Chapter 1

7 0 0
                                    

Isang magandang umaga ang bumungad sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi habang tumitipa ng piano.

Bumungad sakin ang alaga kong pusa na si LaLa. Kulay puti ito at ang mga mata nyay asul. 

Lumabas na ako ng aking silid at naamoy ang sariwang amoy ng nililutong kape. Paniguradoy si Nanay Cely ito. Alas sais palang ng umaga ngunit nagsisimula na agad ang araw ni Inang. Napangiti akong tumakbo sa kusina at naabutang nagsasalin sya ng kape sa kanyang baso.

"Oh halika dito Mariam, samahan mo akong mag kape apo." Bati nya sakin. Agad akong napangiti ng abutan nya ako ng kape. Naramdaman ko naman si LaLa sa aking paanan na mukang nanlalambing.

Araw ng Sabado ngayon at wala akong pasok. Naisip kong mamitas ng Aratilis sa likod ng aming bahay. Balita ko kasiy masarap itong gawing palaman sa tinapay. Lulutuin mo ito kasama ng asukal at pulot.  Pagkatapos ko naman gumawa ng palaman, magbibisikleta ako papunta sa Paraiso.

Ako lang ang nakakaalam ng lugar na iyon. Dito ako naglalaro palagi. Kahit ata mag dalaga na ako, hindi ko makakalimutan pumunta doon. Napaka ganda kasi ng lugar na iyon kayat tinawag kong paraiso. Isa itong malaki na lugar kung saan makikita mo ang mga bundok sa ibang lugar. Sariwa ang hangin doon. Na sinamahan pa ng magandang tanawin.

Napagpasiyahan kong tumipa muna ng piano bago ko simulan lahat ng aking gagawin.

Itong pianong ginagamit ngayon ay regalo sa akin ni Tatay Mario na asawa ni Nanay Cely. Pumanaw na ito. Kami nalang ni Nanay Cely ang mag kasama palagi. Ni isang balita tungkol sa aking Papa at Mama ay wala akong alam. Hindi ko naman din gusto na mag tanong kay Inang.

Muli kong tinipa ang aking inaaral. Napaka sarap talaga sa tenga ng musika.  Para bang dinadala ako nito sa isang lugar. Lugar na kung saan ako lang ang nakakaaalam.

Tirik na ang araw kayat napagpasiyahan ko ng mamitas ng aratilis. Sinaway pa ako ni Inang dahil baka daw akoy mahulog. Si inang talaga.

Pag tapos kong mamitas ng aratilis, hinugasan ko na ito at pinakuluan. Nang itoy lumambot na, tinanggal ko na ang balat nito at tyaka ko hinaluan ng Asukal at Pulot, Nilagay ko sa kawali ang mga ito at sinumulang haluin ng marahan.

Nang naamoy ko na ang masarap na halimuyak nito. Pinalamig ko at nilagay na sa isang lalagyan. Saktong sakto dahil may tinapay ngayong araw, pinalaman ko ito ng ginawa kong palaman at tinikman. Tama nga ako, masarap nga ito.

Nag baon ako nito at nilagay sa basket ng aking bisikleta.

Nagsimula na akong maligo at nagbihis, pag tapos nito ay sumakay na ako sa aking bisikleta. May kalumaan na ito ngunit dahil sa aking pagiging artistic, naging maganda ito kahit na may kalumaan na.

Masarap at maaliwalas na hangin ang bumungad sakin. Napaka ganda talaga ng Ilocos Norte. Dumadaan ako ngayon sa gitna ng palayan. Nginingitian ang mga bawat taong aking nakakasalubong. Napaka sarap talaga mabuhay!

May mga magsasakang bumabati sa akin at pinapaalalahanan akong mag iingat. May roon naman din na mga bata na binabati ako. May mga kalaro din ako na inaaya akong mag piko.

Nang makarating ako sa paraiso. Nilatag ko na ang dala kong kumot at pinatong kona rin ang dala kong pagkain. May roon akong dalang gatas ng baka na si Inang Cely mismo ang kumukuha. May dala akong tinapay na may palamang Aratilis. Teka, dapat may tawag ako sa aking palaman hindi ba?

E kung Sweet Aratilis kaya? Hindi ba parang ang pangit naman? E kung palaman ng Bayan kaya? Mukang pangit din. Alam kona.. dahil sa sobrang sarap nito, para ka ng dinadala sa paraiso. Kaya ang itatawag ko na lang dito ay Paraiso ni Mariam.

Habang nagbabasa ng dala kong libro, kinakain ko na rin ang aking mga dinala. Sa hindi ko inaasahan, may isang batang lalaki ang naligaw dito sa paraiso. Tao ba sya? O isang Maligno?! Bakit naman sya naparito? Anong kaylangan nya? Tila hindi ako sanay na may ibang tao dito sa paraiso.

BernisWhere stories live. Discover now