|Astrea|
"AMETHYS!" tawag nila Ellysee at Flora saakin mula sa di kalayuan na tumatakbo papalapit saakin, sabay naman silang nagsihawak sa braso ko sa magkabilaan,
"Kanina ka pa namin hinahanap!" Bulalas ni Flora,
"Oo nga wala nga dito ang magkakapatid at si Fyrra buti nalang nandito ka may niluto kasi kami sana magustuhan mo!" Magiliw namang sabi ni Ellysee at may paapir pa ang magkambal sa isat-isa at saka ako hinila
"Ang hihilig nyong manghila kambal saka ano ba ang niluto ninyo?"
"et pulmenti!" Sabay na sagot nila at nang makarating nga kami sa sinasabi nila ay binigyan ako ni Ellysee ng kutsara at tinikman ang pulmenti na sinasabi nila in ingles word ay beef, marunong pala sila ng Latin words.
"Masarap?" Ng tikman ko pa ang sabaw nito at laman, di ko alam kung ano masasabi ko dahil napaka sarap nga ng niluto nila parang gusto ko na tuloy magluto ng iba pa ng hindi umaasa sa kapangyarihan ko.
"Napakasarap nga, bakit hindi nyo kaya ipatikim sa Hari t'yak na magugustuhan nya iyon" suhesyon ko, bigla naman silang napatingin sa isat isa at nanlaki ang mata at sabay na napatango sa akin.
"Maganda nga naisip mo! Pero mas maganda kung ikaw ang magluto at magbigay nito tuturuan ka namin!" Napatulala naman ako sa kawalan ng may maalala ako, naalala ko yung mga pinadala ng mga tagapagsilbi sa silid ko araw araw na pagkain at nung una kong tinanong kung sino nag luto ay ang sagot naman nila ang Hari daw ngunit syempre hindi naman ako naniwala ruon dahil hindi magsasayang ng oras sa pagluluto yun para saakin.
Napabunton hininga ako"Sig-"
"Kambal at binibini Amethys pinag eensayo na raw kayo kasama si Fyrra lumabas na raw kayo. Iyon lamang po" pabungad ng isang tagapagsilbi, halatang napabusangot ang dalawa sa narinig, napatawa nalang ako ng mahina.
"Ensayo nanaman? Kaka ensayo lang natin kanina"
"Oo nga Flora akala ko ba tuwing ika-apat pa na araw ang pag eensayo haaays pero kasama na sila Fyrra at Amethys!"
Sabay naman silang tumango at tuwang tuwa pa yata, minsan di ko rin maipaliwanag kung ano sila yung laging napapalitan ng masaya ang mga mukha nila at walang mga problema, tumayo na ako at saka nanaman nila ako hinila psh
"Bukas ka nalang namin tuturuan Amethys nakakainis kasi yung Hari eh" nakangusong si Ellysee,
"Ayos lang madami pa namang araw"
"Hayaan mo madami kaming ituturo sayo saka hindi mo ba alam? Ang Mahal na hari ang nagluluto ng pagkaing pinadala sayo" maligayang anas ni Flora ng ikinapagtaka
"Oo nga Amethys kahit kailan hindi nagluluto iyon si Haring Callum"
"Ano ang buo nyang pangalan?" Tanong ko narin dahil Flarcon palang yata ang alam ko at hindi ko din alam ang mga pangalan ng apat
"Callum Rozillian II Flarcon " napatango naman ako sa sinabi ni Ellysee. Maganda rin pala ang pangalan nya. Sumagot naman si Flora
"At ang apat nyang kapatid ay si
Roelzian duke Flarcon ang sumunod sa Hari, at si Cales fuente Flarcon ang sumunod kay Roel at ang pangatlo sa magkakapatid ay si Hermes Yll Flarcon ang dakilang childish sa kanila, at syempre ang bunso nilang kapatid ay si Leigh Amara Flarcon!" Hingal na tapos ni Flora, ngayon ay alam ko na lahat ng pangalan nila ang mahaba lang yata ay ang kay Callum, kakaiba talagang lalaki iyon.
BINABASA MO ANG
Goddess of the Moon_Goddess Series 1
FantasyArteniaz Isang Diyosa ng buwan, taglay na makapangyarihan, kagandahan, kabutihan, sa di inaasahang pagkakamali nyang pumasok sa portal ay napunta sya sa ibang mundo, na dapat nyang gampanan at tulungan, Kingdom of Perszian the kingdom of Perszian...