Chapter 4: LQ?

55 3 0
                                    

Angel's POV

Nagising ako sa silaw ng araw sa Bintana ko. Meron akong naaaninag na tao. Lalaki. Binubuksan nya yung bintana ko. Bigla syang lumingon.

"Good Morning Wifey ^___^" Si Ivan. ang aga naman nya dito. Anung oras na ba? Papalapit sa kama ko si Ivan. Nang makalapit na sya Umupo na sya.

"Bakit ang aga mo naman?" Tanung ko sa kanya nang nakahiga pa rin.

"Bakit ayaw mo ba ako dito? Kung ayaw mo aalis na lang ako." Akmang tatayo na sya pero hinigit ko yung kamay nya. Pagkahila ko sa kanya bigla syang napadapa sa pwesto ko. It means, nakapatong sya sa akin. nagkatitigan lang kami in a few seconds, nang maalala namin yung pwesto namin. Bigla ko syang tinulak pero mahina lang.

"Ah.. S-sorry." Nauutal kong sabi sa kanya. Bigla naman syang tumawa. Aba! Gago to ah! Nagsosorry na nga ako eh!

"Hahaha!! Ang cute mo pagnamumula." Kinurot kurot nya yung pisngi ko.

"Aray mashakit.." Tinigil na nya ang pagharot sa pisngi ko at hinalikan sa lips. Hala!! Hindi ba sya nadidiri? Baka may panis na laway pa ako. Jeez. Nakakahiya. Feeling ko namumula nanaman ako. Narinig syang nagchuckle ng mahina. Pero tumigil din sya agad. tumingin ulit sya sa akin.

"Hahaha!! Alam ko na yang iniisip mo. Okay lang yun maganda ka pa rin naman kahit may panis na laway. hahahaha. Good morning ulit! ^___^" Eh kung upakan kaya kita?! Kainis! ==____==

"Tara na hinihintay ka na nila Tita Ellen sa baba. Breakfast is ready." Tumayo na sya at hinila ako patayo sa kama. Jeez.. Ayoko pang bumangon!!

"Hubby inaantok pa ako!!" Pilit kong hinihigit yung kamay ko pero ang lakas nya. Ang daya! Wala pa nga akong energy eh! Kakagising ko lang!!

"Wifey! Male-late tayo sa school nyan eh. Mag e-eight am na oh! Maliligo ka pa! Bilis na!" Pilit pa rin nyang hinihila nang magsink in sa akin na.... Sh*t! 8:00 na. eh 8:15 ang pasok namin. wahhh!! Kainis! Tumalon na ako sa kama ko at tumakbo papunta sa CR. Narinig ko pang tumawa si Ivan dun. kainis!

Mabilis lang akong natapos maligo. Actually hindi ko alam kung ligo talaga yun eh. hahaha!! 5 mins. Lang akong naligo. Tapos nagbihis ng Uniform. Nagsuklay. Nag medyas. Nag sapatos. Nag necktie. Kinuha ko na yung bag ko. Ay may nakalimutan ako. Onting epal lang sa muka. Blush On. Eye liner. Lip Tint. lumabas na ako sa kwarto at bumaba papuntang Dining Area. Pag dating ko gulat na gulat sila Mommy sa Ayos ko. Bakit?

"Oh anak! Ang aga mo naman ata. 7:30 palang ah." Pilit kong sinisink in sa utak ko ang sinabi ni Mommy. Sinamaan ko ng tingin si Ivan. Pinagtripan nanaman nya ako.

"Oh! Bakit ang sama ng tingin mo kay Ivan anak?" Tanung ni Mommy sa akin. Sasagot na sana ako ng marinig ko si Rafael sa taas na parang sumisigaw. Hindi ata narinig nila Mommy kasi hanggang ngayon nakatingin pa rin sila sa akin. nagpaalam muna ako na pupunta ako sa kwarto ni Rafael.

"Rafael?" Pagkabukas ko ng kwarto nya naglalaro sya ng mga kotse.

"Good morning ate!! ^____^" bati nya sa akin ng makita nya ako.

"Good morning din. Bakit parang sumisigaw ka kanina Baby?" Tumingin naman sya sa akin tapos ngumiti.

"Kasi ate..." ay nakakabitin tong batang to. may pa pause pause pa. "...sabi kanina ni kuya Ivan girlfriend ka na daq nya tapos boyfriend mo na daw sya totoo ba yun ate?" Mangiyak ngiyak na tanong sa akin ni Rafael.

"Ah.. Oo baby." malungkot na sabi ko sa kanya. Ang promise ko kasi sa kanya kapag may boyfriend ako sya ang una kong sasabihan.

"Sorry baby. May promise naman ako sayo na aalis tayo tomorrow right?" Tumango tango naman sya at ngumiti.

"Ahmm sige ^____^" napabuntong hininga ako nang tumigil na ang pagpatak ng luha nya. Itakin talaga ang Baby ko.

"Sige na. Nandun na yung breakfast. Let's eat?"" Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Inabot naman nya iyon at bumaba na kami. Nang makababa na kami naririnig namin ang tawanan nila sa Dining Area. Ako kayang pinaguusapan nila?

"Oh! Anak nandyan na pala kayo. Tara na ituloy mo na yung pagkain mo ako nang bahala kay Rafael baka malate ka pa sa school." Speech ni Mommy. Tinuloy ko na ang pagkain ko. Katabi ko si Ivan pero di ko sya pinapansin. Ay! Bahala sya jan.

Nang matapos na akong kumain kinuha ko na ang Bag ko at nagpaalam kay Mommy. Di ko na hinintay si Ivan. Nakakainis. Pumasok na ako sa kotse ko at umalis na. Malapit lang naman yung school pero tinatamad ako maglakad.

Nakadating na ako sa school. Ang onti palang ng istudyanteng pumapasok maaga pa kasi. Dumiretso muna ako sa Locker ko. Pagkabukas ko ng Locker ko may Blue paper. Naging interesado ako kasi blue. Favorite Color ko. Pagkabukas ko....

Hi Wifey! Good Morning ulit! Sorry pala kanina ah. Lakas ng trip ko. Sorry.
-Ivan

Automatic na napangiti ako pero di pa rin maalis yung galit ko. Di ko alam kung bakit. Nilagay ko nalang yung blue paper sa bag ko. kinuha ko na rin yung mga libro na dapat kong kunin. Nang makuha ko na lahat dumiretso na ako sa room. Habang naglalakad ako naririnig ko ang bulungan ng mga istudyante sa corridor.

Girl 1: hala girl! Bakit magisa nalang sya siguro break na sila no Ivan.
Girl 2: hala sana nga baka magkaroon tayo ng chance kay papa Ivan.

At nagtilian na sila dun na parang ewan. Di ko na sila pinansin. Ay bahala kayo jan. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko.

Nang makarating na ako sa room marami na rin ang tao. 8:00 na rin kasi. 15 mins. nalang magsisimula na ang klase. Dumiretso na ako sa upuan ko. Nakita ko rin si Ivan nakatingin sa akin. Pero hindi ako tumitingin sa kanya sa Peripheral Vision ko lang. Umupo na ako sa upuan ko.

Natapos ang 3 subjects na lutang ang isip ko. Iniisip ko kung bakit ba ako nagalit sa kanya at kung bakit di nya ako sinusuyo. Lalabas na sana ako nang room ng may humihit sa kamay ko.

Si Ivan.

"What?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.

"I'm sorry. please?" Shet!! Puppy eyes nanaman.

"No!" Buti napigilan ko.

"Angel. I'm sorry. Di ko na uulitin. Promise!" This time nakaluhpd na sya na parang magpopropose. Tinaas nya pa yung kamay nya na parang nagpa-promise nga.

"Tumayo ka dyan. Marami ng taong nakatingin sayo sa labas." Walang emosyon kong sambit.

"No. Hindi ako tatayo hangga't di mo pa ako napapatawad." Ang kulit ==____==

"Oo na tumayo ka na dyan." Wala paring emosyon kong sinabi.

"No. Napipilitan ka lang dahil may mga nakatingin na. Please Angel, forgive me. Please." That fvcking puppy eyes. Urgh!! Sige na Angel patawrin mo na wala namang mawawala sayo eh.

"Oo na. Oo na. tumayo ka na dyan. Pinapatawad na kita." Sambit ko at mabilis naman syang tumayo. Hinalikan nya ako sa noo dahilan para mamula ako. Inakbayan nya ako at sabay na kaming lumabas ng room.

*END OF CHAPTER 4*

Hi guyss. thank you sa konting reads ahahah pero kahit papano may nagbabasa pa rin. hahaha! Pero thank you pa rin kahit walang nagvovote. ahahahaha!! Medyo magulo tong chapter na to kaya pasensya na po :( sorry po talaga. BTW thank you ulit ^_______^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Look So PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon