Present time
"Sharaaaaaaaaaaa"
Isang sigaw ang gumising sa natutulog kong kaluluwa.
Nagitla ako at napatigil sa pag gawa ng report na ipepresent ko sa trabaho.
Lumingon ako sa pinto para salubungin ng masamang tingin yung sumigaw
Si Lia
"Sharaaaaaa, ano 'tong narinig ko na sinabi mo daw sakanila na hindi ka pupunta?" Tanong nito na may halong pagmamaktol.
"Pano ka nakapasok dito? Pinalitan ko na yung password ah" nagtatakang tanong ko dito, hindi pinansin ang tanong nito, sa madaling salita ayoko sa naging tanong nito.
"Gaga eh noong lasing ka pinagmalaki mo sa lahat ng tao sa bar kung ano yung password mo at sinabi mo pa na tawagan ka nila, bobo mo, sha, password ng pinto mo yung binigay mo tapos sa cellphone mo ka nakatingin noong inuwi ka na namin" mahabang sabi nito
I rolled my eyes, ang daldal talaga.
"Gago" iyon lang ang nasabi ko dahil hindi ko rin naman maalala kung ano na namang nakakahiyang pinag gagagawa ko.
Napasapo nalang ako sa ulo nang maalala ko na kailangan ko na naman palitan ang password ng pituan ko.
Sigh. Ilang beses na ba akong nagpalit ng password? Katangahan talaga, shara, wag ka ng iinom ha pakyu.
"Pero wag mong iniiba yung usapan" singit ni lia na sinilip pa ang mukha ko.
Tinulak ko naman ito ng mahina at natawa
"Madami pa akong gagawin, gabundok ng gawain ang kailangan kong tapusin" natatawang sabi ko dito, nagpapaliwanag, nagpapa-awa.
"Kung sa inuman nga hindi ka umaayaw kahit busy ka edi dapat kahit sa mga ganoong okasyon na minsan lang mangyayari eh hindi ka umaayaw" nakanguso nitong sabi
"Sumama ka na kaseeeee, dali naaaa" umaatungal nitong dagdag
Click.
Napalingon ako ng bumukas ang pintuan ng condo ko.
"Shasha babes" simangot nitong sabi nang makita akong nakatingin na sakanya.
"Mauiiii babesss" tumakbo si lia papunta kay maui at niyakap ito, gumanti naman ang isa.
"Omg. Lia babes you're here din pala" masayang sabi ni maui.
Tinalikuran ko na sila at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Aray" sabi ko nang biglang may bumatok sakin.
Pota muntik na akong sumubsob sa laptop ko.
"Ba't sabi nila hindi ka daw pupunta ha?" Naiinis na tanong ni maui.
"Eh bakit ka nambabatok?" Inis na tanong ko dito.
"Eh bakit sinabi mo kasi na hindi ka pupunta?" Tanong nito.
"Hindi ba matutuloy ang party kapag wala ako?" Mataray na tanong ko dito
"Mahirap bang pumunta sa party na ngayon lang mangyayari?" Pabalik na tanong nito.
"Hindi ba kayo makakapunta doon ng wala ako?" Tanong ko pabalik
"Hoy punyeta puro tanungan ginagawa niyo eh" napahilamos ng mukha na sabi ni lia. Nafufrustrate ata dahil walang sumasagot ng tanong haha
"Seriously, shara, you need to go" seryoso ng sabi ni maui.
"What if I don't want?" Sabi ko, nagbaba ng tingin.

BINABASA MO ANG
The Hallway Of Memories
Подростковая литератураOne reunion unpause the love we paused.