Chapter 3

4 1 0
                                    


Araw na ng pag alis ni Xia, naiwan na muna ang kaniyang kapatid na si Kristell at ang asawa niya sa penthouse dahil hindi pa kaya ni Kristell na tumayo.

"We are live now Harry at NASA space station, you are watching this huge jet on my back and now is the take off the first woman to orbit the Earth!" Tugon ng reporter.

"A lot of people are expecting more Xia, I really hope this won't fail, goodluck." Sambit ni Chief Curtis.

Agad naman lumapit sa kaniya ang pamilya niya upang mag paalam sa kaniya dahil isang taon eto mawawala.

"Babalik ka Xia ha? Makikita ka pa namin." Sabi ng kaniyang ina sabay yakap sa kaniya.

"Ano ba kayo para namang mamatay ako, babalik ako ma promise." Tinawanan niya ang pamilya niya dahil kung magpaalam eto wagas na para siyang mawawala mundo.

Sa loob looban ni Xia parang may mali talagang mangyayari kaso positive thinker siya at balewala na sa kaniya iyon at iniisip niya na baka parte lang eto ng kaba niya dahil first time niyang pumunta sa kalawakan at sinusubaybayan pa eto ng milyong tao sa mundo.

"Xia Salvador taking off 10 minutes from now, stay tuned friendsis!" Anunsiyo ng reporter.

Pumasok na si Xia sa jet at hinanda na ang kailangan niya. "Miss Xia are you ready?" Tanong ni Chief Curtis sa kaniyang microphone.

"Yes sir" Sagot naman ni Xia. Lahat sila ay pinapanood si Xia sa kaniyang monitor at sinusubaybayan ng mga tao kaya medyo kinakabahan siya.

"Chill...." Sambit ni Chief Curtis. "Take off in 5... 4... 3... 2... 1." Dugtong ni Chief Curtis.

"Xia Salvador taking off friendsis!" Anunsiyo ng reporter. "Ingat ka anak..." Bulong ng nanay niya.

Ilang segundo na lang at maabot na ni Xia ang Stratosphere at iikutan ang Earth.

Nag sisigaw naman sa saya ang mga taga monitor ni Xia dahil successful ang first project niya.

"Salamat sa diyos." Naginhawaan naman ang nanay ni Xia dahil nakikita niya na successful ang anak niya.

Ng matapos ang pag ikot ni Xia sa Earth medyo may nagagasgas na ingay sa jet niya.

"Sir... Sir! I think there's a problem!" Nag pa-panic si Xia dahil hindi niya ma-locate kung saan yung sira.

"Imposible, we can't see anything." Sagot ni Chief Curtis. "Sir there is!" Pilit ni Xia.

May nakikita siyang parang portal or blackhole na papunta sa kaniya. "Sir! It's the end of the world! Sir there's a blac----!" Hindi na natuloy ni Xia ang sasabihin niya dahil nahigop na siya ng kung ano man yon.

"Xia Salavdor! Are you still there?! Hello!" Tawag sa kaniya ni Chief Curtis. Pilit nilang nilo-locate si Xia at hindi nila siya makita sa monitor.

"Oh no Harry I think there's a problem..." Anunsiyo ng reporter. "Seems like it's a failed project." Tugon ng reporter na si Harry.

Hindi maisip ng NASA na mauulit na naman ang nangyari. Dumaan na ang ilang dekada pero bakit naulit ulit eto ngayon?

Nawalan si Xia ng malay at hindi maalala ang nangyari. "Where am I?" Tanong niya sa sarili.

Napatingin siya sa paligid at para etong magical place, hindi niya eto ma describe dahil kakaiba ang paligid niya, para bang Alien place.

Ang tanong niya sa sarili ay paano siya nakabihis at na sa magandang kalagayan?

May nakakapa naman siya na para bang tumutusok sa kaniyang pang-upo kaya kinapa niya eto.

Ng makuha niya na, eto pala yung binigay nung babae sa kaniya na diamonds. Idinala niya eto dahil nag nagbabakasakali siyang makita niya ang babae dahil baka nanonood eto sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost In Nowhere Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon