~ Chapter One ~

39 4 0
                                    

"and they live hapilly ever after..... THE END" at sinara na ni Erin ang binasa niyang libro. Snow White.

"alam mo, kung textbooks ang mga binasa mo, eexcel ka" sabi ko at kinain ko na lang ang chicken sandwich ko.

Ako pala si Jasmine Ilacad. 15 years of age. Senior high sa Palace Academy. Nagtataka ba kayo kung bakit Palace ang pangalan ng school ko? ang founder kasi nito nakaexperience ng happy ending daw. palace daw dahil nakatira siya kasama ng Prince charming niya daw sa palasyo nila. ang baduy noh?. at alam niyo ba kung bakit Jasmin pangalan ko? yung mama ko kasi naniniwala siya sa Fairy tales at ang pinakagusto niyang fairy tale ay Aladdin kaya ayun. haaaay. ewan ko kung bakit sila maniniwala doon.

"bakit? may happy ending ba na nakalagay sa mga textbooks natin? puro 'answer this', 'solve this' at ano pang ikakasabog ng utak ko ang nakalagay diyan eh" at kinuha niya ang phone niya. alam ko na ang gagawin niya. magbasa ng Fairytale ebooks. "Once upon a time there was a gentleman who married, for his second wife, the proudest and most haughty woman that was ever seen. She had, by his former husband, two daughters of her own humor, who were, indeed, exactly like her in all things. He had likewise, by another wife, a young daughter, but of  unparalleled goodness and sweetness of temper, which she took from her Mother, who was the best creature in the world......" kitams? pangdalawang basa na niya tong Cinderella. at di nadala sa nangyari ng papa niya. may kabit kasi ang mama niya. nakadalawang bf na rin yan dahil niloko lang. pero ito naniniwala pa rin sa fairy tales. pinapagalitan ko na nga siya pero ang sagot lang niya eh "ah.. yun ba yun?sige.. =_=" kung di ko lang siya best friend, nasampal ko na sana siya ng pangatlong beses sa isang sampalan lang.

"Cinderella-----"

*kring-kring*

"ay anubayan? kitang enjoy na enjoy na ako sa pagbabasa. tsk. KJ!!" pinapagalitan ba daw ang bell? 
"dali ka na. malate pa tayo sa History" sabi ni Erin at naglakad na kami patungo sa room ni Ms. History teacher. nung pumasok na kami sa room, di namin mapigilan ang pagbuntong hininga dahil wala pa si Ma'am. may inaasikaso siguro. Ayy.. bago ko pala makalimutan, second Monday na pala ng June. so nagsimula na ang unlucky day ng mga estyudyante.

umupo ako sa pinakalikuran. malapit sa bintana. gusto ko kasi ang lugar na yun. komportable kumbaga. kapag ang teacher kasi dito ay di adviser, walang seating arrangement. puwede ka kahit saan uupo, basta nga lang makikinig ka sa leksiyon. kasi kung hindi, ililipat ka sa unahan at dun ka uupo for the rest of the semester. si Erin naman ay umupo malapit sa pintuan. sabi kasi niya, kapag dismissed na, makalabas ka kaagad. dito kasi eh kapag dismissed na, magkagulo kaya di ka kaagad makalabas. kahit na papagalitan kami ng teacher, at pagsabihan na form a line, walang makikinig. sabi kasi ng ilan, yung mga walang modo 'tapos na ang subject. bakit pa natin susundin ang utos nila? ano sila sinuswerte?' ang bastos noh?

"good morning class. sorry I came late. pinapatawag kasi ako sa Principal." at pumasok si ma'am. nung nasa harapan na siya namin, nawala ang ingay. iba talaga kapag may teacher. "get your book in History and go to page 47" at may sinulat si ma'am sa whiteboard na kung ano-ano

"May mga pamahalaan na tinutukoy na Pamahalaang Awtoritaryan. ang pamahalaang ito ay pinamumunuan ng isang tao o maliit na pangkat ng mga tao------MS. CUSTADO!! STOP READING SOME NONSENSE STORIES AND GIVE ME YOUR PHONE. ANO BA ANG BINABASA MO??!!" at napatingin kami ni Erin. ano ba ang ginagawa niya?

"ma'am binasa niya lang po ang Cinderella. mukhang ayaw magpagulo. seryosong seryoso kasi oh. hahaha.. parang nagbabasa ng readers digest. yun pala Fairytales. haha" sagot ng lalaking nasa unahan niya. at dahil dun napatawa ang lahat. pati si ma'am nakikitawa rin. well di ako kasali. I understand her.

"oh mukhang guilty rin si Ms. JASMINE Ilacad. di tumawa. hahaha" sabi ng isa at dumoble ang tawa nila. ayy.. dinamay pa ako?

"okay class. enough of that. dahil sa pinapatawa niyo ako, di ko na tatapusin ang discussion ko...." at nagsihiyawan ang lahat "but  I will give you an assignment. page 50. that's all class dismissed"

~ ONCE UPON A TIME ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon