto na yun paglagpas mo kumanan ka after. Makikita mo naman agad yung pangalan ng Department."

"Salamat."

Naglakad ako at sinunod ang sinabi nung napagtanungan ko. May kalayuan pa ako kita ko na agad ang pangalan ng department. Ang daming students sa student center. Nang makarating ako nakipila ako sa mga estudyanteng nakaupo sa bench. Tiningnan ko ang orasan sa wristwatch ko at alas siete palang ng umaga ang init na agad dahil sa mga estudyanteng nandito. Ang iingay pa ng iba.

Lumipas ang ilang minuto halos mangalay na ako kakatayo. Bakit ang tagal naman pumasok? Napatingin ako sa harapan dahil may isang Professor na babae ang tumayo doon at may hawak na megaphone.

"Students, minimize your voice. Para maiayos natin ang pila at para makapasok na kayo sa mga respective rooms ninyo follow my instructions." wika niya sa megaphone. "Sino dito yung mga 1-A ang sections? Pumila kayo one line. Ganon din sa ibang sections. May mga banner by sections, please walang magtutulakan."

Tiningnan ko muli ang phone ko at 1-B ang section ko. Hinanap ko ang banner ng magiging section ko. Mabuti na lang at may mangilan nang nakapila kaya nakipila na din ako.

"Students, kapag complete na kayo sumunod lang kayo sa may humahawak ng banner ng section ninyo. Ili-lead niya kayo sa magiging room ninyo."

Sumunod lang kami don sa lalaking may hawak na banner. Habang sinusundan ko ang mga kaklase ko naagaw ng atensyon ko ang isang lalaki na nakaupo sa student center. Ang gwapo niya, matangos ang ilong, kissable ang mga labi at may nunal sa may bandang chin niya. Center of attraction siya kaya naagaw niya ang atensyon ko. Mukhang freshmen din siya at kasama niya ang mga kaibigan niya.

Halos mapatalon ako sa gulat ng tumingin siya sa may gawi ko kaya nagtitigan kami ng ilang segundo.

Shet!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CRUSH LANDI ON HIM (On going)Where stories live. Discover now