Part 5

13 5 0
                                    

I never had a serious feelings for someone. I may had countless of crushes but it's nothing serious. In fact, I considered it as my play time.

Maybe I'm too scared to the thought of not receiving the same love I'd give to them. Or... I am not capable of being loved by anyone.

But why does it feels like I am already committed to this guy in front of me? The guy I just encountered this morning.

"A-ano..." Tanging nasabi ko na ikinangiti na naman n'ya.

"Biro lang, 'wag kang kabahan." Sabi n'ya at pinagpatuloy ang pag sayaw sa akin.

I want to ask him. Ano ba ang bumabagabag sa kanyang isip na kanina pa gumugulo sa akin. Sana hindi totoo ang mga nakikita ko, sana mali ako.

"Dito ako!" Nabigla ako nang lumapit si kuya Gi sa amin at naglapag ng isang daan sa plato namin. "Pambato ko ang baby girl namin eh." Sabi pa n'ya at kinindatan ako.

"Dapat lang!" Pinalapit ko sa akin si kuya para bulungan. "Ako kaya ang pinaka maganda dito." Tumawa s'ya kaya nahawa din ako.

"Oo naman, aba! Ikaw naman talaga ang pinaka sa lahat!" Maligayang pag sang-ayon n'ya kahit na nagbibiro lang naman ako.

"Pinaka mabagal kumilos, ganon?" Singit naman ni Mel na kasama pala ni kuya.

"Hoy, pinaka pangit na ginawa ng d'yos, ba't nandito ka na naman? Akala ko ba sina Dine ang sinusuportahan mo?" Sigaw ko sa kanya kahit na alam kong mahina ang dating niyon sa kanya dahil sa lakas ng tugtog.

"Sila nga!" Ngumisi s'ya ng nakakaloko. "Kay Kai naman ito e, pina abot lang sakin." Tiningnan ko si Kairo na busy sa pagkalikot ng cellphone n'ya. Daya! Hindi manlang magpakita ng suporta sa akin.

"Ah ganon? Sige na umalis na kayo dito." Pagtataboy ko sa dalawa.

"Aalis na talaga kami, mukhang enjoy na enjoy ka jan e." Tumingin si Mel kay Cloud at pinagtaas at babaan n'ya ito ng kilay. "Mukhang may gusto kang solohin jan sa mga tinginan mo."

Hindi na ako nakasagot nang umalis na silang dalawa sa harap namin.

"Gago talaga." Mahina kong sabi.

"See?" Sabi ni Cloud. "Hindi lang ako ang nakakapansin, may dumi ba ako sa mukha?" Mahina na naman s'yang tumawa at umiling-iling pa.

"Masama ba? Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyang kapangit na mukha." I lied.

"Sabi mo eh." He smirked again.

"Totoo nga!" Pagpupumilit ko sa aking dahilan. Nagkibit balikat s'ya at hindi na sumagot.

"Thank you candidates number 4, now it's time for our candidates number 3." The host announced. Bitin!

Walang sabi sabi ay inalalayan na n'ya ako papunta sa pwesto ko. Naupo na ako at biglang lumingon sa kanya na nakatayo lang sa gilid ng likuran ko.

"What?" Sabi n'ya sa namamaos na boses.

"Hindi ka ba napapagod? Pwede namang ikaw naman ang maupo dito." I offered him my sit.

Mahina na naman s'yang tumawa at hindi ko inaasahang pipisilin n'ya ang tungki ng ilong ko. Natigilan ako at nagiinit ang mukhang tumingin sa kanya.

"B-bakit?" Tanong ko. Kung siguro umaga ngayon ay kita n'ya kung paano mamula ang aking pisnge. Ack!

"Cute mo." Tanging sagot n'ya at nanuod na ulit sa ikatlong partner na sumasayaw sa gitna.

🎶 There goes my heart shaking
And you are the reason
My heart keeps bleeding
I need you now

Atleast I Have YouWhere stories live. Discover now