Kabanata una
"Ang angas mo talaga Maqxine"ani ng aking ka-grupo na si Jared. Iyan ang aking kanang kamay. Sya ang taga-ayos ng mga problema na ayaw kung problemahin.
"Oo nga boss, akalain mo'ng napatumba mo ng isang kamay lang, yung kalaban natin" Humalakhak ang isa kung alalay na si Brandon.
"Sus sisiw lang yan sakin" sabi ko sabay halakhak haha!!
"Teka nga pala boss, diba may pupuntahan ka pa?" Tanong ni Jared.
Ay oo nga pala! Ngayon yung check up ni Nanay! Nakalimutan ko tss.
"Oo" sagot ko agad. Bumaling ako sa kanya dahil nakatalikod ako sa kanilang dalawa.
"Jared ikaw na muna ang bahala dito, wag mong hayaan na may makapasok sa lungga natin. At yung pera paghatian nyo na yan may pera pa naman ako."mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Masusunod boss!"sabay tingin kay Brandon na nagliwanag agad ang mata.
Tss gagawin ang lahat basta tungkol sa pera.
Agad akong pumunta sa aking motor na bagong bili lang. (Second hand to wag kayong ano hahaha)
"O pano sibat na ako!"
"Mag-ingat kayo boss"
Tss kayo ang mag-ingat. Sabi ko sa sarili ko.
Ako nga pala si Maqxine Ortiz. Ugali ko ang pagbabasag ulo ito na rin ang aking hanapbuhay dahil kumikita ako. Sinusohulan ako kung may nagpapa-utos.
Ako ay isang lider ng kinakatakutan na gangster dito sa Tondo. Lingid sa kaalaman ng aking pamilya ang mga ginagawa ko.Papunta ako ngayon sa bahay para samahan si nanay sa pagpapacheck up nya.
"Nay? Andito na po ako" agad na hanap ko kay nanay pagkarating ko sa bahay.
"O anak anjan ka na pala" sabi ni nanay na galing sa kusina. "Nagluto nga pala ako ng paborito mo'ng adobo'ng manok" sabi ni nanay na may bahid ng ngiti sa labi
"Diba sabi ko sa inyo na wag nyo ng gawin yan" agad ko'ng sabi kay nanay " baka lalala po yung ubo ninyo, bawal po kayong magpagod nay"
"Hindi naman anak kaunti lang yung ginawa ko pwera naman sayo na binubuhay mo kami"