Chapter 2

9 1 1
                                    

Lumipas ang mga araw buwan at taon. Nakatira pa din ako dito sa Ilocos. Madami ng taon na lumipas. Madami na ang nag bago. May mga istraktura na nakatayo sa ilang baryo dito.

Parang kahapon lang ay nag aaral pa lamang ako tumipa ng piano, ngunit ngayon ay sumasali na ako sa mga amateur at minsan rin ay nag siside line ako gamit ang aking talento.

Isa na akong ganap na dalaga. Sa susunod na buwan ay kolehiyo na ako kayat habang maaga pa lang ay kaylangan ko na mag ayos ng aking mga papel dahil sasabak ako sa Maynila para doon ipag patuloy ang aking pag aaral.

Mag isa na lang ako sa buhay. Pumanaw na si inang sa sakit na Cancer. Hindi na ako nagulat dahil nasa lahi na namin ito. Masakit sa akin dahil nakita ko ang paghihirap ni Inang. Mula sa panlalagas ng buhok, hanggang sa panghihina at pagka wala nya ay aking nakita.

May naiwan naman akong mana galing kay inang. Sobra sa inaasahan kong halaga. Malaking tulong ito sa kursong kukunin ko. Pang martikula, pangkain, pamasahe at pang dorm ay sapat na ito.

Ang bahay na tinitirhan ko ngayon ay mana rin galing kay inang. Pag punta ko sa maynila ay ipapabantay ko muna ito kay aling pasing na matalik na kaybigan ni inang na Lola naman ng Matalik kong kaybigan na si Mayumi.

Kasalukuyan akong nakaupo sa damuhan dito sa Paraiso. Wala pa ring nagbabago sa paraiso. Masarap pa ring pagmasdan ang tanawin dito. Naisin ko mang dito na lang muna habang buhay, ngunit ang pag punta sa maynila ay isang hakbang para sa pangarap ko.

Madalim na rin ang kalangitan kaya akoy umuwi na. Kaylangan ko na ding matulog dahil maaga ang byahe ko bukas papuntang maynila.

Nahirapan akong mag lakad sa daanan dahil sa dilim. Bakit ba walang ilaw sa bahayan dito? Naku baka brown out na naman. Tsk!

Ngunit laking gulat ko ng pag bukas ko ng pintuan ng bahay ay nasa loob ng bahay sina Aling Pasing at Mayumi pati na rin ang aming mga kapitbahay.

Nagulat ako dahil may mga pagkain sa lamesa. May mga makukulay na lobo na sinamahan pa makukulay na ilaw.

Namuo ang luha ko dahil ngayon ko lang ulit nakita ang bahay namin na makulay. Simula kasi ng nawala si inang ay lumungkot na ang bahay. Napalingon ako kay Mayumi at pati sya ay naluluha na rin sa Tuwa.

"Ideya ito ni Mayumi, para naman daw masaya ang huling gabi mo dito sa San Rafael" Tuwang sabi naman ni Aling Pasing
"Mamimiss kita girl! Super mamimiss talaga kita!!" Sabi naman ni mayumi at patakbo akong niyakap.

Mamimiss din kita Mayumi....

" Oh syasya! Tama na ang iyakan! Tayo nat mag saya!" Pasigaw naman na sabi ni Randolph
"Naku! Akala mo naman tong si kuya Randolph! Pero asahan mo ko Ate Mariam, bukas na bukas ay iiyak yan pag umalis kana" makwelang kwento naman ng batang babaeng kapatid ni Mayumi.

Nagtawanan kami dahil doon. Pati narin ang mga batang ito ay alam na alam pag kagusto sakin ni Randolph.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan.

May Kanin, Ulam, Maja at Inumin ang inihanda nila. Natunaw ang puso ko dahil sa regalong inabot sakin si Mayumi, Aling Pasing at Randolph.

May ilang pabaong payo din sina Mang Rodel, Kakang Narding at Aling Pasing na lagi kong kakwentuhan tuwing umaga.

Sa kusina ay duon kumakain ang mga matatanda gaya nila aling pasing.

Ang mga bata naman ay sa sala kumakain habang nanunood ng Cartoons.

Kami naman nina Mayumi at Randolph ay dito sa Labas kumakain habang pinagmamasdan ang tanawin.

"Pag may mga gwapo sa maynila Mariam ha! Bigyan mo ako!" Kwelang Kwento naman ni
Mayumi.

BernisWhere stories live. Discover now