Chapter 2: Brittney and Veronica

14 2 0
                                    

Coleen's POV

Antok pa ako! Si Yaya kasi ginising pa ako ng maaga at Day off si kuya driver, kailangan ko tuloy mag commute-_-

Ito ako naglalakad ng parang zombie, zombie na maganda! K,kailan pa ako naging mayabang? Papunta na ako sa classroom ko na makita ko ang isang babae na parang barbie.

Brittney Chase, barbie ng school,syempre maganda at sexy,brown haired,maarte,mataray,plastic,may apat na alipores at ang babaeng patay na patay ka Zach.

Pssshhh makaalis na nga! Tiningnan ko ulit si Zach na as the usual naka poker face at si
Brittney na nakatingin sakin. Uh-Oh! May masamang binabalak si Brittney. Nagsmirk siya at may binulong sa tatlo niyang alipores. Yung isa naman niyang bestfriend na kokompleto ng apat na alipores ay palaging absent at twice a week lang napasok. May business ,kabata pa! So wala naman pakeilam ang zombing maganda kaya umalis na lang siya. Har Har!

Habang naglalakad ng Zombie style(walang paa na nakatwist at walang kamay na naka taas paharap, basta iimagine niyo yan!) may pumatid sakin so napasubsob ako dun sa babae na may hawak na kape. Nabasa kaming pareho pero masmalala yung sakin.

"Watch where you're going miss" sabay tawa pa ang bruha.

Arghhh!! Paano na ngayon ang init ng kape feeling ko nasusunog ako! K, OA much. Pero pramis ang init! Tiningnan ko si miss at isa pala siya sa apat na alipores ni Brittney, so ibig sabihin plano lang ito ni Brittney.

"Yan lang ang nararapat sayo, malandi at kung makatingin kay Zach Arghhh!" Inis na sabi ni Brittney. So ginantihan ko siya.

"Evil Witch Btch!" Sabi ko ng mahina pero narinig niya.

"Sino tinatawag mong btch? At ako witch? Sa ganda kong ito? Witch? Oh please" habang galit na galit. Btch naman talaga siya ehh ayaw lang na may tumawag sakanya na ganun. Sasabunutan niya na ako pero may pumigil sa kanya.

"Veronica?! Anong ginagawa mo dito? Diba kahapon ang pangalawang pasok mo? And why did you stop me?" Mukhang pissed na si Brittney.

"Britt, kung pwede lang tigilan mo ang babaeng CHILDHOOD FRIEND ni Zach. Wala siyang landi sa katawan, pero ikaw meron. At wala na basiyang karapatan tumingin sa CHILDHOOD FRIEND niya? Sino ko ba kay Zach?" Sabi niya cool and calm voice. Poker face siya. Pero ito ang kumuha ng atensyon ko.

Siya si Veronica Strauss. Maganda, sexy, popular,twice a week lang pumasok, bestfriend ni Brittney, mayaman, sabi ng nakararami mataray at btchy pero sabi naman daw ng iba mabait, siya ang kokompleto sa apat na barbies dito sa school.

Shocked Face. Yan ang nakita ko kay Brittney. Tinulungan ako ni Veronica tumayo. She's an angel!

"May extra ka bang damit? Magbihis ka muna" sabay ngiti. Waaaahhhh anghel ba nakikita ko o dyosa?

Pumunta ako sa locker ko at kumuha ng damit. Pumunta naman ako sa CR at nag palit.

"Nararapat lang yun gawin ni Brittney!"

"Oo nga! Porket childhood friend siya ganun siya?"

"Feeling ko nga may gusto siya kay papa zach eh!"

Narinig ko nag creak ung pinto at tuluyan na silang nawala. Hayssstt! Diba nila tanggap na childhood friend ako ni Zach? Kasalanan ko ba iyon? Lumabas na ako at dumeretso sa classroom ko. May nakabangga ako.

"Ayy sorry!" Sabay pa kami. Tiningnan ko kung sino.

"Hi Veronica! Salamat nga pala sa pagtulong mo sakin kanina ah"

"No problem Coleen! Nagsawa na kasi ako sa ugali ni Brittney eh."

"Sabay na tayo mag lunch, may treat! Ito na ibabayad ko sa ginawa mo."

"Sure! Geh bye na! Mamayang lunch ah!" Hindi tumatanggi sa pagkain si Veronica hahaha.

Nung nasa room na ako may sumalubong na may concerned expression sa mukha.

"Ok ka lang? Nasaktan ka ba? Narinig ko yung kanina. Sorry wala ako dun kasi bigla akong tinawag ni Jake eh! May announcement daw si coach. Ano ok ka lang ba?" Loooooong speeeeech.

" Ok lang ako may tumulong naman sakin." umupo na ako kasi dumating na si sir.

LUNCH TIME (yuum!)

"Ang charap nito!" Kasabay ko si Nica na kasalukuyang nagsasalita habang kumakain.

" First time mo kumain niyan?" Well we're here in McDo

"Hindi! Ito lang kasi ang pinakapaborito ko." sabay sip ng cokefloat

"So wala akong kasama sa school kasi pag kasama ko si Zach, yung tingin ng mga babae sakin parang papatayin ako, pwede ba ikaw nalang kasama ko palagi?" Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Sure Besh!" Sabay kain. Grabe matakaw pala itong babaeng ito. Biglang nag beep yung phone niya.

" Veronica, how dare you! Pinahiya mo ako kanina! Kumampi ka pa sa babaeng yan. Hindi mo alam ang gulong pinasok mo. Tanggal ka na sa Four Barbies! Hindi na din kita bestfriend!" Nakaloud speaker kaya naririnig ko.

"Like the hell i care." Tapos binaba na niya yung phone. Ang cool lang niya.

"Galing mo teh!" Nagsmile lang siya sakin at kumain ule >_< patay gutom!!

Naiilang na ako kasi feeling ko may tumitingin sakin. Tiningnan ko si Nica, nakatingin sa kinakain niya. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang isang lalake na naka shades at nakacap na SWAG. Umiwas siya ng tingin at umalis na.

Weeirdd nakakatakot yung lalake. Nang matapos si Nica, umuwi na kami.

Pagkadating ko sa bahay may sinabi sakin si Mom. Ayiiiie excited na akooo bukass!! Nagempake ako at natulog ng maaga. Pupunta kami sa isang resort sa Batangas at birthday ni Baby Chiara, pinsan kong cuteee.

(A/N)
Si Coleen po yung nasa picture diyan ;)
(A/N)

My WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon